Chapter 3
Pagkarating ko kina Nhesa ay sinalubong niya agad ako. Kumain muna kami ng almusal bago namin inihanda ang lahat ng gagamitin sa pageant mamayang gabi. Tatlo lang naman iyong portion swim wear, talent, evening gown at Q and A na.
Nagpraktis na din ako ng rampa at pagpapakilala para di na ako mangapa mamayang gabi. Kinakabahan man ako ay excited pa rin dahil desidido ako na masungkit ang 50k.
Nag chat ako kay nanay na kapag wala na siyang bisita ay sumunod na lamang siya sa bayan upang manood ng pageant ko. Umuo naman siya.
Nasa dressing room na kami ni Nhesa at ng baklang kaibigan niya ng tawagin kami ng floor manager upang ibigay ang number ko bilang kalahok ng pageant. Pang number 8 ako. Nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ako ang mauuna. Marami kaming contestant nasa 20 kami dahil ibat ibang barangay ang kalahok.
“Beshy tiwala lang huh, alam kung kayang kaya mo yan!” Sabi ni Nhesa.
Napatango na lamang ako sa kanya.
Maya maya pa ay tinawag na ang aking pangalan. Kinakabahan akong lumabas ng entablo. Tumingin muna ako sa paligid at sunod ay sa mga judges. Napako ang aking tingin sa isang judges na namumukod tangi sa kanila. Napaka gwapo nito! Tunay na napa tulala ako sa aking kakisigan ng lalki na iyon. Saglit ko pa siyang tinitigan bago ko hamigin ang aking sarili at magpakilala sa madla. Nanginginig ang tuhod kung bumalik sa dressing room upang magpalit naman ng swimwear.
“Beshy ang galing galing ng pagpapakilala mo!” Sabi ni Nhesa
“Pero bakit parang ang tagal mong magpakilala at para kang natuklaw ng ahas doon?!” Tanong pa niya
“Beshy me nakita ako isang judges na sobrang gwapo!” Sagot ko naman
“Ayyyyiieee!!!” Sabi ko na nga ba makakakita ka dito eh! Sabi pa ni Nhesa. Hayaan mo at magtatanung tanung ako anong pangalan nya! Dugtong pa niya sa akin.
Napabuntong hininga na lamang ako. Hindi ko lubos maisip na makukuha niya akong mapatulala ng ganun.
Sa kabilang banda sa hilera ng mga judges ay naroon si kyle. Ang buong pangalan niya ay Raymond Kyle Webber. Kilala ang buong angkan nila bilang isang billionaire tycoon. Namamayagpag sa buong Pilipinas at sa ibang bansa ang kanilang business isa na dito ang United Airlines at ang kanilang oil companies. Isinama siya ng kanyang uncle dito sa bikol para na din malibang. Kaibigan ng uncle nya ang Governor ng lalawigan at pinilit nila ako na maupo bilang judges sa isang pageant dahil ka fiestahan ng lalawigan nila. Game naman ako at sadyang natutuwa ako sa kanilang pa pageant. Ng tawagin ang contestant number 8 ay talaga naman napatulala ako sa ganda nito. Makinis ang balat nito na parang isang mestisa, napaka sexy din nito at matangkad at napakaamo ng mukha. Tinandaan ko ang buong pangalan ng babae. Sa tuwing lalabas ito ay inaabangan ko at talaga naman nabibighani ako sa angkin nitong ganda. Halos wala akong maisulat na comment about kay Lalaine.
“Saan matatagpuan ang baranggay pamplona? Malayo ba iyon dito?” Tanung ko sa kapwa ko judges
“Mga 30 minutes na byahe mula dito.” Sagot naman ng katabi ko na judges
Napangiti ako sa aking naiisip. Tiyak na mag eenjoy ako sa pag stay ko ng bikol at sisiguraduhin ko na mapapasa akin si Lalaine. Siya ang gusto kung maging ina ng magiging anak ko.
Binigyan ko ng matataas na score si Lalaine para siya ang manalo at makausap ko ito ng personal mamaya. Magaling naman din talaga si Lalaine mula sa pagkanta nito ng Roar ni katy perry at sa pagsagot nito sa Q and A. Nararapat na siya ang manalo. Hindi nga ako nagkamali ng lumalim ang gabi inanunsiyo na nanalo si Lalaine bilang Binibining Camarines Sur. Ano ang naatasang magbigay ng bulaklak sa kanya kaya naman ay tuwang tuwa ako.
Ng malapit na ako sa kanya ay nagkatinginan kami at hindi ko maalis ang titig ko sa kanya.
“Hi, congratulations nga pala, sobrang deserved mo itong iyong pagkapanalo kase napakagaling mo.” Ani ko
“Salamat ng marami.” Kiming sagot ni Lalaine
“By the way my name is Kyle.” Pagpapakilala ko
“You already know my name I guess?”sagot naman niya.
Napatawa ako sa kanya.
“Yup! Tinandaan ko na nga eh!” Sagot ko naman
Iniabot ko ang bulaklak sabay beso at bumulong ako sa kanya.
“See you later huh. “ ani ko
Nakipagkamay ako sa kanya at bumaba na ako ng stage
Napatulala naman si Lalaine sa ginawa ni Kyle. Gusto niyang tumili sa kilig at himatayin sa sobrang tuwa. Aba siya pa talaga ang nakakuha ng first kiss ko huh. Isip isip ko pero napapangiti ako. Hindi ko alam kung ano ibig niyang sabihin sa see you later, ano yun aabangan at kakausapin ulit nya ako?!
“Shem na malupit!” Kinikilig talaga ako.
Matapos ang awarding ay tuwang tuwa kaming lahat na nagtatalon sa dressing room kasama ko na si nanay.
“Anak napakagaling mo talaga!” Sabi ni nanay
“Congratulations beshy!” Sabi ko na eh ikaw mananalo!” Sabi naman ng kaibigan ko
“Naku sabi na eh suswertehin na naman ako nito sa gown na sinuot mo dai!” Sagot naman ni bakla
“Maraming maraming salamat sa inyong lahat at sa buong puso nyong suporta!” Sambit ko naman
Maya maya pa ay tinawag ako ng floor manager meron daw naghahanap sa akin.
“Sino daw po? Tanong ko sa kanya
“Ay hindi ko alam neng.” Sagot naman sa akin
Nasa conference room daw doon mo daw puntahan!” Sabi pa sa akin ng manager
“Kasama ko sina nanay,beshy at bakla dahil pack up na kami at pagod din ang aming maghapon.
“Guys antayin nyo na lang ako dito sa labas at kakausapin ko lang po yung naghahanap sa akin sa conference room.” Sabi ko sa kanila
“Beshy baka modeling scout yun papipirmahin ka ng kontrata! Sabi ni Nhesa
“Pero kapag matanda naman na manyakis tuhurin mo agad at sumigaw ka huh rescue agad kami dito.” Dagdag pa nito
“Puro ka kalukuhan sige na puntahan ko na ng makapagpahinga na tayo agad.” Sagot ko naman.
Kumatok ako ng ilang beses at narinig ko ang baritonong boses
“Come in!” Sabi pa nito
Pumasok ako at nakita ko si Kyle na ngiting ngiti na nag iintay sa akin.
“Pasensiya ka na huh ipinakiusap kita sa staff na papuntahin dito, alam kung pauwi ka na at pagod pero ayoko palampasin ang pgkakataon na mas makilala ka pa. Sabi pa nito
Napatulala ako sa pangyayare sapagkat iniisip ko siya kanina pa.
“Ok lang naman.” Kimi kong ngiti sa kanya
“Bago ang lahat pormal muna ako magpapkilala sa iyo”, My name is kyle Webber at taga Manila ako.” Saad nito
“Lalaine Manalo.” Sagot ko naman
“Nais ko sana na dumalaw sa inyo kung ayos lang sa iyo at parents mo, nais kung pormal na mas makilala ka pa iyon ay kung ok lang sa iyo?” Ani pa nito
Napatanga ako sa pagiging straight forward nito pero at the same time ay kinikilig din ako.
“Sige ayos lang naman.” Sagot ko naman
“ Maaari bang mahingi ang number mo at address nyo para mapuntahan kita bukas?” Tanung pa nito
Ibinigay ko ang number ko at address sa kanya.
“Sige na ayoko na masyado ka pang abalahin alam kung pagod ka na at nais mo ng magpahinga.See you tomorrow!” Sabi pa nito
“Sige aalis na ako, salamat!” Sagot ko naman.
Lumabas ako na nanginginig ang aking tuhod. Gusto kung magtatalon sa tuwa.