Bless Princess Pov
Ang tanging importante lang ngayon sa akin ay siya at ang kaniyang ginagawa sa aking katawan na naghahatid ng ganito katinding pakiramdaman na parang dinadarang ka sa sobrang init na tanging siya lang din ang nakagagawa sa akin.
Ginugusto ko rin ang tunog ng halikan ng labi naming dalawa, ang ungol at kaluskos namin dito sa aking madilim na kuwarto na ang tanging ilaw lang ay ang lampshade ko na nagbibigay ng konting kulay dilaw na liwanag na hindi naging sapat para magkakitaan kami ngunit, wala akong pakialam ang tanging gusto ko lang ay ang kaniyang mainit at malambot na labi.
“Ah baby,”Napapa-ungol din siya kapag nakakagat ko ang kaniyang labi sa tuwing pinagsasalit-salitan niya ng pisil ang aking dibdib na kahit na meron akong suot na damit ay hindi ito naging dahilan para maramdaman ko ang init ng kaniyang maugat at malaking kamay.
Sa ginagawa niyang pagkagat sa aking labi ay ginagaya ko na rin at aking ginagawa sa kaniyang labi upang malaman ko kung ano ba ang pakiramdam na kagatin ko siya at mas lalo ngang nag-iinit ang aking katawan sa tuwing nadidinig ko ang husky niyang ungol.
Hindi pa ako nakontento sa aking paghalik at pagkagat sa kaniyang labi dahil ang aking kamay na nasa kaniyang dibdib ay aking sinimulang paglakbayin patungo sa kaniyang batok upang mas mahalikan ko pa siya ng mas malalim.
At ng masiguro ko na malalim na nga ay sinimulan ko na siyang himasin sa kaniyang batok pataas sa kaniyang buhok at bahagya siyang sabunutan doon. Napapisil naman siya sa aking bewang dahil sa gulat ng aking ginagawa.
“Ah baby, binabaliw mo ako.”husky niyang ungol sa pagitan ng halikan namin at dahil sa kaniyang ungol na ginawa ay mas lalong umalab ang init ng aking katawan. Kaya’t iniangat ko ang aking katawan upang ibabawan siya ngunit sa aking ikinataka ay pinutol niya ang halikan namin ‘tsaka niya ipinirmi ang aking bewang at hinalikan ako sa noo.
Bahagya ko pa hinabol ang kaniyang labi ng tanggalin niya ito sa akin na siyang mahinang ikinahalakhak niya bago niya ako dampian ng mabilis na halik sa aking labi.
“Tama na baby baka maangkin kita ng paulit-ulit dito, alam kong hindi ka pa handa at hindi mo pa kaya,”Malambing na bilin niya sa akin.
“Iann please,”halos pabulong na usal ko sa kaniya habang hinahaplos ko ang kaniyang panga papunta sa kaniyang pisngi at gilid ng labi, ramdam ko na rin ang aking pagkabasa roon. Alam ko rin na sa mga oras na ito namamantal ang aking labi dahil sa aming ginawa ngunit wala akong pakialam.
“Baby alam kong epekto lang ng alak itong nararamdaman mo kaya please pakalmahin mo na lang muna ang iyong sarili at pakaalmahin ko rin ang akin dahil gusto kong angkinin kita ng walang impluwensya ng alak,”Pagpapaintindi niya sa aking at inilagay niya pa ang kaniyang isang kamay sa aking pisngi upang himasin iyon.
Napabuntong-hininga na lang akong sumandal sa kaniyang dibdib upang pakalmahin nga ang aking sarili.
Umayos din siya upo sa kama ko at mas hinapit pa ako papalapit sa kaniya na akala mo ay mawawala ako kapag ako ay kaniyang binitawan, ngayon ko lang din naramdaman ang epekto ng alak sa akin dahil kahit madilim ay umiikot ang aking paningin.
Wala na rin akong pakialam kong ako ay nakakandong sa kaniya ng patagilid at mukhang balewala na rin ito sa kaniya at enjoy na enjoy pa.
Hinahabol ko pa rin ang aking hininga dahil sa aming ginawa at maging siya ay naghahabol din ng hininga dahil mula sa pagkakasandal ko sa kaniyang dibdib ay ramdam na ramdam ko ang ginagawa niyang malalim na paghinga.
Nang makabawi ay pinihit niya ng konti ang aking lampshade na nasa side table ko para magkaroon at mapalapit ang kaunting liwanag sa amin. At kahit na ganoon ay hindi ako umalis sa pagkakasandal sa kaniyang dibdib, nagtataka nga rin ako sa aking sarili kong bakit wala akong maramdamang pagsisisi sa ginawa namin.
Pawis na pawis ako dahil kahit hindi ko hawakan ang aking likod ay alam ko na basa ito at kitang-kita ko rin mula sa munting liwanag ang tumutulong pawis sa noo ni Iann, pati na rin ang nag-uumigting niyang panga ay kitang kita ko na animo’y may pinipigilan. Panay rin ang kaniyang pisil sa aking bewang na parang doon mababawasan ang kung ano mang kaniyang pininigilan kapag ginawa niya iyon.
Tumahimik lang ako at hindi nagtanong. Ninanamnam ko ang init ng kaniyang katawan at nakakapagbigay ng nakakakalmang pakiramdam sa akin lalo na ang kaniyang mabangong amoy.
Hindi ko namalayan na nakaka-tulog na ako sa pagkakasandal sa kaniyang dibdib.Naramdaman kong na lang na binubuksan niya ang drawer ko na parang may hinahanap, pinakiramdaman ko muna siya bago ko binuksan ng bahagya ang aking kaliwang mata para matingnan kung ano ang kaniyang nakuha mula roon at nakita ko nga ang isang bag na aking lagayan ng mga pang-first aid.
Tuluyan ko ng binuksan ang aking mata ng makita kong nilalagyan na niya ng alcohol ang bulak. Ngayon ko lang naalala na mula noon hanggang ngayon ay hindi ko na binago ang pwesto ng lagayan ko ng first aid noon sa aking drawer, kaya siguro pumasok ang ideyang ‘yon sa kaniya dahil alam niyang doon ako naglalagay no’n.
Dahan-dahan niyang kinuha ang aking palapulsuhan at dahan-dahan niyang ding iniangat ng hindi ako tinatapunan ng tingin. Akala niya siguro ay tulog pa ako kaya marahan lang ang kaniyang paggalaw. Hindi niya alam ay nagmamasid lang ako sa kaniya at gising na gising pa.
Alam kong inantay niya lang akong patulugin bago niya gamutin ang aking sugat dahil alam niyang takot ako sa alcohol, kaya nga hindi ko ginagamot ang aking mga sugat gamit ang alcohol. Umiinom ako ng alcoholic drink pero takot ako sa alcohol. Ipahid mo na ang lahat sa akin huwag lang ang alcohol dahil magkakagulo tayo!
Hindi ako nag-react kahit takot dahil sinimulan na niyang dampian ang palibot ng aking sugat bago niyang isinunod ang mismong sugat at hindi ako umimik dahil sinusubukan ko kung kapag ba may inom ay walang talab sa akin ang sakit ng alcohol sa sugat.
“Aww,”Mahinang daing ko ng idampi na nga niya sa aking sugat ang bulak na may alcohol at kumalat ang hapdi no’n sa aking balat. At dahil doon ay nagawi ang tingin niya sa akin at nalamang gising ako.
“Baby gising ka pala?”Namamaos na tanong niya, kita ko sa liwanag mula sa lampshade na parang inis pa siya sa kaniyang sarili na hindi muna niya siniguro na tulog na tulog pa ako.
“Ouch, ouch!”hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi dahil pilit kong iniinda ang aking palapusuhan habang panay ang ihip dito, natagalan niya kasi ng lagay ng hindi napapansin dahil sa pagtingin niya sa akin ng magsalita ako, para naman siyang natauhan dahil maingat niyang inagaw ulit sa akin ang aking palapusuhan at siya na ang nag-ihip nito.
Nang mawala ang sakit no’n ay hinalikan niya ako sa noo.
“Konti na lang baby, lilinisin ko lang itong sugat mo.” Nakagat ko ang aking labi bago sumagot.
“Puwedeng huwag na?masakit eh.”Reklamo ko habang sinisipat ang sugat ko mula sa liwanag na nanggagaling sa lampshade na tanging ilaw namin. Hindi ko talaga hilig na magbukas ng ilaw dito sa kuwarto kahit gabi at alam ni Iann ‘yon. Malalaman din kasi nina Mama at nina Kuya na gising pa ako. Kaya’t ito, para kaming tangang nagsisipat-sipat dito.
“Hihipan ko.”Namumungay ang matang tugon niya, batid kong inaantok na rin siya dahil sa alak at malalim-lalim na rin ang gabi. Tumango ako dahil mukha na ngang madumi na rin ang aking sugat dahil sa dugo. Meron na ring mantsa ng dugo ang t-shirt ni Iann na suot mukhang nadumihan ito ng dugo dahil sa ginawa ko sa kaniya kanina.
Pinanuod ko siyang maglinis ng aking sugat dahil parang wala lang sa kaniya na nakakundong pa ako.Seryosong-seryoso ito na parang doon nakasalalay ang buhay ko.Gano’n pa rin ba ako kagaan kaya parang wala lang ang bigat ko sa kaniya?
Nililinisan niya kasi ng bulak ang aking palapusuhan gamit ang kaniyang kaliwang kamay samantalang ang kanan naman ay nakapulupot sa aking bewang habang hawak ang aking palapusuhan para maayos niya itong malinisan.
Hindi ko namalayan na dahil sa aking panunuod sa bawat maingat niyang kilos ay dadalawin na ako ng antok, ang huli ko na lang na natatandaan ay matapos niyang mabendahan ng maayos ang aking sugat ay maingat niya akong inihiga sa aking kama ‘tsaka siya tumabi sa akin at hinapit ako papalapit sa kaniya.
Maaga akong nagising dahil sa pakiramdam na may nakadagang mabigat sa akin. Agad na kumunot ang aking noo ng hindi pa rin binukusan ang aking mga mata at pilit na iniisip kong ano ang dahilan kung bakit may mabigat na nakadagan sa tiyan ko? May tumatama rin na mainit na hininga sa aking bandang leeg.
Sa dulo isip ay nahanap ko ang sagot, napamulat ako dahil doon pero hindi ako gumawa ng kahit na anong makakapag-pagising sa kaniya. Ayoko kong ipahiya ang sarili ko sa kaniya. Bakit kasi napakarupok ko kagabi?
Iniangat ko ang aking tingin sa kaniya ay tinitingnan ko kung gising na rin ba siya pero mahimbing pa rin ang kaniyang tulog na parang sanay na sanay siyang matulog dito sa bahay lalo na sa tabi ko.
Maingat kong iniangat ang aking katawan para umalis sa kaniyang tabi kasi baka kapag manatili pa ako sa kaniyang tabi ay hindi ko maiwasang pagmasdan siya habang tulog.
Isang malaking karupukan iyon kapag nangyari, tama na ang karupukan ko kahapon. Hindi dapat ako nagpapa-apekto sa kaniya ng gano’n-gano’n lang kasi noong oras na iniwan niya ako ay dapat kinalimutan ko na siya at hindi nagpapa-epekto sa mga galawan niya ngayon. Tama na ang isang beses na niluko at iniwan niya ako.
Hindi kasi ako naniniwala sa second chance kasi para sa akin, kapag nagbigay ka ng second chance sa taong isang beses ka ng iniwan ay ibig sabihin lang binigyan mo siya ng pangalawang pagkakataon na maluko kang muli at maiwan kang muli kaya, kung ano man itong nararamdaman kong karupukan sa kaniya ay kailangan kong labanan, kasi sa huli ay ako lang din naman ang masasaktan.
Napakagat-labi ako habang marahang tinatanggal ang kaniyang kamay na nakapulupot sa aking bewang na sa sobrang higpit ay parang ayaw akong pakawalan na nahirapan kong tanggalin. Nang sa wakas na matanggal ko ang kamay niya ay marahan akong bumangon, kumuha akong unan at doon ipinatong ang kaniyang kamay para hindi niya maramdaman na wala na siyang katabi.
Huminga akong malalim ng makalayo ako sa may kama, parang ‘yon lang ang ginawa ko ay napagod na agad ako sa sobrang ingat na hindi siya magising. Nakaramdam din ako ng sakit sa ulo dahil sa pag-inom ko ng alak kagabi ngunit dahil sanay na ako sa hang-over kaiinom ko kung minsan ay sanay na ako.
Hindi ko ininda iyon at pumasok ako sa cr para magmumog at maghilamos, maiingat pa rin ang aking galaw dahil ayoko magising siya kapag kasi nangyari ‘yon ay isang malaking kahihiyian iyon sa aking sarili.
Mas mabuti na rin siguro na mauna akong lumabas para walang makahalata sa amin. At kung may makakita man sa kaniya na lumabas siya sa kuwarto ko ay bahala na siyang lumusot doon. Patulog-tulog pa kasi sa kuwarto ko binigyan naman ni Mama ng guest room, talagang masyadong consistent na makuha ako na hindi ko naman hahayaang mangyari.