LEONARDO Sobrang sakit na malamang may iba ng mahal si Rosabella. Mukhang kinalimutan na niya ako. Nagsisisi ako dahil nagpakampante akong hindi niya ako makakalimutan, ngunit nagkamali ako. Wala akong magawa kung hindi tingnan sila ng lalaking iyon na magkasama. Gusto kong suntukin ang mukha ng lalaki kahit wala namang ginagawang masama sa akin. Ang tanging nag-uugnay na lang sa amin ay ang kambal. Pinakawalan ko ang mabuting babae na walang ginawa kung hindi mahalin ako. Hindi ko man lang nakita iyon o naramdaman. Naging manhid at bulag ako. Totoong nasa huli ang pagsisisi. Kahit ipaglaban ko pa siya ay walang mangyayari. Ayaw na niya sa akin. Kahit yata pilitin ko siyang bumalik sa buhay ko. Ang magagawa ko na lamang ngayon ay ibigay lahat ng pagmamahal sa mga anak namin. Sila na l

