Date

1305 Words
Chapter 5 Mag aalas 6 na ng umalis si Kyle sa bahay namin. Talaga namang nag enjoy kaming dalawa sa kwentuhan kaya hindi namin namalayan ang oras. Pakiramdam ko ay matagal na kaming magkakilala ni Kyle at talagang naging palagay ang loob ko sa kanya. “Dito ka na kaya mag hapunan iho?” Tanung ni nanay Nag enjoy din si nanay na makipag kwentuhan sa amin kaya parang bitin pa si nanay. “Sa sunod na lamang po nanay Dolor!” May importante po akong tawag ngayon eh kaya kailangan ko na po muna umuwi sa aming tinutuluyan na hotel. “Oh siya sige mag ingat ka sa pagmamaneho mo.” Wika ni nanay “Opo nanay salamat po tutuloy na po ako!” Ani ni kyle “Sige iho, anak ihatid mo si Kyle sa gate.” Sabi pa ni nanay Naglakad kami papunta ng gate ng bahay namin dahil doon sa harap ng gate nakaparada ang sasakyan niya. “Ayoko na sana umuwi, kung pwede lang dito na ako matulog ginawa ko na. Ayoko na ata mapalayo sa iyo!” Wika ni Kyle Namula naman ang mukha ko pero kinikilig din sa sinabi nya. “Marami pa naman araw, kung talagang gusto mo dumalaw nandito lang ang bahay namin bukas lagi para sa iyo.” Sagot ko naman “Maaari ba kita sunduin bukas sa school mo at ng makakain tayo sa labas? Tutal byernes na naman bukas? Tanung ni Kyle “Magpapaalam muna ako kay nanay, i chat ko sa iyo ang sagot mamaya. Sige na umuwi ka na ng makapagpahinga ka muna bago ang conference call mo!” Pagtataboy ko dito Alam ko na importante iyon dahil madami din siyang hinahawakan na business ng pamilya niya. Sa edad niyang 28 ay pinahawak na siya ng magulang niya ng kanilang business kaya alam kung busy ito. Pitong taon ang tanda niya sa akin kaya natutuwa ako sa kanya dahil matured na siyang mag isip sa mga bagay bagay kaya naman mas lalo ko pa siyang nagugustuhan. “Goodbye beautiful, I’ll call you later. Pasok ka na at medyo madilim na dito sa labas!” Sabi nito “Sige good bye at mag ingat ka!” Sabi ko naman Sumakay na siya ng sasakyan at naglakad na ako papunta ng pintuan ng bahay namin. Bumusina siya at kumaway naman ako bago niya pinasibad ang sasakyan. Pumasok akong may ngiti sa aking labi. “Anak gusto ko si Kyle para sa iyo, ang ikinakatakot ko lamang ay ang agwat ng estado ng buhay natin, baka matahin ka ng pamilya nila!” Sambit ni nanay na may bahid pag aalala “Nay wag na po muna natin isipin iyan, maano bang i enjoy na muna natin ang mga bagay na ito?” Sabi ko naman bagamat ako ay nababahala din. “Siya nga pala nay tinatanung ni Kyle kung pwede daw ba kami kumain sa labas bukas paglabas ko ng school?” Tanung ko kay nanay “Walang problema mayroon akong tiwala sa inyong dalawa.” Sagot naman ni nanay “Oh halika na at mag hapunan na tayo ng makapahinga ng maaga at me pasok pa tayo bukas.” Ani ni nanay “Sige ho nay!” Sagot ko naman Ang kinain namin ay ang tirang ulam kaninang tanghali dahil ayaw naman namin magsayang ng pagkain. Pagkatapos kumain at matapos ako makapaghugas ng plato ay naglinis na ako ng katawan ko at nahiga. Nag chat ako kay Kyle na pinayagan kami ni nanay bukas, sinabi kung alas 3 ang out ko sa school. Umuo naman siya at sabi niya ay bago mag alas 3 ay nandoon na siya. Pagkatapos ng maikling chat conversation namin ni Kyle ay natulog na ako. Sa kabilang banda pag uwi ni Kyle sa hotel na tinutuluyan niya ay nakasalubong niya ang uncle nya. “Saan ka ba galing na bata ka? Kanina pa tawag ng tawag ang nanay mo sa akin!” Sabi ni uncle “Me dinalaw po akong binibini!”sagot ko