Chapter 9- Ang Mug

1971 Words
Bless Princess Pov Pumasok ako sa cr para maghilamos at mag-mouth wash pero ang lintik kong mata nahigip pa ang sipilyong ginamit no’ng hinayupak na si Iann.Tinuktok ko ang aking ulo ng sa gano’n ay matauhan ako at sinimulan ko ng gawin ang aking mga ritwal pagkagising. Nagsuot ako ng over size na t-shirt pangtakip sa aking suot, pinuyod ko rin ang aking buhok ng messy bun pagkatapos ay lumabas ako ng aking kuwarto at sinipa ito pasara. Patakbo rin akong pumunta sa may hagdan at umupo sa hawakan para dumerecho pa-iiba. Saglit lang kaysa isa-isahin mo ang baitang. Pagkapasok ko sa kusina at bumungad sa akin si Iann na humihingi ng tawad kina Mama at Papa. “Tito, Tita pagpasensyahan na po sana ninyo ako sa ginawa ko kagabi, ” Nahihiyang sabi nito sa harap nina Mama na nakaupo sa lamesa’t kumain ng almusal samantalang nakaupo naman si Iann sa harap nila Papa at medyo nakatungo pa ito an animo’y nahihiya talaga sa kaniyang ginawa. “Ano ka ba naman Iann, ganiyan din ang Tito Edward mo ng nanliligaw pa lang siya sa akin kaya huwag kang mahiya naiintindihan ko.” Malumanay na sagot naman ni Mama at mahinhin pang tumawa ng tumikhim si Papa. Hindi nila ako napapansin kaya sumandal ako sa hamba ng aming pintuan para makinig sa kanila. Tumawa naman si Iann dahil sa sinabi ni Mama ‘tsaka kumamot sa kaniyang ulo. ”Nahihiya nga po ako sa inyo eh, kadadating ko lang po tapos nambubulabog na kaagad ako kalaliman pa ng gabi.” Nakatungo pa rin na sagot nito kayna Mama. “Itong batang ito na naman, ayos lang iyon kahit ako iiyak ako kung may ibang lalaki itong si Tita Rebecca mo. Tsaka gano’n talaga kapag umiibig hahamakin mo ang lahat. At iniintay ka talaga namin ng mapaamo mo ang aming dalaga.”Seryosong sabi ni Papa na halos hindi ako makapaniwala. Pakiramdam ko kasi ibinibigay na niya ako sa lalaking manyak na ito. “Hihingin ko po sana Tito, Tita ang basbas niyo para ligawan muli ang anak niyo?”Nakaangat na ngayon ang ulo ni Iann paharap kayna na Mama. Mukhang nagpapalakas ito upang makuha at matjlungan siya ng aking mga magulang na makuha niya akong muli. “Aba!oo agad kami ng Tito Edward mo, hala patinuin at ligawan mo iyang si Bless dali-dalian mo lang ng makaranas man lang akong maghabol ng apo!”Maligayang sagot ni Mama na para bang sigurado ito na kaya nga akong makuhang muli ni Iann at nag-iisip na agad ng apo. At dahil din sa sinabi ni Mama na iyon ay gumana na naman ang karupukan ko dahil ramdam ko ang pamumula ng mukha ko dahil sa sinabi niya. Aalis na sana ako dahil ayoko kong makasalo si Iann at madinig pa ang kanilang pinag-uusapan pero pagkatalikod ko ay may bumundol sa akin. “Ohoy!may tomboy na nagtatago sa likod ng pinto!” Maingay ang bungangang sigaw ni Kuya Synonym at nakangisi naman ang kakambal nitong si Kuya Antonym sa kaniyang likuran, mukhang magkabati na ulit ang mga ito hindi katulad noong isang araw na kulang na lang ay magpatayan sa kanilang tingin dahil sa kagustuhan ng mga ito na mapansin ni Migo. Sa aking palagay ay mukhang kanina pa sila nandoon at pinagmamasdan ako kaya nag-isip na lang ako ng maaaring palusot, ayoko kasi talagang makasalo ang hinayupak na si Iann eh. “Iihi ako bakit ba?!” Lintaya ko pabalik sa kaniya at ng lingunin ko ang hapag-kainan ay nakatingin na silang lahat sa amin. “May cr naman diyan sa kusina ah!saan ka pa pupunta?”Balik na tanong nito sa akin at doon pa lang ay alam ko ng huli na nila ako ngunit hindi ko pinahalata.Nag-cross arm ako bago sumagot kay Kuya Synonym. ”Sa aking kuwarto bakit?!mas gusto ko ang toilet bowl doon anong pakialam