Chapter 11 Halos lumabas ang puso, atay at lungs ko pagbaba ko ng motor ni Nicollo. Bakit. Ba. Kasi. Pumayag. Akong. Sumakay. Sa. Lintek. Na. Motor. Ni. Nicollo? Napahawak ako sa tiyan ko at sinusubukan itulak pabalik ang mga lamang loob ng katawan ko. Nanginginig din ang tuhod ko dahil sa takot. Sino ba naman kasi ang hindi matatakot na nakuha lang namin ng 10 minutes ang school papuntang condo building namin? "okay ka lang?" sinamaan ko lang siya ng tingin at nagulat ako ng ngumiting aso lang siya and he offer his hands to me. "Okay? Dinaig mo pa ang ambulansya magpatakbo! Tukmol ka!" "Hinihintay na ako ng baby ko eh. It's dinner time." Napataas ako ng kilay. Baby? At first time ko nakita ang smile ni Nicollo na abot tenga. Dahil dakilang chismosa ako ay tinanggap ko ang kamay niya

