Chapter 10 Nagising ako ng makaramdam ako ng panlalamig sa paa ko. Napamulat ako ng mata at nakita ko na nag tanging umiilaw sa kwarto ay ang ilaw galing sa buwan. Hindi nakasara ang blinds ng sliding door ng terrace kaya malayang nagpapakita ang buwan sa direksyon ko. Naramdaman ko na may gumalaw sa tabi ko—napatingin ako rito at makita ko ang tulog na Luke. Ang himbing ng tulog niya and there's a smile plastered on his face. Gago. After round five I think I lost count kung nakailan kami. Napangiti na lang ako at napailing. Dahan dahan akong bumaba ng kama at una kong nakita ang polo niya na nakatupi sa upuan malapit sa kama kaya agad kong kinuha iyon at isinuot. Nagtungo ako sa terrace at sinalubong agad ako ng isang malamig na hangin. Sa baba ay kita ang tahimik na syudad. May mga