naman “Aba eh mukhang tinamaan ka ah! Ngayon lang kita nakitang ganyan kasigla!” Sabi pa ni uncle “Opo uncle desidido ako sa babaeng ito, siya ang gusto kung maging ina ng magiging mga anak ko!” Sambit ko naman “Siya ay ipakilala mo na din sa akin bago tayo bumalik ng Manila.” Dagdag pa ni uncle “Sigurado yun uncle,sige po akyat muna ako at meron akong conference call.” Paalam ko dito “Sige iho! Magpa room service ka na lang kung nagugutom ka.” Sabi pa nito Kumaway ako sa kanya at pumasok na sa elevator. Ang ka conference call ko ay ang partner/ kaibigan ko na si Will. Gusto kong makiusap sa kanya na siya muna ang bahala sa aming negosyo dahil balak kung tumigil at mag extend ng bakasyon ko dito sa bikol at pagbalik ko ay dadalhin ko si Lalaine sa bahay para ipakilala sa aking mga magulang. Mabilis kung tinawagan si Will. “Hey bro! Whats up?” Sabi nito “Musta ang bakasyon mo dyan? Me nabingwit ka na ba dyan? Tanung pa ni Will “Ok naman ako dito, yun nga sana ipapakiusap ko sa iyo na ikaw na muna ang bahala sa negosyo natin, magtatagal pa ako dito ng isang buwan!” Sabi ko sa kanya “Bakit bro meron bang pumipigil sa iyo dyan na bumalik dito? Tumatawang saad nito “Oo meron akong nakilala dito na talaga naman bumighani sa akin, napaka ganda niya at napaka simple. Ang bait pa ng pamilya niya. Hindi ko titigilan bro hanggat hindi ko napapasagot. Siya ang gusto kung maging asawa! Dagdag ko pa “Wow Bro! Ngayon ka lang nagkaganyan ah! Sige ako na bahala dito. Ipakilala mo yan sa akin huh!” Saad pa nito Marami kaming napagkwentuhan at nag usap din kami about sa aming business, ng matapos ang lahat ay tinawagan ko din ang mga magulang ko at sinabing mag extend pa ako ng bakasyon. Hindi ko pa din binabanggit ang balak ko dahil kailangan ko muna paghirapan ang matamis na oo ni Lalaine. Nakatulog akong nakangiti dahil natanggap ko ang text nya na pinayagan daw kami ni nanay Dolor bukas. Mas gusto ko pang magsikap para sa amin ni Lalaine dahil talagang seryoso ako sa kanya. Kinabukasan ng magising ako ay alas Diyes na. Nag good morning agad ako kay Lalaine pero alam kung nasa eskwelahan na siya. Nag exercise muna ako sa gym ng hotel bago ako nag almusal. Pagkatapos ay ni tinapos ko din lahat ng trabaho ko para wala na akong alalahanin para sa mga susunod na araw. Naligo na agad ako at nagbihis dahil pupuntahan ko na si Lalaine sa eskwelahan nila. Mag aalas 2:30 ay nasa harap na ako ng school ni Lalaine. Nag chat ako na nandito na ako. Saktong alas 3 ay namataan ko na siyang paparating. Nagtitilian ang mga babae na tumingin sa akin. May kasama si Lalaine ng dumating, ipinakilalang best friend daw nito na si Nhesa. Nag paalaman na ang dalawa at pinagbuksan ko siya ng pinto. “Salamat!” Ani ni Lalaine Ng nasa loob na kami ng sasakyan ay ikinabit ni Kyle ang aking seatbelt. Nahigit ko ang aking hininga dahil napakabango nito, parang kay sarap magkulong sa bisig nito. Namula ako sa aking iniisip. Sinabi ko kay Kyle na umuwi muna kami at magpapalit muna ako ng damit at maliligo ng mabilis. Ng marinig kung sinabi ni Lalaine na wala daw doon ang nanay niya dahil nasa trabaho pa. Uminit agad pakiramdam ko at lumikot imahinasyon ko. Ramdam kung nagagalit ang aking alaga! Gusto kung lamukusin ng halik ang mapupula niyang labi. Magalit kaya si Lalaine sa akin kung halikan ko siya mamaya? Sa isipin na iyon ay talagang nag iinit na agad ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD