Chapter 20 Nagising ako sa mabangong amoy na para bang nanunuot sa buong katawan ko. Pagmulat ko ng mga mata ko ay may nakita akong babaeng naglalagay ng baso sa side table. Nang pagmasdan ko ang paligid ay napansin ko na nasa condo pa rin ako ni Luke. At parang biglaan ba ay nanumbalik ang mga nangyari kanina at napapikit na lang ako dahil ni isang bagay ay wala akong naunawaan. "You're awake." Napalingon ako sa nagsalita at galing iyon sa babaeng naglagay ng baso sa sidetable. Nang tignan ko ay pamilyar ang mukha niya pero hindi ko lang maalala kung kailan. "Marisel. Do you remember me? Yung nag-aalaga kay Ichini." Pakilala niya at agad ko naman siya naalala. "Binihisan na rin kita at mayroon akong kape dito." She offer at bigla kong napansin na imbes na nakacivilian siya ay nakasuo

