NAGING NAPAKABUSY ang araw na ito para kay Andrea. Marami siyang clients na nakaschedule para sa araw na ito. Kaya naman wala talaga siyang pahinga. Idagdag pa na maraming aso na may sakit na parvo virus ang nakaconfine sa clinic niya. Mahirap pa naman ang sakit na 'yon, kailangan talagang laging naka-monitor ang nagaalaga sa mga ito. Nakalimutan na tuloy niyang maglunch. Buong oras siyang nakatayo at nanakit din ang balakang niya. Iba na talaga kapag buntis ang isang babae, hindi na nito pwedeng gawin ang mga dati niyang ginagawa noong hindi pa siya nagdadalantao. Nagulat pa siya nang nagsalita ang assistant niyang si Caleb sa likuran. "Doc, kayo naman po ang mag lunch. Ano'ng oras na po..." "Oo nga eh, gutom na ako. Nakapagbreak na ba kayo?" tanong niya. Tumango ito. "Opo, Doc. Ikaw

