Chapter 21 Hindi ko pa man tuluyang nabuksan ang pinto ng unit ko ay bumukas na iyon at nakita ko ang galit na galit na mukha ni Kuya Chord na kulang na lang ay may lumabas na usok dahil parang anong oras ang saabog na siya. "Melody Chavez! Hindi mo ba alam na halos mamatay ako sa pag-alala?" hindi ako umimik sa halip ay napayuko lang ako sa pagkapahiya. Hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mali sa past life ko para parusahan ako ng ganito. Pero ayoko na—sobrang sakit at pagod na pagod na ako. "Melody?" he hold my chin para iangat ang tingin ko at nagsalubong ang mga mata namin ni Kuya at hindi ko na mapigilan ang mapaluha. Bigla ay niyakap niya ako ng sobrang higpit at napahikbi na lang ako. "Kuya Chord. Ayoko na." I whisper at naramdaman ko ang paghagod niya sa likod ko na kagaya