mo?!”Pangangatwiran ko. “Sus lulusot ka pa eh?!” At sa gulat ko ay binitbit nila ako papasok sa kusina at naglakad papunta kung saan nakapwesto si Iann. Nagpasag-pasag ako sa kapit nila, iba pa naman mang-trip ang dalawang ‘to!pati ba naman si Antonym sasali na rin?! Hindi ko gusto ang ideyang pumasok sa isip ko kung bakit nila ako binuhat papunta sa pwesto ni Iann. “Mga Kuya naman ibaba niyo ko!”Pigil ko sa kanila pero hindi sila nakinig at patuloy lang sa pagbibit nila sa akin. Si Kuya Synonym ay bibit ako sa may bandang tiyan at si Kuya Antonym naman ay nakahawak sa may hita ko. At kahit anong gawin kong pasag sa kanila ay hindi nila ako binitawan ‘tsaka nila ako binagsak sa kandungan ni Iann. “Puta naman oh!”Mura ko ng bumagsak ako sa kandungan niya at siya naman ay pumulupot agad ang kaniyang malanding kamay sa aking bewang para ako ay suportahan. Tumuyo agad ako sa kaniyang kandungan dahil may naupuan akong hindi kaaya-aya roon ‘tsaka ako umupo sa katabing silya na nasa tabi niya lang din. Sumimangot ako ng magtawanan ang kambal kong Kuya at nakisali pa sina Mama sa tawanan, hindi ko tinapunan ng tingin aking katabi pero alam kong nakangisi siya at pabor na pabor sa nangyari. “Ohoy!nakaupo na siya sa ano ni Iann magiging babae na ulit iyan!”Tukso pang muli sa akin ni Kuya Synonym. Inirapan ko siya at kinuha ang tasa ng kape na nasa harapan ko ‘tsaka uminon doon na parang matatakpan ng pag-inom ko sa mug ang kahihiyan na nararamdaman ko ngayon.Tinapunan ko rin ng tingin ang dalawang may pakana nito habang hindi pa rin inaalis ang aking mug sa bibig at sumisipsip ng konti roon.Nakasandal sila parehas sa lababo habang natatawa pa rin . Sinamaan ko sila ng tingin bago ko sila inirapan at ‘tsaka inilapag ang mug sa lamesa. “Anak masarap ba iyong kape?” tanong ni Mama pagkalapag ko ng mug sa lamesa. Tumango ako at nag-cross arm bago sumandal sa bangko, bahagya ko ring binasa ang aking labi. “Bakit Mama?sino ba nagtimpla?” Balewang tanong ko, nakakapagtaka naman na ngayon niya lang tinanong kung masarap ba ang kape o hindi. “Ako ang nagtimpla” sabi ni Mama, humigop siya sa kape bago siya nagpatuloy na magsalita. “Pero kay Iann iyang kapeng ininuman mo anak eh,”Natatawang sabing muli ni Mama at dahil doon ay napaalis ako sa komportableng pagkakasandal sa bangko at humarap kay Iann na iniinom na ngayon ang nilapag kong mug. Nanlalaki ang mata ko. s**t!kaadikan ko kasi sa kape eh, akala ko naman kasi akin dahil nasa tapat ng upuan ko iyon pala kay Iann. “Naku!chumachansing ang ating bunso! Hindi na babae ang pinopormahan ngayon si Iann na!” Muling kantsaw ni Kuya Synonym at tumawa. “Indirest kiss.”Dadag pa ni Kuya Antonym at nag-apir pa silang tatlo ni Papa. Alam kong sa oras na ito ay namumula na ang buong mukha ko. Alam mo iyong bago ka tumulog kagabi ay napuruhan ka na ng inis at pagkatapos ngayong umaga ay mag-aalmusal ka pa ng inis. “Bakit hindi mo sinabing sa’yo iyan?!” Naiinis na baling ko kay Iann. “Eh nasa bibig mo na eh, alangan namang agawin ko pa?kabastusan iyon baby,” dinig kong napasipol pa si Kuya Synonym at napa-tikhim si Papa dahil sa pagtawag niya sa akin na baby. Inirapan ko siya bago ako nagtimpla ng sarili kong kape, meron naman ng mga gagamitin sa paggawa dito sa lamesa kaya hindi ko na kailangang tumayo. Umupo na rin ang kambal sa kani-kanilang upuan ng magsawa sa pang-aasar sa akin. Matapos akong magtimpla ng kape at akmang kukuha ng kanin ng may mauna sa akin. Napabaling ako sa kaniya ng lagyan niya ang pinggan ko ng kanin at dahil napatingin ako sa kaniya ay hindi ko namalayan na