"H-HUWAG, Matteo! T-tama na! H-huwag! Huwag mo a-akong sasaktan! Huwag, pakiusap!" Hinihingal akong napabangon mula sa masamang panaginip na 'yon. Sinasaktan ako nang paulit-ulit ni Matteo roon at hindi ako makalaban sa mga pananakit niya sa akin at ang tanging nagawa ko lamang ay umiyak at magmakaawa na huwag niya akong saktan. Kinapa ko ang puso ko at habol hiningang pumikit. Pero mabilis din akong napamulat nang biglang kumalabog ang pinto at iniluwa no'n si Josiah na nagmamadaling lumapit sa akin. "B-baby, what happened? I heard you're screaming. Are you ok, huh? Are you ok?" he asked worriedly. And I was ready to answer when he immediately cupped my face of his hands and hugged me after. Naiwang bahagyang nakabuka ang aking bibig sa kanyang ginawa, pero unti-unti ko rin siyang niy

