Ang buhay ni Lalaine
Chapter 1
Masayang naghahanda ang buong lalawigan ng Camarines Sur dahil sa paparating na fiesta at marami na namang bigating tao ang darating. Ang Governador na si Gov Villafuente ay kilalang maraming malalalaking koneksyon kaya naman excited ang lahat sa pasabog ng Gov sa darating na fiesta. Isa ang pamilya ni Lalaine sa excited sa kafiestahan na ito sapagkat minsan lamang sila makakita ng artista at mga kilalang tao sa lipunan. Nasa ikatlong taon na si Lalaine ng kanyang kursong Business management na kahit simple lamang ang buhay nila ay patuloy siyang iginagapang ng kanyang magulang. Sila na lamang dalawa ng kanyang ina ang magkasama sa bahay dahil namatay sa sakit na diabetes ang kanyang ama.
“Lalaine bilis bilisan mo na yan sa paglilinis ng iyong kwarto at madami pa tayong gagawin!”Ani ni nanay.
“Opo nay!” “Bibilisan ko na po!” Sagot ko.
Marami pa kaming lilinisin dahil balak din namin ni nanay na maghanda ng kaunti. Nagtatrabaho si nanay sa aming bayan bilang isang health worker at sapat naman ang sahod niya para sa pang araw araw namin. Ako naman ay nagpapart time sa isang cafeteria malapit sa aming eskwelahan upang makatulong sa aming gastusin at sa aking pag aaral.
“Anak tapos ka na ba dyan?” Narinig kung tanung ni nanay.
“Opo nay!” “Bakit po?”
“Halika at mag almusal muna tayo bago tayo ulit maglinis!” Ani ni nanay.
“Sige nay lalabas na po ako!” Sagot ko naman.
“Hay salamat nagugutom na din kase ako. Pagkagising namin sinabihan agad ako ni nanay na unahin kung linisin ang aking kwarto. Pumunta na ako sa munti naming kusina at nakita ko ang pagkain na nakahain. Natakam agad ako sapagkat paborito ko ang nasa mesa. Sinangang na kanin, daing na bangus na me sawsawan n toyo na me kalamansi at hiniwang kamatis.
“Naku nay mapaparami na naman ang kain ko neto!” Sabi ko sa nanay ko.
“Masaya ako anak na nakakakain ka ng maayos at hindi ka mapili sa pagkain”! Ani ni nanay.
Ramdam ko na mayroong lumambong na lungkot sa mga mata niya.
“Hay naku Nay ang aga aga eh nag eemote ka!” “ kahit anong ipakain mo sa akin kakainin ko kase luto mo yun at mahal na mahal kita!” Sagot ko naman.
Napangiti si nanay sa sinabi ko.
“Sya magtimpla ka na ng hot chocolate mo ng makakain na tayo.” Sagot naman ni nanay
“Ay oo nga pala para nmn mabuo ang aking almusal!” Hindi ako coffee lover dahil nagpapalpitate ako ng mabilis at naninikip ang dibdib ko kapag umiinom ako ng kape kaya mula noong maka graduate ako ng high school tinigil ko na pag inom ng kape baka ikamatay ko pa ng maaga iyon! Pero gustong gusto ko ang amoy ng kape!
Nagsimula na kaming kumain habang masaya kaming nagkukwentuhan ni nanay ng marinig namin na merong kumakatok.
“Tao po! Magandang umaga po!”
Binuksan ko ang pinto at nakita ko ang kaibigan kong si Nhesa.
“Oh ikaw pala yan beshy!” Ani ko
“Napadalaw ka? Tanung ko naman.
“Hay naku beshy papasukin mo muna ako bago ang interogasyon!” “Ano ba yan asan manners mo beshy?!” Pagbibiro naman nito.
“Ay oo nga pala pasok po kayo maam!”pabalang na sagot ko naman habang nakangiti sa kanya.
“Anak sino ang dumating?” Tanung ni nanay.
“Si Nhesa ho nay!” Sagot ko naman.
“Ay halika na at ayain mong mag almusal.” Ani ni nanay.
