Chapter 3- Wrist Band

1761 Words
Bless Princess Pov Nagtungo ako sa may pinto upang buksan ang ilaw dito sa kuwarto, batid ko na nagkalat ang aking dugo sa kama kanina. Papalitan ko muna ang bedsheet ‘tsaka lilinisin ko ang dugo kasi minsang pumapasok si mama kapag wala ako dito o di kaya ay tulog pa ako tiyak na mag-aalala iyon at magagalit sa akin kapag nalaman niya ang mga pinaggagawa ko. At iyon ang ayoko kong mangyari, gusto ko na makita niya na ayos lang ako kahit hindi talaga. Tama na iyong ilang taon na pag-aalaga niya sa akin ng masaktan ako sa pag-iwan sa akin ni Iann, ayoko na mangyaring muli na mapabayaan niya ang kaniyang sarili dahil sa akin. Nang mabuksan ko ang ilaw ay agad akong kumilos upang palitan ang bedsheets, kinuha ko rin ang kutsilyong ginamit ko kanina. Pumasok ako sa cr para mahugasan iyon upang maitago kong muli sa aking drawer at para hugasan na rin ang aking palapusuhang may natuyo ng dugo. Pagkatapos kong hugasan at masiguro na malinis na iyon ay pinunasan ko ito ng bedsheet upang matuyo, matapos no’n ay inilagay ko rin sa labahang basket ang bedsheet. Ang isinunod ko namang gawin ay ang malagyan ng naging bedsheet ang aking kama, matapos no’n ay ang aking sarili naman ang aking inintindi, kumuha ako ng pamalit sa aking cabinet na isang t-shirt at boxer.Kinuha ko rin sa isang drawer doon ang aking wrist band na aking gagawing pantabon sa aking sugat sa palapusuhan. Lagi rin kasi akong nagsusuot ng wrist band kahit nandito sa bahay, ang lakas kasi ng dating para sa akin kapag may suot akong ganito.Ngayon hindi ako nagsuot nito para roon kung hindi para itago ang ginagawa ko sa sarili ko sa tuwing sumasagi sa akin ang sakit, galit at pagkamuhi sa aking sarili. Matapos kong gawin ang mga iyon ay dahan-dahan akong bumaba sa aming hagdan patungo sa sala. Pagkababa na pagkababa ko ay bumungad sa akin ang tawanan nina papa at kambal kong kuya na nag-iinuman. “Bless,”nagulat ako sa pagkababa ko ay nakita ko si Iann doon, akala ko ay walang bukod na tao dito at sila lang pero laking gulat ko ng makita ko siyang nakaupo sa mahabang sofa at ng makita niya akong bumaba sa hagdan ay bigla na lang tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa. “Oh, pare hinay-hinay dito sa kapatid namin,”saway ni kuya Synonym, mukhang kanina pa sila nag-iinuman kasi mukhang may tama na ito ng konti dahil namumula-mula na hubad-baro pa at si kuya Antonym. Lumabas si mama mula sa kusina na may dalang pulutan at ng makita niya ako ay nagsalita siya. “Oh Bless, umupo ka na diyan sa sofa at diyan na lang kita hahainan sa kanila sige na at ng makapag-bonding kayo.”umupo ako sa mahabang sofa kung saan nakaupo si Iann kasi iyon lang naman ang walang laman pero siniguro ko na may sapat na distansya sa kaniya. “At ikaw naman Iann ay umupo ka na rin, hindi ka tatakasan niyang dalaga namin na iyan. Sa’yong-sa’yo iyan.”puna ni mama kay Iann bago umalis papunta sa kusina upang kumuha ng aking hapunan, hindi ko rin tinatapunan ng tingin si Iann at pinanatili ko ang kaseryosohan sa aking mukha. Ayoko kong makita niyang naaapektuhan niya ako. Umupo na rin si Iann na mukhang naapektuhan sa aking pagdating dahil kita sa mukha niya pagkaba ko kanina ang pag-aalala nito sa maaari kong gawin at sabihin sa kaniya dahil sa paghalik niya sa akin kanina. “Oh!iyong-iyo naman pala ang bunso naming iyan eh!”tudyo pa ni kuya Synonym sa amin na hindi ko na lang pinansin. Parehas lang namang tumawa at umiling si kuya Antonym at si papa.Si Iann naman ay ngumingisi lang pero pilit pa rin na hinuhuli ang aking tingin. Nagpatuloy pa sa pagtukso si kuya Synonym na binalewala ko lang. Kumuha ako isang baso at sinalinan ito ng alak na puno at walang sabi-sabing tinungga ito. “Anak Bless kumain ka muna ng kanin ha?hindi ka pa nagta-tanghalian at naghahapunan.”saway ni papa sa akin ng makita ang ginawa ko. Binaba ko ang baso sa lamesa at ‘tsaka sumandal sa sofa. Hindi na rin ako nangatwiran dahil pakiramdam ko ay pagod na pagod ako kahit kagigising ko lang. “Anak oh, kumain ka na.”masaya at malambing na inilapag ni mama sa lamesa ang hapunan ko at bahagya pang hinalikan ang aking sentido bago nagtungo sa pwesto ni papa at umupo sa armrest nito. Agad namang pinulupot ni papa ang kaniyang kamay sa bewang ni mama Iniiwas ko na lang ang aking tingin sa kanila at binaling ko na lang sa pagkain ang aking atensyon, adobong manok ang ulam na siyang paborito ko kaya walang pagdadalawang sabing inumpisahan ko ng kainin iyon. “Uyhuy!nagloloving ang mag-aasawa mabubunsuhan pa yata ang princess namin ah?!”katsyaw pa ni kuya Synonym sa naglalambingang si mama at papa. Nagsikantsyawan, asaran at kwentuhan sila habang hindi nila namamalayan na tapos na akong kumain at nakaka-tatlong baso na akong alak na puno. Naka-dalawang shot pa ako bago ako nakaramdam ng hilo at pang-iinit ng mukha. Sa puntong iyon alam kung may tama na ako ng alak. “Aba!ubos na pala itong alak natin ang bilis naman?” pagtataka ni kuya Synonym na siyang madaldal sa magkambal. Samantalang si kuya Antonym naman ay seryoso sa kaniyang cellphone. Napangisi ako dahil alam kung ako ang halos nakaubos no’n.Pinahiran ko ang aking pisngi ng may maramdaman akong basa roon. Pinahiran ko itong mabuti ng malaman kong luha ito. Naiinggit ako sa kanila kasi nakakaya nilang maging masaya samantalang ako lahat ng aking ipinapakita sa kanila ay pawang kasinungalian lamang para hindi sila mag-alala. Naiinggit din ako kina mama at papa hindi ko maiwasang isipin na kung hindi ba niya ako iniwan ganiyan na rin kami ngayon?Na sana masaya kami?Hindi sana ako nasadlak sa kung anong sakit ang naramramdam ko ngayon na pilit ko man na ibangon ang aking sarili ay hindi ko na alam kung paano. “Anak okay ka lang ba?may problema?”Nagawi ang tingin ko kay mama ng tanungin niya ako, lahat tuloy sila ay naagaw ang atensyon at sa akin tumingin. Umiling ako at nag-iwas ng tingin. “Eh bakit ang tahimik mo diyan?Tapos nagkulong ka pa sa kuwarto pagkatapos mong magluto ng spaghetti?”natigilan ako sa sinabi niya. Nagluto ako ng spaghetti?samantalang pagkatapos ng nangyari ay hindi ko na tinuloy, baka si Iann ang nagtuloy naisip niya siguro na malalaman ni mama ang kabaliwan niya. “Wala mama gusto ko lang magpahinga kaya gano’n masama ba iyon?”Palusot kong na tanong na inilingan niya lang. “Tsaka bakit ‘yong spaghetti mo ay bukod ang lasa sa karaniwan mong niluluto, medyo hindi ko gusto ang lasa?” Nagkibit-balikat ako kahit alam ko kung ano ang dahilan, hindi kasi marunong magluto itong si Iann kaya siguro ay niluto niya lang ang spaghetti sa paraan niyang alam niya ay tama. “Ewan baka bukod na brand yung nabili mong spaghetti ngayon kaya bukod ang lasa.” pumulot ako ng pulutan at iyon ang pinapak, wala na kasing alak. Kumukuha pa si kuya Antonym ng alak sa kusina. Magpre-presinta sana si kuya Synonym pero sumusuray-suray na kaya hinayaan niya na lang ang kaniyang kakambal ang kumuha. Maging ako ay pakiramdam ko’y susuray na rin ako kapag tumayo pero, kahit na gano’n ay hindi ko pinapahalata sa kanila na may tama na ako. Sumandal lang ako sa sofa at pinag-laruan ang aking pang-ibabang labi gamit ang kalawang kamay na nakapatong sa arm rest ng sofa. “Magpapahinga na kami ng papa niyo, kuya Synonym ha?huwag masyadong pag-inumin si Bless,”maya-maya’y paalam na nina mama at papa mukhang inaantok na ang mga ito at gusto ng magpahinga. Inaantok na tumango lang naman si kuya Synonym, bumaling naman si mama kay Iann na pilit pa rin nahinuhili ang aking tingin. “Iann anak mauuna na kaming tumulog ng tito mo, tumatanda na kami kaya madali ng antukin.”paalam nito kay Iann na tumawa pa sa huli niyang sinabi.Bumaling naman si Iann sa kanila ni papa na mukhang iyon lang ang nakaagaw ng atensyon niya mula sa paghuli ng aking tingin. “Sige po tita, goodnight po sa inyo ni tito.”sagot nito kayna mama. Ngumiti lang naman si mama at tinapik naman ni papa ang balikat ni Iann bago sila magka-akbay na umakyat sa taas. At dahil sa umakyat na sina mama ay kaming tatlo na lang nina kuya Synonym at Iann ang natira hindi pa rin kasi bumabalik si kuya Antonym. Pilit ko namang hindi pinapansin si Iann na mukhang kanina pa ako gustong kausapin ngunit hindi ko siya hinahayaan. Mukha kasing gusto niyang kaming dalawa lang ang mag-uusap at ayaw niyang ipadinig kay kuya Synonym na nakasandal sofa habang nakapikit. At kung talagang mamalasin ka at paglalaruan ka ng pagkakataon ay paglalaruan ka dahil nagpaalam si kuya Synonym na pupunta sa banyo. “Ihi lang ako.”paalam ni kuya Synonym kaya naiwan na kami ni Iann na ayaw kung mangyari. Binantayan ko lang naman na umalis si kuya Synonym na susuring papunta sa banyo bago ako tumayo upang umakyat na sa aking kuwarto at pinilit ko ang sarili ko na maglakad ng matino kahit na umiikot na ang paningin ko. At sa aking pag-alis ay rinig kong tinatawag ni Iann ang pangalan ko pero hindi ako lumingon. Akala ko ay natakasan ko na siya ng nasa tapat na ako ng pinto ng aking kuwarto ng may humigit sa palapusuhan kong may sugat na napapatungan lang ng wrist band. “Aray!”malakas na sigaw ko dahil sa biglang higit at hawak niya sa aking palapusuhan ay hindi ko na napigilan ang salitang lumabas sa bibig ko, agad din na umasim ang mukha ko dahil sa sakit. “Sorry baby mag-usap tayo please,”pag-susumamo ni Iann halata sa mukha niya na may tama na rin ng alak dahil sa namumula niyang mukha at tenga. Nasisilip ko rin ang dibdib niyang namumula sa kaniyang suot na v-neck t-shirt. Agad kong inagaw ang aking kamay mula sa kaniyang pagkakahawak dahil para akong mapapaso sa init ng kaniyang malapad at maugat na kamay. “Ayoko, umalis ka na.”malamig na tugon ko sa kaniya kahit na umiikot na rin ang aking paningin dahil sa medyo naparaming inom ko kanina. Pumihit ako patalikod sa kaniya at akmang pipihitin ko na ang pintuan ng aking kuwarto ng may muling humigit sa palapulsuhan ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD