Chapter 7-Mahal na mahal

1803 Words
Bless Princess Pov Pasimple kong inalis ang hawak ni Iann sa aking bewang ‘tsaka ako tumayo patungo sa kusina. Iniwan ko rin muna si Migo sa aking dalawang Kuya na sa tingin pa lang ay magsusuntukan na, batid ko na parehas silang may gusto kay Migo. Hindi man nila sabahin ay nakikita ko na gumagawa sila parehas ng paraan para mapansin sila ni Migo. Balak ko sanang magtimpla ng kape ng makarating sa kusina ng may magsalita sa aking likuran. “Bless puwede ba tayong mag-usap?”Nagulat pa ako sa kaniya ng nagsalita siya sa aking likuran ngunit hindi ko ipinahalata iyon at humarap ako sa kaniya. “Ano pa ba ang dapat nating pag-usapan?” Balewala kong tanong sa kaniya kahit na nahihiya pa ako sa kapusukang ginawa ko kagabi sa kaniya ngunit hindi ko ipinahalata, ang tanging gusto ko lang mangyari ay ang mapaalis siya sa aking buhay habang maaga pa kasi hindi ko gugustuhin na magpatuloy itong nararamdaman ko. I-deny ko man ang aking nararamdaman sa kaniya kagabi ngunit sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko iyon. Kailangan ko ring ipaalala sa aking sarili habang maaga pa na siya ang naging dahilan ng sakit na nararamdaman ko sa mga nakalipas na taon. “Gusto ko lang sana linawin ang nangyari kagabi,”Malumanay niyang sabi sa akin at bahagya pa siyang ngumiti ngunit hindi umabot sa kaniyang mga mata. Alam kong may ideya na siyang babalewalain ko lang ang nangyari sa amin kagabi ngunit sinusubukan niya pa rin. “Iann wala lang sa akin iyong nangyari sa atin kagabi, may inom lang ako kaya ko nagawa iyon,”Paliwanag ko sa kaniya na nakapagpalungkot pa lalo sa kaniyang mukha at nakita ko rin na bumalatay ang sakit sa kaniyang mata. Pinilit ko ring ipakita sa aking mukha na balewala lang talaga iyon sa akin. At para na rin makaganti sa kaniyang ginawang sakit sa akin ay ginatungan ko pa ng kasinungalian. “Kahit sa mga lalaking nakikipag-inuman sa akin nagagawa ko rin minsan iyon sa kanila kong gusto kong naisin at isa ka lang din sa kanila ngayon na pinaglilipasan ko ng init ng katawan.” Pagsisinungaling ko sa kaniya at sa aking sinabi ay nakita ko kung paano nangilid ang kaniyang luha at kumiyom ang kaniyang kamao. Inaamin ko na natatakot ako sa kaniyang reaction sa sinabi ko pero sa kabila ng isip ko, gusto kong makaganti sa kaniya kaya pinanatili ko ang malamig kong expression. Nang makita niyang nakatingin ako sa kaniyang nakakiyom na kamao ay agad niyang ibinuka iyon at isinilid sa bulsa ng kaniyang short. Lumapit siya sa akin bago niya ako halikan sa noo. “Sa mga Kuya mo lang ako baby, goodmorning ulit.” sabi niya matapos tamnan ng halik ang aking noo. Tumalikod siya at umalis papunta sa sala, natulala pa ako noong una at hindi nakagalaw sa aking kantatayuan dahil iniisip ko kung niluluko lang ba ako ng aking mata ng makita kong may butil ng luha na dumaloy mula sa kaniyang mga mata. At magmula ng araw na iyon hanggang sumapit nag tatlong araw ay hindi ko nakita ang kaniyang pagmumukha. Isang gabi magmula ng tatlong araw na lumipas ay naramdaman ko ang tapik ni Mama sa akin habang mahimbing ang aking tulog “Anak gising ka pupunta tayo sa ibaba,”Napakunot ang noo ko at napakamot sa ulo habang nakapikit pa rin pilit na nililinawan ang isip dahil sa antok. “Bakit Mama?antok pa ako eh!” Kinapa ko ang kumot at ng makapa ay muling nagkulumbot. “Anak naman, kailangan ka namin sa baba,” Binuksan niya ang ilaw ko sa buong kuwarto kaya kahit nakapikit ay tinakpan ko ang mata ko dahil sa biglaang liwanag. “Ano ba ‘yon Mama?hindi ba puwedeng ipagpabukas ‘yan?”Tuluyan ko ng binuksan ang aking mata at nagkusot nito. Ano ba kasi ‘yon?!hindi ba puwedeng bukas na lang antok na antok pa ako eh! “Anak hindi na ito puwedeng ipagpabukas, hindi na puwedeng ipagpabukas ang kagustuhang makita ka ng taong inlove.”Napakunot ang noo ko dahil sa kaniyang sinabi disoriented pa dahil sa biglang gising. “Ano po Mama?!niluluko mo ba ako?!”Nayayamot na tanong ko sa kaniya.Imbes na sagutin ay hinigit niya ako pabangon sa aking kama at hinigit palabas sa aking kuwarto. Sobra ba ang pagka-importante no’n na kailangan naka sport bra at boxer lang ako ay wala si Mama na pakialam at tuloy lang ang higit niya sa akin papunta sa ibaba? Pagkalabas namin ay bumungad sa aking pandinig ang parang nagsisigawan at pagkakagulo na nanggagaling sa baba. “Gusto ko lang naman siyang makita eh!” sabi ng isang boses. “Pare tulog na nga si princess ano ba?bukas na lang ‘yan!” boses naman ni Kuya Synonym. “Kakausapin ko lang naman siya eh!may itatanong lang ako saglit,”Pangangatwiran pa nito. Nang nasa kalagitnaan na kami ni Mama ng hagdan ay mas malinaw ko ng nakikita ang nangyayari.Unang nakita ko ay likod ni Papa na nakatayo lang malapit sa may hagdan nakahalukipkip ito na parang humaharang na makalapit si Iann sa hagdan. Samantalang pinigilan naman ni Kuya Synonym at Antonym na maka-akyat sa aming hagdan ang nagwawalang si Iann. Sa itsura niya ay talagang determinado siyang maka-akyat sa aking kuwarto at sa unang tingin ko pa lang sa kaniyang itsura niya ay alam ko ng siya ay lasing magmula sa gulo-gulo nitong buhok at yukot-yukot na damit. At kahi na nasa gano’n siyang kalagyan ay gusto kung katusan ang aking sarili dahil, nakita ko pa talagang guwapo pa rin siya kahit sa lagay na ‘yon. Nawawala na talaga ang pagtomboy ko ng gano’n-gano’n lang dahil sa kaniya pero kahit na gano’n ay ayoko kong ipakita na sa loob lang ng isang araw na kasama siya ay nakukuha na agad niya ako. Hindi ko hahayaang magpatuloy ito dahil kailangan kong ng rendahan ang nararamdaman ko. Nang makababa kami ay nagsalita si Mama. ”Iann anak, kumalma ka na nandito na si Bless.” sabi niya. Pagkadinig na pagkadinig ni Iann sa sinabi ni Mama ay hinagilap agad ako ng kaniyang mata at matapos noon ay mabilis siyang lumapit sa akin at sinugod ako ng yakap. “Baby,”hindi ako nakagalaw dahil sa yakap niya. Kita ko rin sa likod niya ang pagbuntong hinga ng kambal kong Kuya na parang nakahinga sila ng maluwag dahil sa aking pagdating. Maya maya lang ay yumugyog ang kaniyang balikat at nabasa ang aking bandang leeg. Umiiyak ba siya?! “Baby…akin ka eh…a-akin ka…pero bakit may Migo na?tapos sabi mo may nakakahalik sa iyo katulad ng ginagawa ko…ayoko baby ng gano’n akin ka eh, akin ka…akin ka lang,” lasing na sabi niya sa lakas na kaming dalawa lang ang tanging nakakadinig at mas lalo ring humigpit ang yakap niya sa bewang ko habang sinasabi niya iyon. “Bakit ba nandito pa ito ng ganitong oras?” Iritang tanong ka sa kayna Kuya at tumingin din ako sa kanila na parang naghihingi ng tulong pero parang ready na ulit silang tumulog ulit sa itsura pa lang nila. “Dumating kasi siya anak ng lasing tapos hinahanap ka gusto ka raw niyang makausap kaya ginising kita kasi alam kong ikaw lang ang kayang magpakalma sa kaniya….sige iiwan ka na namin sa kaniya ikaw na bahala. Kapag kumalma na siya, huwag mo ng pauwiin diyan mo na lang sa guest room patulugin. Dala niya ang kotse nakaparada riyan sa labas. Baka kung anong mangyari pa sa kaniya kapag nagmaneho pa siya pauwi na ganiyan ang kalagyan, ”paliwanag at bilin sa akin ni Mama at hindi na ako nakapag-reklamo ng isa-isa na silang nagsi-alis patungo sa kani-kanilang kuwarto at talag iniwan ako dito. “Pinaiyak mo kasi noong isang araw eh.” Bumulong-bulong pang sabi ni Kuya Antonym na hindi ko masyadong naintindihan dahil malayo na rin sila sa akin. “Iann umayos ka nga !”Maya mayang inis na sita ko kay Iann ng mas lalo itong nagsumiksik sa aking leeg ng makaalis na sina Mama. Nagbibigay rin kasi ito ng kiliti sa akin sa tuwing tumatama ang dulo ng matangos niyang ilong sa balat ng aking leeg. Patuloy pa rin ito sa pag-iyak may mumunti pa akong hikbi na nadidinig mula sa kaniya na animo’y batang nagsusumbong sa akin. “Akin ka lang eh, hindi naman tayo naghiwalay hindi ba?kaya nga hindi ako nagpaalam kasi, ayoko tapusin ang relasyon natin,” Tumitindig ang aking balahibo hindi lang sa kaniyang mga sinababi kung hindi pati na rin sa mainit niyang hininga na tumatama sa aking leeg at mas nakadagdag din sa pagtindig ng aking balahibo ang kaniyang mainit na kamay na ngayon ay pumipisil na sa aking hubad na bewang. Inalis niya ang mukha niya sa aking leeg at hinarap ako habang hindi pa rin binibitawan ang aking magkabilang bewang. Nagtama ang aming mata at parang nahipnotismo ako sa kaniyang kulay brown na mata. Inialis niya ang ilang hibla ng aking buhok na nakatabing sa aking mukha at dahil sa magkaharap kami ngayon ay kitang-kita ko sa kaniyang mata ang pagkabasa nito,basa rin ang kanyang pisngi. “Baby….sagutin mo si Iann, may mahal ka na bang iba?mahal mo na ba ang Migo na ‘yon, na may mga lalaki kang hinahalikan bukod sa akin?”Masuyong tanong niya akin habang hinihimas ang pisngi ko. Akala ba niya talaga ay lalaki si Migo at nagpapahalik ako sa ibang lalaki bukod sa kaniya? Iyon ba ang kaniyang dahilan kung bakit lasing siya ngayon at inabala pa talaga niya ang tulog ko dahil sa kagustuhan niyang itanong sa akin kung mahal ko si Migo at hinahayaan kong mahalikan ako ng iba? “Kasi ikaw Bless ay mahal na mahal ko pa rin hanggang ngayon walang nagbago sa pagmamahal ko sa’yo. Sana bigyan mo pa ako ng isang pagkakataon para mapatunayan at mapakita ko sa’yo kung gaano kita kamahal at mas mamahalin pa. now baby sabihin mo sa akin boyfriend mo na ba ang Migo na ‘yon at nagpapahalik ka sa iba?” Hilam ang luha niya tanong sa akin habang sinasabi ‘yon nagmamakaawa rin ang kaniyang mata na sabihin sa kaniya kung ano ang totoo. Nagulat din ako sa sinabi niya na mahal na mahal pa rin daw niya ako hanggang ngayon. Sa mga nakalipas na taon mula ng iniwan niya ako ni minsan sa isip ko hindi na pumasok ang kaalaman na mahal pa rin niya ako. Ang kaisa-isang tumatak na lang sa isip ko ay hindi na niya ako mahal kasi iniwan na niya ako na nagsawa na siya sa akin pero, sa mga sinasabi niya ngayon naitanong ko sa aking sarili na…ganito niya ba ako kamahal para umiyak siya at magkalasing dahil sa isang maling dahilan para mapasa-kaniya lang?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD