Bless Princess Pov
“Baby sagutin mo naman ako oh! Boyfriend mo ba siya?ha?na may hinahalikan ka rin na iba bukod sa akin?”Nagsusumamong muli niyang tanong sa akin ng hindi ako sumasagot sa kaniya.
Napabuntong-hiniga ako bago sumagot dahil wala naman na akong choice.
“Hindi ko siya boyfriend, wala kaming relasyon dahil kaibigan ko lang siya.” sagot ko, sa aking sagot ay kumunot ang kaniyang noo at namumungay ang matang pinagmasdan ako na parang ang gulo-gulo sa kaniya ng sagot ko at makikita niya ang sagot na ‘yon sa aking mukha kung kaniyang tititigan.
“Baby?”Naguguluhang balik na tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung magulo lang ang aking pagkakasabi dahil sa sobra kong antok o sadyang lasing lang siya dahil hindi na niya magamit ang kaniyang katalinuhan ngayon.
Matalino si Iann lagi siyang nangunguna sa klase noong siya ay nag-aaral pa, meron siyang nunal na maliit sa kaniyang kaliwang sentido na ang sabi ng mga matatanda ay palatandaan daw iyon na matalino ang isang tao. At kung minsan nga ay siya pa ang nagtuturo sa akin ng mga assignment ko noon dahil mas nauunawaan ko pa siyang magturo kaysa sa teacher ko.
Tumitig ako sa kaniyang mukha bago nagsimulang magpaliwanag sa kaniya.
”Babae si Migo panlalaki lang ang kanyang pangalan, mukha at pananamit pero babae siya. Ate lang ang turing ko sa kaniya kaya umayos ka riyan,” Nayayamot na paliwanag ko sa kaniya.
Bakas ang kaniyang gulat sa aking sinabi at maya maya ay lumiwanag ang kaniyang mukha bago niya punuin ng halik ang aking mukha dahil sa sobrang tuwa.
“Ano ba?!”Reklamo ko sa kaniya, parang kanina lang umiiyak siyang parang bata na parang katapusan na ng mundo pero ngayon ay para siyang tangang naglalambing sa akin!habang humahalik siya sa aking mukha ng matigilan siya at muling humarap sa akin sumimangot siya bago nagsalita.
“Hindi ba sinabi mo rin sa akin na may nakakahalik din sa’yo bukod sa akin?”Seryosong tanong niya at doon ako hindi nakasagot dahil sa aking binuong kasinungalian.
Iniiwas ko rin ang aking tingin sa kaniya at pinilit ko ang aking sarili na mag-isip ng isasagot.Ayoko mang bawiin ang aking sinabing kasinungalian para makaganti sa kaniya ay wala na akong choice dahil alam ko ang takbo ng isip ni Iann kapag lasing. Dapat lahat ng kaniyang gustuhin ay masusunod dahil kung hindi ay gagawa siya at gagawa ng paraan para makuha iyon.
“Ano baby may iba pa bang nakakatikim nito?”Malambing na tanong niya sa akin habang hinaplos niya ang aking gilid ng labi na animo’y nang-aakit.
At dahil sa kaniyang ginagawa upang mapaamin ako ay nasagot ko siya ng totoo.
“May iba pa ba baby?” Tudyo niya pa at bahagya pa niyang nilalapit ang kaniyang labi sa akin ngunit hindi naman niya nilalapat.
“I-ikaw lang ang nakakahalik sa akin,” Nauutal pang sagot ko,na nakapagpangisi sa kaniya bago niya inilapit ang kaniyang labi sa akin at walang pasabing inangkin niya iyon.
Hindi naman ako nakagalaw dahil sa kaniyang ginagawa hindi ko alam kung ano ang aking gagawin ngayong tatlong araw siyang hindi nagpakita tapos pupunta siya dito sa amin kalaliman ng gabi upang ako ay paaminin sa aking ginawang kasinungalian tapos hahalikan niya pa ako ng ganito.
Nang ako ay matauhan ay itunulak ko siya gamit ang aking dalawang kamay at dahil may inom siya ay naging madali lang para sa akin na maitulak siya ng konti papalayo sa akin.
“Ano ba Iann?!”Mahinang singhal ko sa kaniya dahil na rin sa panghihina ngunit hindi siya natinag at ngingisi-ngisi lang siya habang pinupunasan ang laway niya nasa aking gilid ng labi habang nakahawak pa rin ang kaniyang isang kamay sa aking bewang.
“Akin lang ito baby ha?akin lang.” Mapupungay ang matang sabi niya sa akin habang nakangisi pa rin at bahagya pa niyang kinagat-kagat at hininihila ang akin labi na nakapagpaki ng aking mata.
“Iann ano ba umayos ka nga!”muli kong singhal sa kaniya pagkatapos ko siyang itulak papalayo sa akin ngunit dahil hawak ng malaki at mainit niyang kamay ang hubad kong bewang ay lumayo lang ang kaniyang mukha ng ilang pulgada sa akin.
Napahalakhak lang naman siya bago niya ako niyakap ng mahigpit.
“I miss you baby, huwag mo na ulit ako sasabihin ng mga kasinungaliang gano’n baby sobrang sakit kapag nalalaman ko na may iba kang lalaki bukod sa akin dahil ako sa’yong-sa’yo lang ako I love Bless Princess Sandoval Mondragon.” Malambing na sabi niya habang yakap ako ng mahigpit at nakabaon ang kaniyang mukha sa aking leeg.
Sa aming pwesto amoy na amoy ko ang kaniyang bango kahit na may halo ito ng amoy ng alak. Ramdam na ramdam ko rin ang kaniyang init ng katawan dahil yakap niya ako.
“Iann ano ba umayos ka, inaantok na ako,” Kunwaring reklamo ko sa aming pwesto kahit nagustuhan ko ang magkayakap naming katawan.
Bakit ba kasi ang rupok-rupok ko pagdating sa kaniya?dapat lagi kong ipaalala sa aking sarili na ang lalaking nagpaparupok sa akin ay siya ring lalaking sinaktan ako at iniwan ako ng walang paalam.
Humiwalay naman siya mula sa pagkakayakap sa akin bago siya ngumiti sa aking harapan at hinalikan ako sa aking noo.
“Tulog na tayo baby?”Malambing na muling sabi niya na parang hindi tinopak kanina.
Ganito ang ugali ni Iann kapag lasing para siyang may saring-saring. Naroon ‘yong tatawa, iiyak, maglalabing, mas nagiging madaldal at kung minsan ay nagiging mas manyak pa.
Hindi naman talaga siya pala-inom sadyang kapag may problema lang siya umiinom. At kapag nakainom na siya ay saka niya sasabihin kung ano ang problema niya, alam ko ang mga ito dahil matagal ding naging kami kaya hindi ko matanggap ang kaniyang dahilan na iniwan na lang niya ako basta na hindi na lang nagpaalam.
Puwede naman niya akong kausapin eh, kaya ko siyang hintayin kahit gaano katagal basta sabihin niya lang.
Napakasakit para sa akin na araw-araw akong pumupunta noon sa park na aming pinag-usapan para araw-araw siyang hintayin pero ni minsan hindi siya dumating at muntik ko pang ikamatay kaya, hindi ko masisisi ang aking sarili kong makaramdam ako ng ganitong klaseng galit para sa kaniya.
Naguguluhan din ako dahil hindi ko alam kong ano ba ang dapat kung maramdaman kung galit ba, pag-uunawa o pagpapatawad pero ang tinging nasa isip ko lang ay isang malaking ewan sa ngayon ang aking nararamdaman at nalilito rin ako.
Ang payo lang naman sa akin ni Migo noong magkausap kami at maikwento ko sa kaniya ang nangyari sa amin ay sinabihan niya lang ako na maging go with the flow lamang daw ako dahil kung ano ang dapat na mangyari at itinakda ng Diyos para magyari ay mangyayari raw ito at magyayari na hindi ko naman maintindihan.
Alam kasi ni Migo ang tungkol sa amin ni Iann noon, alam niya ang buong story namin kaya sa kaniya ako humihingi ng payo. Nahihiya kasi akong humingi ng payo kayna Mama dahil ayokong dumagdag pa ako sa kanilang problema.
Nang makarating kami sa second floor ay nagkagulo na lalo ang paa naming dalawa, kung kanina ay nagkakasundo pa ngayon ay magkasalungat dahil hahakbang ako pakaliwa papuntang kanan patungo sa guest room at siya naman ay papunta sa kanan mula sa kaliwa papunta sa kuwarto ko.
“Iann sa guest room tayo!” Alalay ko muli sa kaniya pakaliwa.
“Baby patabi,”Nakasimagot na sagot niya, namumungay na lalo ang mata dahil sa kalasingan.
”Tabi tayo ulit.”pilit pa nito sa akin.
