Bless Princess Pov
Kinabukasan ng tanghali ay pakanta-kanta pa ako habang papasok sa bahay. Magpapalit lang ako ng damit dahil may laro kami ng basketball. Suot ko ang isang jersey short at isang panlalaking t-shirt na puti. Hindi syempre mawawala ang akin ang pang-araw araw na suot kong paboritong sombrero na nakabaliktad pasuot. Nang nasa may pintuan na ako ay agad akong napatigil dahil sa taong kausap nina mama at papa.
“Bakit siya nandito?” mahina kong tanong sa sarili. Ang likod at tikas ng katawan na iyan ay hindi ako puwedeng magkamali. Aatras na sana ako ng mapalingon sa akin si Mama.
“Oh! Anak nandito ka na pala.” Bati sa akin ni Mama kaya wala akong choice kung ‘di dumeretso na papasok sa loob.
Pinanatili ko ang kaseryosohan sa aking mukha kahit na alam kong nakatingin siya sa akin.
“Anak si Iann oh! Iann si Bless namin. Dalagang-dalaga na puwede ng pitasin!” Inilingan ko ang mga sinabi ni mama at bumaling kay Iann ‘tsaka siya tanguan.
Gusto kong maramdaman at makita niya na balewala na siya sa akin. Na ang pag-iwan niya sa akin noon ay balewala na ngayon. Halata ang gulat sa kaniyang mukha dahil sa pagkakita sa akin. Tinitigan ko naman siya. Wala naman gaanong nagbago sa kaniya, ganoon pa rin pumuti lang ng kaunti at tsaka tumangkad. Samantalang ako ay bukod sa tumaba-taba ay naging tomboy pa.
“Mama, sa kuwarto lang ako.” Paalam ko na may kasama pang pagturo sa hagdan pataas kung nasaan ang aking kuwarto.
“Hoy! Babae anong pupunta sa itaas?Ipaluto mo kami ng meryenda!” utos niya sa akin.
Inutusan pa ako! Walangyang lalaking ito!
“Mama naman!” Kumakamot ng ulong reklamo ko. ”May basketball kami eh, ” bulong ko sa huling salita.
“Anong sabi mo?”
“May basketball kami Mama.”
“Lalaki ka ba at magba-basketball ka” nanlilisik ang mata na sabi niya.
“Bakit ba Mama? lalaki lang ba ang puwedeng mag-basketball?” Pangangatwiran ko pa.
“Tumigil ka ha?” banta sa akin ni Mama.
Bumuntonghininga na lang ako dahil ngayon ko lang naalala na hinika nga pala ako kagabi.
“Princess, ipagluto mo na kami ng meryenda. Sige na,” pakiusap na sabi ni Papa.
“Oo nga naman anak. Chef ka naman eh.” Dagdag pa ni mama
“Mama, hindi pa ako chef.” Pagtatama ko sa kaniya
“Ga-graduate ka naman eh. Malapit na rin ‘yon, sige na gawan mo na kami anak.” Paglalambing nito.
Tinanggal ko ang aking sumbrero sa ulo at tsaka ang jersey sa kanilang harap. At dahil doon ang natira na lang ay ang aking sports bra at jersey short. Nagtuloy-tuloy ako sa kusina kahit na may narinig akong tikhim mula sa kaniya. Nakalimutan kong rin kasi na may ibang tao nga pala kaming kasama at hindi ko napigilan na gawin ang paghuhubad ng damit dito sa bahay dahil nakagawian ko na ito. Minsan nga naka-boxer at sports bra lang ako. Dapat nga kung sino ang taong bumabalik ay hindi na dapat nagpapakita. Kapal ng mukhang magpakita matapos manluko.
Inihanda ko ang mga sangkap ng lulutuin kong spaghetti. Iyon lang naman kasi ang meron ditong mame-meryenda. Abala ako sa paghahanda may nagsalita na nakapagpatindig ng aking balahibo.
“Tulungan na kita,” malalim ang boses na sabi niya. Hindi ko alam kong dahil ba sa aking pagkagulat o dahil sa hininga niyang tumama sa aking batok. Pinusod ko kasi ng mataas ang aking mahabang buhok na tinatago ko lagi sa loob ng aking sombrero.
“Ako na lang pre,” pormal na sabi ko.
Hindi ko rin siya binalingin ng tingin habang sumasagot. Hindi ko pinansin ang ilang na nararamdaman ko ng hindi siya umaalis sa likod ko. Umalis ako sa lamesa para buksan ang kalan. Magpapakulo muna ako ng tubig para sa pasta ng spaghetti at para na rin makaiwas sa ilang na nararamdaman. Pagkatalikod ko ay agad kong kinuha ang kaserola. Nilagyan ko ng tubig habang ginagawa ko iyon ay nakakunot ang aking noo dahil sa pagkailang at pagkainis. Hindi kasi talaga siya umalis doon sa pwesto niya kanina sa pagkapasok. Maya-maya lang ay umupo na siya sa isa sa upuan sa aming kainan pero ramdam ko pa rin ang titig niya sa akin. Namayani ang katahimikan sa amin.
Hindi ako humarap sa kaniya dahil sa pagko-kwestyon sa sarili ko, hindi naman kasi ako ganitong naiilang sa mga nakakasalamuha kong mga lalaki. Naiinis ako dahil nakakabakla itong nararamdaman ko. Bakit ba kasi siya nandito? Akala ko ba nag-uusap sila nina mama, bakit siya dito tumutunganga sa akin? Baka naman hindi ako ang nababakla kung ‘di siya. Ha! Pasensya siya babae lang ang katawan ko pero pusong lalaki na to! Parehas na kaming ang hanap ay makinis na legs.
“Kamusta ka na Bless?” maya-maya ay tanong niya. Humarap ako sa kaniya bago sumagot.
“Okay lang,” kibit balikat kong sabi sa kaniya. Umalis ako sa pagkakasandal sa lababo para kunin ang mga ibang ingredients na nakapatong sa ibabaw ng lamesa sa may gilid niya at para hindi na rin ako magpabalik-balik mamaya.
Ang tagal naman kasi umalis nitong ungas na ‘to, may pakumusta-kumusta pa. Kamustahin niya mukha niya. Panget siya! Imbes na maglalaro na ako ng basketball ay may nalalaman pa siyang pabisita-bisita napagluto pa tuloy ako at napurnada ang aking lakad. Bwesit siya! Muntikan na akong mapaso sa kawali ng maggigisa na ako. Naramdaman ko ang kaniyang kamay na yumapos sa aking baywang at dahil sa gulat mula sa malaki niyang kamay na nakalagay sa nakahubad kong tiyan ay nasapak ko siya sa mukha.
“Ano ba? Nakakainis ka na ha?!” galit kong sabi ko sa kaniya. Pinatay ko muna ang kalan bago ulit humarap sa kaniya. Sa pagtataka ko ay hindi man lang siya natinag sa pagkasuntok ko ng malakas sa kaniya. Nakatayo pa rin siya sa aking harapan habang seryoso ang pagmamasid sa akin.
“Ano bang problema mo ha? Hindi ibig sabihin na nakikitungo ako sa’yo ng maganda ay hahawakan mo na ako! Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa akin bago ka umalis!”sigaw ko. Dahil sa gulat ko ay hindi siya sumagot bagkus ay isinandal nya ako sa lababo bago siilin ng halik sa labi.
Hindi ako nakagalaw dahil doon. Marahan lang ang kaniyang halik na parang ninanamnam ito. Mariin rin ang bawat hagod nito na parang itinatatak niya na sa kaniya lang ako. Ipinulupot na rin niya ang kaniyang kamay sa baywang ko at mas idiniin ang katawan niya sa akin na parang hindi pa sapat na walang destansya sa amin.
Hindi na talaga ako nakagalaw dahil sa kaniyang paghalik ngayon ay bumibilis na at kumakagat. Sumisipsip sa aking labi na may halong pananabik. Nanlalabot ang aking tuhod dahil sa kaniyang ginagawa at alam kong ramdam niya iyon kaya dinagdagan pa niya ng marahan pero madidigin na pisil sa aking baywang. Humalakhak siyang hiniwalay ang labi sa akin na bahagya pa niyang kinagat. Mas hinigpitan niya ang hawak sa baywang ko at tsaka sinandal sa dibbib niya.
“Namiss kita baby,” madamdaming sabi niya. Nang makabawi ako sa pagkagulat at panlalabot ng tuhod ay sinutok ko siya sa dibdib para mahiwalay sa akin.
Nang magkaroon ng kaunting distansya mula sa akin pagkasutok sa kaniyang dibdib ay ginamit ko ang buong lakas para siya ay itulak. Bakas naman sa kaniyang mukha ang pagkagulat dahil sa aking ginawa. Akala niya siguro ay makukuha niya ako sa halik? Pwes! nagkakamali siya. Tinitigan ko siya ng masama bago ako tumalikod para sana pumunta sa aking kuwarto ng magsalita siya na nakapagpatigil sa akin sa paglalakad.
“Babawiin kitang muli Bless, kahit kailan ay hindi ka naman talaga nawala sa akin. Kung kailangan kitang tapatan sa pagiging kilos lalaki mo ay hihigitan kita. Tandaan mo gagawin kitang babaeng ulit. Magiging akin kang muli.” Matapos siyang magsalita ay nagmadali akong umalis doon para pumunta sa aking kuwarto. Hindi ko namalayan na may tumulo na palang mga luha sa mga mata ko.