Bless Princess Pov
Pumihit ako patalikod sa kaniya at akmang pipihitin ko na ang pintuan ng aking kuwarto ng may muling humigit sa palapulsuhan ko.
“Aray masakit!”muli kong binawi sa kaniyang pakakahawak ang palapulsuhan ko at hinimas ito, pakiramdam ko kasi ay muli itong dumugo dahil naramdaman ko ang pagkabasa ng mainit na likido sa tela ng wrist band na nakatapal dito.
“Anong n-nangyari riyan?”Nag-aalalang tanong niya at parang nagulat pa siya na gano’n ako maka-react sa paghawak niya lang sa aking palapusuhan, inagaw niya sa aking isang kamay ang palapusuhan ko na pilit kong pinapawi ang sakit niyon sa paghihimas dito.
Hindi ko na naitago pa ang aking reaction sa kaniyang harapan dahil sa sakit na lumukob sa pagkakahigit niya dito.
At halos matanggal ang aking pagkalasing ng simulan niyang tanggalin ang wrist band ko. Babawiin ko sana sa kaniya ang palapulsuhan ko ng tuluyan na niyang matanggal iyon. Nanlalaki ang kaniyang mata na makita ang muling dumudugo kong palapusuhan at nakita ko rin kung paano agad na dumilim ang mukha niya na may halong pag-aalala ‘tsaka sumunod ay ang galit.
“Saan mo nakuha ito?!”Madilim ang mukha at tiim bagang na tanong niya sa akin na para bang may ideya siya kong saan ko nakuha iyon.
“Wala ka ng pakialam doon!!”Galit kong sigaw sa kaniya at pilit na inaagaw ang palapusuhan ko ng ayaw niyang ibigay sa akin at hinawakan niya lang ito sa medyo malayong parte para hindi ako masaktan.
“Sinasaktan mo ba ang iyong sarili?ha?!kaya ba hindi ka lumabas ng kuwarto mo buong hapon dahil dito?!”Galit na tanong niya sa akin.
Hinawakan pa niya ang bewang ko at hinapit papalapit sa kaniya na para bang sinasabi niyang hindi niya ako bibitawan hanggat hindi ko siya binibigyan ng matinong sagot.
Nagsimula na ring magdugo ng marami ang aking palapusuhan kahit na magaan lang ang kaniyang pagkakahawak doon dahil sa aking pagpupumiglas at kagustuhan ko rin na makawala sa kaniya.
“Ano ba?!bintawan mo nga ako wala ka na sabing pakialam doon at kahit na anong gawin ko sa aking sarili ay wala ka na ring pakialam doon!” Malakas ko siyang itunulak sa kaniyang dibdib gamit ang aking isang kamay at hinawakan ang palapusuhan kong patuloy na dumudugo ‘tsaka matalim ko rin siyang tiningnan.
”At kung sinaktan ko nga ang sarili ko ay wala ka ng pakialam doon dahil sa una pa lang ikaw na ang dahilan kong bakit ako nagkakaganito!” Natahimik siya sa sinabi ko at napatitig sa akin nilabanan ko naman ang titig niya.Wala na akong kontrol sa aking sarili at sa mga lumalabas aking bibig. Gusto kong ipakita sa kaniya na hindi na ako ang dating Bless na mahina at malambing sa kaniya na kaya niya lang iiwan kung kailan niya gusto.
“Baby naman, huwag mo naman gawin sa sarili mo ito oh!nandito na ako hindi na ulit kita iiwan pangako ko iyan.” Madamdaming sabi niya at nangungusap din ang mga mata niya na para bang sinasabi nitong paniwalaan ko siya at bumalik na ako sa dati.
Nangingilid na rin ang luha niya na parang siya pa ang nasasaktan para sa akin, na parang nahihirapan siyang makita akong ganito.
“Wala ka ng pakialam!kung ano ang gusto kong gawin ay gagawin ko!”Galit na sigaw ko sa kaniya.
“At ‘tsaka nangangako ka na naman pero hindi mo naman tinutupad, nasaan na iyong mga pangako mo noon sa akin na hindi mo iiwan?na mahal mahal mo ako?!pero anong ginawa mo iniwan mo lang ako ng walang paalam! Pinagmukha mo akong tanga kakaintay sa iyo pero hindi ka dumating!tama nga ang sabi ng iba na dapat hindi ka nagmamahal ng seaman kasi manluluko." dadag ko pang panunumbat sa kaniya at nagsimula na ring tumulo ang mga luha ko. Umaatras ako papalayo sa kaniya pero humahakbang naman siya papalapit sa akin.
“Baby mag-usap tayo pag-usapan natin ito dumudugo na ng sobra ang sugat mo oh?!”pakiusap niyang muli
“Ayoko!” Malakas na sigaw ko ulit sa kaniya ng akmang hahawakan na niya ulit ako ng inilayo kong muli sa kaniya ang dumudugo kong palapusuhan.
Sasagot pa sana siyang muli ng madinig namin mula sa baba ng hagdan ang lasing na boses ni Kuya Synonym
“Hoy!sino yang sisigaw-sigaw na iyan?!”pilit niyang tinitingan kong kung sino ang nasa taas. Wala kasing ilaw ang buong second floor at tanging sa sala at sa kusina na lang ang bukas.
Hirap siyang tingnan kung sino ang nandidito sa taas dahil na rin sa kaniyang kalasingan, laking pasasalamat ko rin na wala pa rin si Kuya Antonym hanggang ngayon na mukhang bumili pang muli sa tindahan ng alak ng malaman niya sigurong naubos ang alak sa aming kusina marami-rami rin kasi ang nainom namin at mukhang dahil doon ay naubos na ang stock na alak sa kusina.
“Ku-“isusumbong ko sana si Iann na nandidito siya sa itaas ng patahimikin niya ako gamit ang labi niya at itulak ako papasok sa kuwarto. Hindi ko malaman kung paano niya nabuksan ang pinto ng kuwarto ko at kung paano niya ako naipasok dito. Ni-lock din niya ito habang hindi niya hinihiwalay ang labi niya sa akin na marahas na gumagalaw, kaya wala na akong pagkakataon na patigilin siya.
Mas hinapit din niya ako papalapit sa kaniya pagka-tapos niyang i-lock ang pinto gamit ang mabilis niyang kamay sa pamamagitan ng paghawak sa magkabila kong bewang at bahangya pa niya akong pinipisil doon ng mabagal pero madigiin.
Wala akong lakas na itulak siya dahil na rin sa epekto ng alak na nainom ko. Ang kamay ko na nakalagay sa dibdib niya na dapat ay gagamitin kong pantulak sa kaniya ay nawalan ng lakas para siya ay itulak pa. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman kung dahil ba sa epekto ng alak o dahil sa halik niya kung bakit ako nanghihina. Tuloy-tuloy rin ang pagkabog ng dibdib ko dahil sa kaniyang ginagawa, parang sa halik na iyon ay binubura niya ang sakit na nararamdaman ko sa mga nakalipas na taon na iniinda ko ito.
At dahil sa kaniyang halik na nakakapanghina at nakakahalina ay tuluyan na ngang namahinga ang kamay ko sa kaniyang dibdib at sinimulan ko na ring gumalaw ng labi ko palaban sa kaniya.Hindi ko alam kong sa epekto pa ba ito ng alak na nagpabaya ako sa halik niya at tumakbo sa isip ko na halikan siya pabalik o talagang sa sarili ko lang na gusto ko talaga.
At ang dating marahas na paggalaw ng kaniyang labi ay bumagal na parang ninanamnam at inaantay nito ang bawat pagganti ko sa kaniya. Hindi ako marunong humalik kaya patigil-tigil ang ginagawa kong pagganti sa kaniya ngunit sa tuwing nararamdaman niya na tumitigil ang halik ko ay ginagamit niya ang kaniyang labi upang i-guide ako kung paano gawin iyon.
Ang t***k din ng aking dibdib ay naging pamilyar sa akin na para bang may kasiyahan itong nararamdaman kaya ito tumitibok ng ganito, tandang-tanda ko pa na ang t***k na ito ay naramdaman ko ng minsang muntik ng may mangyari sa amin noong nag-aaral pa siya pero pinigilan niya lang dahil masyado pa akong bata noon.
Sinabi niya rin na kaya niyang maghintay sa tamang panahon. Ipinangako niya rin na kukunin niya sa akin iyon kapag ako ay kaniyang-kaniya na at siya naman ay akin na akin na. Hihingi raw muna siya ng permiso sa Diyos sa harap ng altar bago namin gawin iyon.
“Hmm,”napa-ungol ako ng bahagya niyang kagatin ang aking pang-ibabang labi at sinamantalang niyang nakaawang ang aking labi ‘tsaka niya ipinasok ang kanyang dila. Nagsimula itong maggaligad doon na parang may hinahanap at hindi ako nakagalaw dahil hindi ko naman alam ang aking gagawin, unang beses ko lang maranasan ang ganitong bagay at pakiramdam.
Sa kaniyang ginawa parang sinilaban ang aking katawan kaya naitulak ko siya paupo sa kama at siya naman ay sa kagustuhang ayaw maputol ang kaniyang halik sa akin ay hinigit niya ako patagilid upang mapaupo ako sa kaniyang kandungan.
Sa aking pag-upo sa kaniyang kandungan ay kaagad niyang sinalubong ng halik ang aking labi, kahit madilim sa aking kuwarto ay hindi niya ininda iyon dahil animong alam na alam niya kung nasaan ang labi ko.
Sabik na sabik ang kaniyang halik na parang doon nakadepende ang kaniyang buhay. Bahagya niya pa itong kinakagat at sinisipsip na parang bang may makukuha siyang vitamins doon na kailangan niya sa araw-araw.
Ang kaninang nasa bewang niyang kaliwang kamay ay unti-unting naglalakbay papunta sa aking likod at bahagyang humihimas doon. Naglakbay rin ito papunta sa gilid ng aking dibdib papunta sa harapan upang damhin ang aking dibdib. Napapa-angat ang aking katawan sa tuwing pumipisil siya sa aking dibdib na may kahalong kiliti at hapdi ngunit nagbibigay naman sa akin ng sarap sa pakiramdam
Habang ginagawa niya iyon ay pumasok sa aking isipan na meron naman na siguro siyang mapipisil doon dahil nagkalaman-laman na rin naman ako hindi tulad noon na talagang para akong stick. Samantalang ang kanang kamay naman niya ay nakaalalay pa rin sa aking bewang para hindi ako mahulog.
“Iann,”inilayo ko ang labi ko sa kaniya dahil bukod sa hindi ako makahinga ay napapa-awang din ang aking labi habang tinitingnan ko kung paano niya himasin at pisilin ng salitan ang aking hinaharap.
"Iann oh!" Daing ko habang nakatinghala at nakapikit na ngayon dahil sa pagnananam sa kaniyang ginagawa.
Mukha namang hindi siya nakontento na hindi niya ako hinahalikan kaya ang mga labi niya ay gumapang papunta sa aking leeg, panga at pisngi. Bahagya rin niyang tinamnan ng halik ang aking likod ng tenga at ng nakita niya sapat na ang aking nakuhang hangin ay muling gumapang ang kaniyang halik sa aking pisngi, panga at gilid ng aking labi bago niya muling paglapatin ang aking labi. Hindi mahirap gawin ni Iann na abutin ang aking labi dahil kahit na nakaupo ako sa kaniyang kandungan ay hindi pa rin naging rason iyon upang maging mataas ako sa kaniyang ng konti.
Hinayaan kong na lang lasapin ang sandaling ito dahil gusto kong pagbigyan ang aking sarili sa bagay na ang aking tanging nasa isip ay ako at siya lang. Kinalimutan ko muna ang problema, galit, inis at pagkalito na aking nararamdaman.
Ang tanging importante lang ngayon sa akin ay siya at ang kaniyang ginagawa sa aking katawan na naghahatid ng ganito katinding pakiramdaman na parang dinadarang ka sa sobrang init na tanging siya lang din ang nakagagawa sa akin.