“Eh hindi naman kita asawa para magtabi tayo, ‘tsaka namimihasa ka na ha?!gusto mong tumabi ng tumabi sa akin!”
“Papakasalan naman kita eh, kaya puwede na iyon baby,” at wala na akong nagawa ng ako na ang akayin niya papunta sa kuwarto ko. Siya na rin ang nagbukas ng aking pinto at ako naman ang nagsarado.Nang makadating siya roon ay pabagsak siyang umupo sa kama kaya napabagsak din ako sa tabi niya.
Agad akong tumayo dahil sa pagka-ilang at dahil dakila siyang makulit kapag lasing ay hinapit niya ako sa bewang at doon sumubsob.
Mahigpit din ang yakap niya sa bewang ko at dahil nga nakasports bra lang ako ay ramdam na ramdam ko ang mainit at malaki niyang kamay na nakasakop sa bewang ko. Ang kaniyang mainit na hininga rin ay tumatama sa aking tiyan dahil nakapikit siyang nakasubsob doon.
Bumagal ang aking hinga habang pinag-mamasdan siya na nakasubsob pa rin sa aking tiyan na parang napakapayapa ng kaniyang hinga sa paggawang unan sa aking tiyan, na parang napakakomportable niya sa pwesto na iyon kahit na nakaupo siya sa kama at ako ay nakatayo sa harap niya at tanging ang ulo niya lang ang nakasangkal sa aking tiyan.
Hindi ko namalayan na inangat ko ang kamay ko at hinaplos ang kaniyang buhok. At dahil sa ginawa kong iyon ay mas lalong siyang umayos ng pwesto sa tiyan ko at hinalikan pa ‘yon. Mas lalo ring humigpit ang kapit niya sa bewang ko na akalain mong mawawala ako sa oras na binitawan niya ako.
Ngayon ko lang naisip at naramdaman kung gaano ko siya namiss mula ng iniwan niya ako at parang ngayon ko lang naramdaman ang pangungulila ko noong mga panahon na gustong-gustong ko siyang makita sa araw-araw na pag-iintay ko sa kaniya.
Mukhang sa ginagawa kong paghaplos sa kaniyang buhok ay nakatulog na siya. Napakaamo ng kaniyang mukha kapag tulog.
At dahil doon ay napa-isip ako kung papakinggan ko ba ang paliwanag niya at bibigyan ko ba siya ng pangalawang pag-kakataon?
Ngunit sa aking pag-iisip ng sagot sa katanungan sa aking isipan at pagmamasid sa kaniya na natutulog sa aking tiyan ay nahagip ng aking paningin ang ang mahabang peklat na lumabas na ang kalahati sa aking tiyan ay sumagi sa isip ko ang sagot
Siya ang naging dahilan ng peklat na ito hindi ba?bakit ko siya bibigyan ng pangalawang pagkakataon ng basta-basta?
Hinayaan ko lang siyang nakasubsob sa akin tiyan ng ilang minuto ngunit ng ako ay mangalay ay tinapik ko siya sa kaniyang magkabilang balikat
“Iann,”Mahinang tawag ko sa kaniya, sinabayan ko rin ito ng tapik sa kaniyang balikat. Nang hindi siya gumalaw ay tinapik kong muli ang kaniyang balikat.
“Iann, umayos ka na ng higa roon sa kama, ngangalay na ako eh!”Reklamo ko sa kaniya ng hindi pa rin niya iminulat ang kaniyang mata umayos lang ng yakap at subsob sa aking tiyan.
“Iann!”Bulong na singhal ko at pinisil ko na siya sa kaniyang pisngi, nagmulat siya ng mata at hinawakan niya ang kamay kong nasa pisngi niya.
Tininghala niya ako bago nagtanong.
”Bakit?”Namumungay ang kaniyang mata dahil sa antok at alak.
“Umayos ka na ng higa sa kama ng tuloy-tuloy na ang iyong tulog,inaantok na rin ako eh!” Umayos siya ng upo pero hindi pa rin niya inaalis ang kaniyang kamay sa aking bewang at kahit na gano’n ay nakahinga naman na ako ng maluwag .
“Mag-lilinis muna ako ng katawan baby, tulungan mo ako ayoko na tatabi ako sa’yo na madumi ako.”Malambing niyang sabi habang humihimas na ng marahan ng mainit at malaking kamay ang aking bewang nakapagbigay sa akin ng init at tumindig din ang aking balahibo sa batok.
Likat na lasing ito napakalandi!