Bless Princess Pov
Maingat kong inilapat pasara ang pinto matapos kong mag-ayos ng sarili at doon pa lang din ako nakahinga ng maluwag, nagsimula na akong maglakad pababa sa hagdan at mula sa gitna ng hagdan napatigil ako ng makitang may tao sa sala namin na mukhang may iniintay at ng makilala ko kung sino iyon ay napatakbo ako pababa papunta sa sala ng makita ko ang best friend kong si Migo.
“Migo!namiss kita!” Tumalon ako papayakap sa kaniya at sinalo naman niya ako kaagad. Tumawa lang siya dahil sa aking ginawa. Galing kasing bakasyon itong si Migo at hindi ko akalain na mapapaaga ang kaniyang pagdating mula sa kaniyang bakasyon.
Si Migo ay nag-iisang babaeng bestfriend ko at panlalaki ang kaniyang pangalan na bumagay sa kaniyang panlalaking mukha. Hindi siya lesbian ngunit ang mga sinusuot niyang damit ay panlalaki dahil ibinabagay niya lang sa mukha niyang panlalaki rin.
Nakilala ko siya sa pinapasukan kong school three years ago at naging magkasundo kaagad kami dahil halos lahat ng aking gusto at hilig ay parehas ng sa kaniya. Mabait din siya at matulungan na siyang gusto ko sa kaniya lalo na at nasasabayan pa niya ang mga kalukuhan ko.
Matangkad si Migo lagi ring nakatali ag kaniyang bagsak na buhok na umaabot sa kaniyang balikat, makapal ang kaniyang kilay na bumabagay sa mapupungay niyang mata, matangos ang kaniyang ilong at manipis ang kaniyang labi na bumabagay talaga sa kaniyang maliit na mukha medyo maskulado rin ang kaniyang pangangatawan kaya madalas siyang pagkamalang lalaki dahil sa kaniyang istura.Maraming babaeng nakaka-crush sa kaniya dahil sa pag-aakalang lalaki siya.
Minsan nga ng papuntahin ko siya dito sa bahay upang ipakilala kayna Mama at Papa ay nag-react agad ang dalawa kong Kuya para sana kilatisin ng lalaki sa lalaki si Migo sa pag-aakalang bagong boyfriend ko pero sinabi ko kaagad na babae siya na siyang ikinagulat nila.
“Bakit napaaga ang dating mo akala ko ba matatagalan kang magbakasyon?”Nakasimagot na tanong ko sa kaniya ng maghiwalay kami mula sa pagkakayakap ko sa kaniya, umupo siya sa sofa kaya naglalambing akong umupo sa kaniyang kandungan.
Sanay na siyang lagi akong umuupo sa kaniyang kandungan, turingan na rin namin ay magkapatid dahil wala rin kasi siyang kapatid na bunso at ako na lang ang tinuring niyang kapatid na bunso, habang ako naman ay tinuturing siyang ate.
“Eh napaaga nga eh,si Sir Argus kasi sinabing may limang sunod na gig kami sayang naman kong hindi ako sasama hindi ba?pera rin iyon.” sagot niya sa akin at inilagay ang kaniyang kamay sa aking bewang upang ako ay alalayan. Si Migo ay vocalist at guitarist ng bandang Magna King
“Si Paps talaga masyadong masipag sa buhay.” Puna ko sa kanilang band manager na si Argus Alcantara pero tinatawag ko lang na Paps dahil iyon ang gusto niyang itawag ko sa kaniya, magkatulad na magkatulad kasi kami ng hilig at gusto.Ang sabi pa nga niya ay parang anak niya raw ako kaya’t ang pinatawag na lang niya sa akin ay Paps samantalang tinatawag naman niya akong anak. Minsan nga napapagkamalan kaming mag-ama dahil sa closeness namin eh.
Nakilala ko si Sir Argus Alcantara ng minsang isama ako ni Migo sa kanilang band rehearsal dahil gusto kong makatuto mag-guitara,naa-astigan din kasi ako sa kanila at siya ang nagpresinta na magturo sa akin kaya magmula noon ay lagi na akong sumasama kay Migo sa tuwing pumupunta siya sa bahay ni Sir Argus at iyon ang naging dahilan kung bakit kami naging close.
“Sinabi mo pa, ang balita ko kasi ay nag-iipon siya dahil hinahanap niya ang nawawala niyang girlfriend na pakiwari raw niya ay buntis,” sagot naman sa akin Migo.
Si Paps na lagi na lagi na lang nakatawa at maagaan ako kung kausapan ay mayroon pa lang tinatago na problema? Bakit hindi ko alam iyon? Hindi rin kasi iyon nagku-kwento sa akin tungkol sa kaniyang buhay kapag naman tinatanong ko tatawa o ngingiti lang.Tatlong taon ko na rin siyang kilala pero wala akong alam tungkol sa kaniyang buhay maliban na lang na siya ang Manager ng Magna King band, ang address niya at buong pangalan maliban doon ay wala na.
“Alam mo naman iyong si Paps talagang kapag dating sa music masyadong masipag.” Pagtatanggol ko na lang kay Paps.
Paps lang ang tinatawag ko kay Sir Argus kapag kami lang ni Migo ang magkausap dahil alam ko na mag-seselos si Papa kapag nalaman niya may iba akong tinuturing na Papa.
Minsan nga ay nakita niyang close ako kay Sir Argus ay agad niya akong pinagsabihan lumayo kay Paps at masama rin ang tinginan nila ni Sir Argus sa hindi ko malamang dahilan.
Tumango-tango lang naman si Migo na parang malalim na nag-iisip at bahagya pang sumandal sa sofa kasama ako. Maya maya lang ay nagsalita siya na ikinagulat ko.
“Para talaga kayong mag-ama ni Sir Argus, baka mag-ama kayo?”wala sa sariling sabi niya.
Iann’s Pov
Masaya akong nagmulat ng mga mata kasi sa tatlong taon na lumipas ngayon ko lang muli naranasan ang ganito kagaan na pakiramdam, hindi rin kasi gaanong masakit ang aking ulo dahil kokonti lang naman ang aking nainom kagabi sadyang mukha lang akong lasing kasi namumula ako kapag nakakatikim ng alak.
Agad kong binaling ang aking mata sa aking tabi pero wala na siya, siguro ay maaga syang lumabas para walang makahalata.
Bumangon ako sa kama kahit labag pa sa akin, gusto ko kasing singhot-singhutin ang bango ni Bless na nanunuot sa unan at kumot. Ang tomboy na baby na yun, tinakasan ako hahalik pa sana ako ng good morning kiss eh!
Hindi ko maiwasang lumawak ang aking ngiti ng maalala ko ang nangyari sa amin kagabi, hindi ko akalain na maganda pala ang sasalubong sa akin sa gabi ng aking pag-uwi. Inaamin ko na isa akong malaking gago sa pang-bibigla ko sa kaniya sa kusina kahapon. Masyado akong naging agresibo dahil sa pagka-miss ko sa kaniya, kasi naman para sa akin ay akin pa rin siya kaya nga hindi ako nagpaalam kasi kung nagpaalam ako sa kaniya ibig sabihin lang no’n ay wala na akong babalikan pa.
Alam kung mahirap ko pang ibalik ang tiwala niya sa akin at higit sa lahat ay alam kong mahihirapan pa ako sa pagpapabalik sa kaniya bilang isang babae pero, gagawin ko ang lahat para bumalik siya sa dati. Maging babae man siya o hindi sisiguraduhin kong mapapasa- akin at mapapasa-akin pa rin siya hanggang sa uli.
Inayos ko ang nagulong mga unan at bedsheet bago ko inilibot ang aking tingin sa kaniyang kuwarto. Bukod na kasi ang itsura nito noong huli kong pasok dati dito. Kung dati ay makulay at malinis ang kuwarto na ito, ngayon ay puno na ng vandalism at madumi na ang kaniyang kuwarto.
At sa paglilibot ng aking tingin ay naalala ko ang sugat niya sa kaniyang palapulsuhan na alam kong ginawa niya sa kaniyang sarili kaya lumapit ako sa kaniyang drawer upang halughugin iyon. Hindi nga ako nagkamali dahil nakita ko ang isang kutsilyo roon, inilagay ko iyon sa aking bulsa upang hindi na niya muling masaktan ang kaniyang sarili.
Matapos no’n ay nakahubad akong maingat na lumabas sa kuwarto ni Bless, siniguro ko na walang makakakita sa akin na roon ako natulog sa kaniyang kuwarto. Bitbit ko ang aking t-shirt na hinubad kagabi dahil may dugo ni Bless.
Nakahubad akong tumabi sa kaniya kagabi kasi ayoko naman na madumi ako bago tumabi sa kaniya mas gusto ko pa na ako ay nakahubad kaysa madumihan siya.
Mabuti nga at pinayagan niya akong matulog sa kaniyang tabi. At para sa akin ay malaki ng pag-asa na hinayaan niya akong tumabi sa kaniya. Inaamin kong mahal na mahal ko siya hanggang ngayon at mas minamahal pa kaya, gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para bumalik ang dati niyang pagmamahal sa akin.
Nang masiguro na walang nakakita sa akin ay pasimple akong pumasok sa guest room na pinahiram sa akin ni tita kahapon bago kami mag-inuman ng magpaalam akong dito ako matutulog. Pagkapasok ko ay dumerecho ako sa banyo ng cr para maligo. May dala naman akong damit kasi plinano ko talagang dito matulog kahapon na gabi.
Matapos kong maligo ay agad akong nagbihis ng isang board short at putting t-shirt. Inilagay ko sa aking dalang maliit na bag ang aking maduming damit kasama ang t-shirt ko na suot kagabi na may dugo ni Bless. Nakakalungkot mang isipin pero kailangan kong umuwi ngayon sa bahay pero babalik din naman agad ako kasi ayaw kung hindi nakikita si Bless ngunit kapag may dahilan akong manatili muli at magbago ang isip ko sa pag-uwi ay manghihiram na lang muna akong damit sa kambal.
Mag-bestfriend kami ng mga Kuya niya kaya madali ko siyang naligawan at napasagot noon pati sina tita Rebecca at tita Edward ay napasagot ko rin. Naalala ko pa nga kung paano siya umiyak ng kindatan ko siya noong mga bata pa kami kung saan una kaming nagkakilala. Napangiti ako sa masayang alaala na ‘yon.
Nang matapos akong mag-ayos ng sarili at masiguradong mabango na ako ay bumaba na ako.
Masaya rin ako na tinaggap pa akong muli nina tita at Tito sa kabila ng ginawa kong pag-iwan sa kanilang anak. Noong unang makita nila ako kahapon ay nagalit sila sa akin dahil sa pag-iwan ko sa kanilang anak ngunit laking pasasalamat ko rin na binigyan nila ako ng pagkakataon na makapagpaliwanag at ng malaman nila ang aking rason ay pinatawad nila ako ‘tsaka binigyan din ako ng pagkakataon para sa kanilang anak. Nakausap ko rin ang kambal kong kaibigan kahapon at gano’n din ag kanilang reaction noong una pero naintindihan naman nila ang paliwanag ko at sinabi rin ng mga ito na susuportahan pa rin daw nila ako sa kanilang kapatid.
Nasa kalahitnaan na ako ng hagdan ng mapatigil ako sa paghakbang dahil sa aking nakita sa kanilang sala at parang may kung anong kumurot sa aking puso dahil sa aking nakakita.
“Ano ba Migo!hindi nga ako nakapunta sa game kahapon kaya natalo ang team namin talo tuloy ang pusta mo sa grupo!”Tumatawang sabi ni Bless.
Nakakandong siya patagilid sa isang lalaki na nagngangalang Migo. Nakatali ang bagsak nitong buhoy na may pagkamaskulado ang katawan at kahit na nakaupo ay alam kong matangkad ito. Sa isang hita niya lang din ay kaya na niyang ipatila si Bless na nagkukulit sa kaniya.
Hindi ko maiwasang masaktan sa nakikita ko, naiinggit ako kasi nakakaya niyang maglabing sa ibang lalaki na dapat ay ako ang nasa posisyon ng lalaking iyon.
Huli na ba talaga ako? Dapat ba hindi na lang ako umalis noon, para sana kami pa rin hanggang ngayon?
Mas bumibigat ang aking dibdib sa mga iniisip ko. Wala lang ba sa kaniya ang nangyari sa amin kagabi? Samantalang ako, lahat ng ipinakita at ipinadam ko sa kaniya kagabi ay totoo kung ano ang ipinapakita ko ay iyon na iyon eh, pero para ba sa kaniya ay wala lang ba iyon?
AKIN siya eh! AKIN lang siya!
“Ham!bakit namamantal ang labi mo?!ano iyan ha?!”Puna ng lalaking kasama niya. Napahawak sa labi niya si Bless at napanguso dahil doon ay napangisi ako.
Ako ang may gawa niyan, pero kahit na gano’n hindi ko pa rin mapigilan na masaktan sa nakikita ko sa kanila. Tangina!nakaka-inggit.
Pinagpatuloy ko ang pagbaba sa hagdan kahit na ayoko kong makita na masaya si Bless sa piling ng iba. Wala naman akong lakas ng loob na magalit at higitin siya paalis doon sa kandungan ng lalaki. Ayoko man kasi aminin pero alam kong wala na akong karapatan pinipilit ko lang na isipin na akin pa siya dahil, hindi ako nagpaalam sa kaniya ngunit nilalakasan ko lang ang aking loob na angkinin siya dahil iyon na lang ang tangi kong kayang gawin para makuha siya.
Pabagsak akong umupo sa katapat nilang sofa na naging dahilan para maagaw ko ang atensyon nila.
Napatingin din sa akin ang lalaking kaharap ko at doon pa lang ay nalaman ko na mas gwapo pala ako kaysa sa kaniya.
‘Ano ba ang nagustuhan ng baby ko dito?’
Tanong ko sa aking sarili habang tinitingnan ng masama ang lalaking kaharap, maputi ang balat nito na parang hindi man lang na initan. Bakla yata ito eh,bakit mukhang babae?
Hindi ko hahayaan na mapunta lang kong kani-kanino si Bless. Dapat akin pa rin siya hanggang huli bumili na nga ako ng wedding ring at engagement ring para sa kaniya sa ibang bansa para kung mapasagot ko siya o di kaya ay mapasa-akin muli ay wala na akong pro-problemahin pa sa mga sising at papakasal na kaagad kami.
“Aba...aba...aba!” Napatingin ako kay Synonym ng magsalita siya, kagagaling lang nito sa kusina kasunod ang kakambal niyang si Antonym.
Sa pagpapasalamat ko ay pinaghiwalay niya si Bless at iyong lalaki. Hinigit niya ito papaalis sa kandungan no’ng lalaki at padaksol na pinaupo sa aking tabi.
“Kuya naman!”Reklamo ni Bless sa kaniyang Kuya Synonym.
Pinanlakihan lang naman mata ng mata ni Synonym na nakasimagot sa aking tabi.
“Diyan ka!dito ako.”sabi pa nito at tumabi sa lalaking nagngangalang Migo ‘tsaka ito inakbayan. Agad namang umupo ang kakambal nitong si Antonym sa kabilang bahagi ng sofa at binatukan si Synonym ‘tsaka nito hinapit papalapit si Migo sa kaniya.
“Dito ka.”Seryoso at maikling sabi ni Antonym kay Migo na ikinataka ko.
‘Bakit pinag-aagawan nila ang lalaking iyon?Nagbago ba ang taste at type ng kambal ngayon?’
Iwinaksi ko na lang ang ang tumatakbo sa aking isipan at binalingan ko si Bless na nasa tabi ko at pasimple siyang hinawakan sa bewang at pinisil ito ng konti bago ako sumandal sa sofa at bumulong sa kaniya.
“Good morning baby,” Mahinang bati ko sa kaniya na ikinapula ng kaniyang mukha.