Inaya ko si Nhesa sa aming hapag kainan upang mag almusal. Si Nhesa ang aking best friend since high school. Medyo me kaya ang pamilya nila. Ang nanay niya ay isang teller sa bangko at nasa Europe naman nagtatrabaho ang kanyang ama bilang isang engineer. Meron silang malaking bahay at nakapagpundar na din ng sasakyan. Hindi maarte si Nhesa sa pagkain at talagang magkasundong magkasundo kami sa lahat ng bagay. Tinutulungan din nya ako minsan sa usaping financial kapag kinakapos ako dahil alam niyang nahihiya akong humingi sa aking ina. Malimit ko siyang tinatanggihan pero mapilit ito dahil ani niya bayaran ko na lang daw siya kapag nakaluwag luwag na ako sa pera. Mahilig kaming dalawa na mambuska sa isat isa kaya sanay na ang mga nakakakilala sa amin.
“ Ay ang sarap ng almusal nyo, sige nga at susubo ako kahit kaunti. Sayang ito lalabo daw mata kapag tumatanggi tayo sa grasya!”Ani ni Nhesa.
“Ang sabihin mo patay gutom ka lang talaga!”Pambubuska ko sa kanya.
Tawang tawa naman si nanay sa aming dalawa.
“Kayo talagang dalawa!” Ani ni nanay.
“Bakit ka nga pala nandito?” Tanong ko ulit.
“Ay naku beshy meron daw pa pageant si Gov!” Sagot nito.
“Sumali ka kaya?” Dagdag pa nito.
“Ay naku tigil tigilan mo nga ako dyan sa pinagsasasabi mo beshy”! Sagot ko agad.
“Ayoko nga!” Ibabandera ko katawan ko sa madaming tao?!” “No way!” Sagot ko pa!
“Kahit 50k ang mananalo? Di ka sasali?” Pang aalaska nito!”
“What?!” 50k?! Gulat kung tanong!.
“Yup! Five zero! Ani pa nito!”
Alam ni Nhesa na nag iipon ako ng pera para sa sunod na pasukan at di na siya hihingi ng pang enroll sa kanyang ina. Kaya alam niyang gagawin ko ang lahat para lang magkapera. Pero dapat sa malinis na paraan.
Napabuntong hininga ako. Sayang iyon! Meron na din naman akong karanasan sa pageant dahil malimit akong kuhanin sa aming eskwelahan.
“Pero wala tayong mga gagamitin sa pageant!” Ani ko naman.
“Para ano pa at nandito ako na kaibigan mo kung hindi kita tutulungan?!” Sagot naman nito.
“Ano game ka ba?” Tanong pa nito.
Tumingin ako kay nanay.
“Nay papayagan nyo po ba ako na sumali sa patimpalak na iyon?” Tanong ko kay nanay.
“Nasa sa iyo yan anak, kung masaya ang iyong kalooban na gawin iyon nandito lamang ako at susuporta sa iyo!” Sagot naman ni nanay.
“Yes!” Sabi naman ng kaibigan ko.
Da best ka tlga nanay!” Sabi pa ng kaibigan ko. Nanay din tawag nya sa nanay ko ganun din tawag ko sa magulang nya nakiki mama din ako.
“So pano ba yan beshy payag na nanay mo, ikaw na lang?” Ani pa nito.
“Sige go ako dyan pagkakaperahan yan, sayang din yan!” Sagot ko naman.
Nakitulong na din ang aking kaibigan sa paglilinis ng aming bahay upang mayaya niya akong mag praktis sa kanila at ihanda ang mga gagamitin sa pageant.
“Uy beshy bilisan na natin kase excited na ako pumunta kay bakla para sa mga susuotin mo!” Sabi ni Nhesa.
Ang baklang tinutuloy ni Nhesa ay ang kaibigan nitong may ari ng isang boutique sa bayan. Kilala na ako nito sapagkat dito kami madalas kumuha o mag renta ng sinusuot ko kapag meron akong sinasalihan na competition.
“Oo na eto na nga at minamadali ko na.” Sagot ko naman.
Nakatapos kami ng paglilinis mag aalas 2 na ng hapon kaya hindi na kami nakapag tanghalian. Inaya na ako ni Nhesa na umalis na papunta sa kanila, doon nmn daw kami magtanghalian dahil solo daw nila bahay ngayon dahil wala pa ang kanyang ina at dalawang kapatid.
Pagkarating sa bahay nila dumiretcho agad kami ng kusina at nagtanghalian. Ginataang tulingan ang niluto ni manay sa kanila, mayroong kasambahay sina Nhesa kaya me pagkain na ng dumating kami.
“Haissttt… ang sasarap talaga ng mga pagkain dito sa probinsiya!” Isip isip ko.