nilalagyan na niya ng madaming kanin ang aking pinggan. Hinawakan ko ang kamay niya ”Tama na hindi ko na kayang ubusin iyan.”Suway ko sa kaniya pero pinahabulan niya pa ng dalawang salok. Hindi na ako tumutol ng lagyan niya ng pritong manok at sauce ang aking pinggan. Nilagyan pa niya ng ibang ulam ang aking pinggan na sa aking tingin pa lang ay hindi ko na kayang ubusin. “Iann tama na sabi eh, hindi ko na kayang ubusin iyan.” Pigil ko sa kaniya at bahagya ko pang hinawakan ang kaniyang kamay na nakahawak sa sandok ngunit inalis ko kaagad ng may maramdaman akong parang kuryente na dumadaloy roon. “Edi akin,” Mahinang usal niya bago sumandal at bumulong sa akin. “Akin iyong matitira mo ‘tsaka akin ka.” Tuloy niya sa kaniyang sinabi hindi ko pinansin ang kaniyang sinabi na iyon at kunwari ay walang nadinig kahit ramdam ko na uminit na naman ang aking pisngi. Napa-ayos ako ng upo bago hawakan ang kutsara at tinidor, inilibot ko rin ang tingin kayna Mama kung nakita ba nila ang pagbulong ni Iann sa akin at mukhang wala namang nakapansin dahil busy rin sila sa pagkain ng almusal kaya, sinimulan ko na ring kumain. Halos nakakatatlong subo pa lang ako ay may tumawag mula sa labas ng gate. “Mareng Bless!tao po?!”nang makilala ko ang boses ay tumayo agad ako mula sa hapag bago ako pumunta sa gate, hindi ko na inintay na si Mama ang magbukas dahil sa boses pa lang ay alam ko na kung sino iyon. Binuksan ko ang pinto at doon pa lang kita ko na ang kapitbahay naming si Vanessa na bitbit ang kaniyang anak na si Blexy. “Mare puwede bang sa’yo ang anak ko?may raket kasi ako ngayon eh, hindi ko naman puwedeng dalhin ang anak ko. Puwede bang sa’yo muna?” Pakiusap ni Vanessa sa akin pagkakitang-pagkakita niya sa aking lumabas ako sa aming pintuan. Si Vanessa ay naging aming kapitbahay dalawang taon na ang nakakalipas at malapit ng manganak ng lumipat siya sa aming katabing bahay, lagi akong inuutusan ni Mama noon na magbigay ng ulam sa kaniya ng siya ay buntis pa kaya ng manganak siya ay ako ang naging ninang ng kaniyang anak. Hindi siya nagkukwento sa kaniyang pinagmulan at naaawa ako sa kaniya at sa anak niya kaya tinutulungan ko siya kapag siya ay may hininging pabor sa akin. “Sige, ibigay mo sa akin ang anak mo.” Naglakad ako papunta sa aming gate at binuksan ko iyon. Siya naman ay hinalikan muna ang kaniyang anak sa noo bago niya ibinigay sa akin. Inabot din niya ang bag na may mga laman na gamit ni Blexy. “Ninang!”Malambing niyang sabi bago niya ako yakapin at halikan sa aking pisngi na ikinangiti ko. Mula sa aking kinatatayuan ay kita ko kung paano panahid ni Vanessa ang luha sa kaniyang mata bago sinamantala na hindi nakatingin ang anak niya at umalis. Isang taon na si Blexy kaya nakakapagsalita na siya ng konti. “Tara na baby sa loob?”Malambing na tanong ko dito upang ibaling ang kaniyang atensyon sa lamalayo na sa kaniya ngayong si Vanessa. “Okay po Ninang.” Medyo bulol pa niyang sabi. “Nag-almusal ka na baby?”Muling tanong ko sa kaniya habang papasok na kami sa loob.Umiling siya ‘tsaka humigpit ang kapit niya sa leeg at nagsalita. ”Pati Mama hindi rin.” Inosenteng sagot niya sa akin,naawa lalo ako kay Vanessa magtatrabaho siya na walang kain mabuti itong anak niya at mapapakain ko pero paano siya? “Good morning sa inyo,” Maliit na boses na bati ko sa kanila ng makadating kami sa kusina, bahagya ko ring ikinaway ang maliit na kamay ni Blexy. Nagsilingunan silang lahat at ng makita ni Blexy si Iann ay tinuro niya ito sa akin at sinabing. “Ha?Ninang Papa?”tanong ng bata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD