Chapter 2 -Ang Sakit na Nararamdaman

1397 Words
Bless Princess Pov Nang makarating ako sa aking kuwarto ay padabog kong sinara ang pinto at tsaka nilock iyon. Padaskol rin akong umupo sa aking kama. Walang tigil sa pag-agos ang aking luha dahil sa sakit na nararamdam. Sinapo ko ng dalawang kamay ko ang aking mukha sa sobrang inis na nararamdaman sa sarili. Hindi ko akalain na sa isang iglap lang mawawala ang aking pinaghirapang pagbabakod sa aking sarili na ang ginawa kong pader na promo-protekta sa akin nitong mga nagdaang taon ay matitibag lang dahil sa isang puyentang halik na ‘yon. Sana hindi na lang muna ako umuwi ngayon. Sana hindi na ako bumalik dito para magpalit ng damit. Dapat noong mga panahon na pinaasa niya akong darating siya sa aming napag-usapang lugar na iyon ay itinatak niya sa kaniyang sarili na ‘wag na ‘wag na niya akong babalikan. Dahil kung sinira niya ang buhay ko noon dapat hindi na niya sinisira ang napaghirapan kong buhay para makatayo ako ngayon mula sa pagkakasadlak sa kaniyang ginawa. Pinahid ko ang mga luhang tumulo sa aking pisngi tsaka kinapa ang aking bandang tiyan kong saan may mahabang peklat na nakamarka roon. Napatawa ako ng mapakla dahil ito ang palatandaan na minsan sa aking buhay ay may isang taong minahal ko ng lubos ngunit tinaydor lang ako. Palatandaan rin ng peklat na ito na ni minsan sa aking buhay ay hinding-hindi na ako magkakaanak. Iyan ang sabi ng doctor noong araw na isinugod ako sa hospital dahil sa saksak. Natamaan raw ng saksak ang isang ugat na daluyan sa pag-develop ng baby. Kaya siguro mas pinili kong magkagusto sa tulad kong babae kasi umaasa akong may isang magmamahal sa buhay ko na kaya akong alagaan at mahalin tulad ng isang lalaki. Mula kasi noong araw na iyon tinanggap ko na sa sarili kong wala ng tatanggap sa akin na lalaki. Paano ko ba naman sila mabibigyan ng pamilya kung hindi ko sila kayang bigyan ng anak? Masakit man isipin na ang sakit sa dibdib na pilit kong kanakalimutan noon at binabaon sa limot ay bumabalik na naman ngayon. Ang tanga-tanga ko kasi bakit ko siya hinayaang makita ang aking kahinaan? Tumayo ako para pumunta sa akin drawer kinuha ko ang maliit na kitchen knife na tinatago ko sa aking drawer. Nang makuha ko ito ay sumuksok ako sa gilid ng kama at sinumulang lagyan ng hiwa ang aking pulsuhan. Ang sakit na naramramdaman ko ay sa aking dumudugong palapusuhan ko tinituon ang sakit. Tinitigan ko kung paano umagos ang dugo roon. Ganito ako kapag nasasaktan…sinakatan ko ang sarili kasi paraan ko ito upang naiibabaling sa ibang bagay ang sakit na nararamdan ko. Nang magsawa ay tininapon ko sa sahig ang kichen knife na ginamit ko at humiga sa kama. Hinayaan ko na tumulo ang dugo sa aking palapusuhan. Pinilit ko ang sarili na makatulog para malimutan ang nangyayari pero pagkalipas ng ilang minuto ay wala pa rin. Kinuha ko ang bote ng sleeping pills. Kumuha ako ng dalawang piraso na hindi naman dapat at ininom ito kasabay ng nasa beer can na tinatago ko sa ilalim ng kama. Wala akong pakialam kung ano ang maaaring kahantungan ng aking mga ginagawa sa aking sarili. Ang tanging importante lang sa akin ay mailabas ang sakit sa aking dibdib sa sarili kong pamamaraan. Nang hindi mahusto sa isa ay kumuha pa ulit ako ng alak hanggang sa dalawin ako ng antok. Flashback “Iann?” kalbit ni Bless sa kasintahan na niyang si Iann na busy sa pagsusulat sa kaniyang notes. Magkatabi sila sa paboritong bench sa park na paborito nilang tambayan palagi. Dito rin sila gumagawa ng kanilang assignment at nagkikita. Kasaluyan na silang college ngayon. Siya ay first year colloge at ito naman ay fourth year college at malapit ng magtapos sa pag-aaaral. Tatlong taon na rin silang magkarelasyon. “Yes, baby?” Tumaas pa ang makakapal na kilay nito sa pagsagot habang hindi pa rin siya tinatapunan ng tingin. Busy pa rin ito pa pagkokopya ng notes. Hawak nito sa kanang kamay ang ballpen at nakasalikop naman ang kaliwang kamay sa maliit na kamay ni Bless. “Hindi ba, birthday ko na sa susunod na araw. Date tayo? Hintayin kita dito.” Sinubuan ito ni Bless ng kinakain nitong ihaw-ihaw na kaniyang paborito. Palagi na lang ibinibili sa kaniya ito ni Iann dahil alam nitong makakatanggap siya ng halik mula kay Bless. Humarap si Iann kay Bless tsaka tumaas baba ang kilay nito, hindi ito makasagot dahil ngumunguya sa isinubo niya. “Hihintayin kita, ‘wag mong kakalimutan.” Paniniguro ng dalaga kaya tumango siyang muli dahil ngumunguya pa rin. Matapos noon ay hinalikan pa nito ang kamay ni Bless na nakasalikop sa kaniya. Tinuluyan na nitong tinigilan ang pagsusulat at nagpasubo na lang ng mga kinakain ni Bless at nagpapa-baby dito. Kahit na malaki ang katandaan ni Iann kay Bless ay hindi ito naging hadlang sa maganda nilang pagsasama. Napakalambing kasi ni Bless samantalang may pagkapilyo naman itong si Iann. Minsan lang rin sila kung magkatampuhan at ang minsanan na iyon ay halos isa o dalawang beses lang sa isang buwan. “Baby?” Malambing na tawag ni Iann kay Bless. Pilyo pa nitong hinimas ang hita ng dalaga na talagang isinuot pa ang kaniyang kamay sa loob ng palda nito kaya tinapik ng dalaga kamay nito at dinukot paalis ang kamay ng nobyo. “Iann!” bulong na pasinghal nito. Namumula ang mukha nitong iginala ang paningin sa paligid. Napahalakhak ang binata sa reaksyon ng nobya. Kahit naman maluko si Iann pagdating sa nobya ay hindi naman niya hahayaang mapahiya o mabastos ito sa tingin ng ibang tao. Talagang bago niya ito gawan ng kapilyuhan ay sinisiguro niyang walang nakatingin at makakapansin. “Baby, pahawak lang eh,” ani Iann. Nakasimangit at kunwaring pagtatampo ito. “Tumigil ka Iann ha? Isusumbong kita kay papa.” Namumulang saway pa rin ng dalag dito. “Hindi na! hindi na!” Halakhak nito pero pumatong naman ang kamay nito sa hita niya at bahagyang pumisil. Muling namula ang mukha ni Bless na hinagilap ang dalawang kamay ni Iann at iniyakap na lang sa baywang niya at doon ipinirmi. Hindi niya rin ito binitawan upang hindi na maglumikot kung saan-saan. Hindi lang kasi siya nahihiya na baka may nakakita sa kanila kung ‘di dahil nahihiya rin siyang magpahawak kay Iann kasi wala naman itong halos mapisil sa kaniyang laman. Kahit pa sabihin na nagkalaman-laman na siya ay hindi tulad dati na ang payat-payat niya. “Pakakasalan kita para kahit hipuin kita sa kung saan ay akin ka. Hindi ko hahayaang hindi tayo ang makatuluyan sa huli.” Pangako niya. Hinalikan ni Iann ang kamay niya at niyakap siya ng mahigpit. Mas minamahal siya ni Bless. Hindi ito sensitibo pagdating sa kaniya at tanggap nito ang mga kapilyuhan niya. Sinisinghalan lang siya nito minsan lalo na kapag inis o puno na ito sa kaniya pero wala naman itong ibang ginagawa. Hindi rin ito nagsusumbong sa mga magulang at masasabi niyang sa matagal na panahon nilang magkarelasyon ay sanay na ito sa kaniya. Nasasabi ni Iann na pakakasalan niya ang dalaga dahil siguradong-sigurado na ito dito. Maging ang kulang na lang sa kanila para maikasal ay ang pagtatapos sa kanilang pag-aaral. Parehas suportado ng kanilang mga magulang sa kanilang relasyon. Basta ba ipapangako niya na iingatan si Bless sa pamilya nito. Hindi niya kayang makita na hindi si Bless ang makakasama hanggang pagtanda. End of Flashback Napabalikwas ako ng bangon dahil sa aking panaginip tumutulo ang aking pawis dahil doon. Alam na alam at tandang-tanda ko pa ang pangyayari ‘yon bago kami naghiwalay. Iyon ang huli naming masayang ala-alang dalawa. Iyong mga sumunod ay puro madilim na para sa akin. Kasing dilim ng kuwarto ko ngayon. Gabi na pala at hindi ko man lang namalayan ang buong maghapon. Napatingin ako sa aking palapusuhan ng kumirot ito. Oo nga pala, sinaktan ko na naman ang sarili ko. Napatingin ako sa pintuan ng aking kuwarto ng may kumatok dito. “Anak, lumabas ka na riyan sa kuwarto mo. Gabi na’t nagkukulong ka pa rin. Labas na riyan mahal,” malambing na sabi ni Mama. Tumayo ako sa kama para mag-ayos ng sarili dahil sa oras na lumabas ako sa aking kuwarto ay kailangan kong ipakita sa mundo na okay ako, kahit sa loob-loob ko ay parang pinapatay na ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD