bc

The Price of loving Leonardo (Broken Series)

book_age16+
62
FOLLOW
1.1K
READ
HE
opposites attract
second chance
boss
bxg
campus
office/work place
cheating
assistant
like
intro-logo
Blurb

Rosabella Barcellano secretly admired her boss Leonardo Romano. They had a mutual understanding. She knew it was wrong to get involved with someone who was already committed, but her emotions overpowered her mind. Their relationship resulted in consequences. Instead of fighting for her child's rights, Rosabella chose to leave and live away from the man she loved.

chap-preview
Free preview
EPISODE 1
ROSABELLA Busy ako ngayon dahil tambak ang trabaho rito sa opisina. Tatlo ang meeting ni Leonardo. Speaking of my boss wala pa siya na dapat maaga siya. Alam niyang importante ang meeting niya ngayon, pero parang wala lang sa kanya. Siguro ay kasama na naman ang nobya niya. Nailing ko na lang ang ulo ko dahil sa pagiging unprofessional ni Leonardo sa trabaho. Napatingin ako sa dumating. Ang boss kong mukhang galing lang sa kama na kababangon lang. Pansin ko ang suot niyang long sleeve na tila hinabol ng plantsa. Napailing na naman ako. Tumayo ako upang salubungin siya. “Mister Romano, ang aga mo yata ngayon? Saka ang fresh ng dating mo.” Sarkastiko kong sabi sa kanya. Napatingin siya sa akin. Napataas ang kilay ko nang mapansin ko ang kanyang leeg na puno ng kiss mark, namumula iyon. Naitirik ko ang mga mata ko dahil doon. I knew it, nambabae na naman ang lalaking ito. Well, ano pa ba ang bago sa kanya? “Ito ang mga kailangan mong i-review for approval mo. Noong isang linggo pa nga 'yan kailangan ng client,” sabi ko. Kinuha niya ang mga iyon at hindi man lang tiningnan ang papeles. Akmang hahalik siya sa pisngi ko biglang kong inilayo ang mukha ko. Naamoy ko ang kakaibang amoy na hindi ko maipaliwanag. “I will make you a coffee. It looks like you had a hangover from last night?” I said to him. I turn my back to go to the pantry to make him a coffee. I’ve been working with him for almost 3 years. So, alam ko na ang lahat ng mga ginagawa niya outside this company. And also what's happening in his lovelife. Hindi naman sana ako magwo-work dito kung hindi dahil sa utang na loob ko sa kanya. Tumatanaw ako ng malaking utang na loob sa pagtulong niya sa amin ni ate Isabella. Bumalik muli ako sa opisina ni Leonardo nang matapos kong timplahin ang kape niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa kanyang swivel chair. Nakasandal ang ulo nito sa backrest ng inuupuan at nakapikit ang mga mata. Nailing ko ang ulo ko. Mukha ring puyat ang lalaking ito. Inilapag ko ang tasa ng kape sa ibabaw ng kanyang table. “What happened to you, Mr. Romano? You have a lot of things to do here. But you look lazy to work.” I said. “Hindi ka na lang sana pumasok kung ganyan namang wala ka sa sarili at mukhang walang ganang magtrabaho.” Dagdag ko pa na may halong inis sa sinabi ko. Hindi nagmulat ng mga mata si Leonardo at nanatiling nakapikit. Nailing ko na lang ang ulo ko at saka nagpasyang tumalikod upang bumalik sa table ko. Palabas na sana ako ng pinto nang may brasong pumulupot sa baywang ko. Napatirik ako ng nga mata. He hugged me and his head lean on my shoulder. His hot breath fanned the side of my cheek. “Stay here, Rosa, please.” He pleaded with me. He buried his head on my neck. Alam ko naman na ganito siya sa tuwing may hindi pagkakaunawaan sila ng girlfriend nitong walang pakialam dito. I already told him na hiwalayan na niya na lang babaeng iyon kaysa ganito na palagi siyang nasasaktan. Pero ayaw niya pa ring gawin dahil mahal niya raw kasi. Pesteng pagmamahal 'yan. “Kung gusto mong mag-stay ako rito ayusin mo ang sarili mo Mr. Romano.” I said then I rolled my eyes. Para siyang bata na kailangan ng kalinga ng Nanay. “Okay, gagawin ko na ang trabaho ko. But please rito ka na mag-work para may kasama ako. Ayokong mag-isa,” sabi niya. “Okay, anak,” birong sabi ko. Napangiti sa akin si Leonardo habang napapailing sa sinabi ko. “Kukunin ko lang ang mga gamit ko sa labas,” sabi ko. He nodded. ***** Habang ginagawa ang trabaho ko ay hindi ko maiwasang tingnan si Leonardo. Kahit mali pero may lihim akong pagtingin sa kanya. Mula ng ipakilala ako ni ate Isabella sa kanya ay nagkaroon na ako ng lihim na pagtangi sa kanya. Alam kong mali dahil mayroon ng kasintahan si Leonardo ngunit mas malakas ang bugso ng damdamin ko kaysa sa isip ko. “Gutom ka na ba, Rosa? Ang lagkit na ng tingin mo sa akin.” Natatawang biro niya sa 'kin. Inirapan ko siya. Tiningnan ko ang oras sa wristwatch ko. Alas-dose na pala ng tanghali. Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa kaiisip sa kanya. “Magpa-deliver na lang tayo. Tawag na lang ako sa restaurant.” Tumango siya sa suggestion ko. Lumabas ako upang tawagan ang paboritong restaurant ni Leonardo na malapit sa building nila. Pagkatapos kong tawagan nagpunta muna ako sa CR para umihi. Pagkatapos kong umihi at maayos ang sarili ko ay bumalik na ako sa opisina ni Leonardo. Nakasalubong ko pa ang delivery boy na dala ang order namin. Kinuha ko ang wallet ko at ibinigay sa delivery boy ang bayad. Binitbit ko na ang supot at pumasok sa opisina ni Leonardo. Pagkabukas ng pinto ay laking gulat ko. May babaeng nakapatong kay Leonardo na halos bra at panty na lang ang suot. Si Leonardo naman ay naka-half naked na. Naghahalikan silang dalawa. Hindi nila napansin ang presensya ko dahil abala sila sa kanilang ginagawa. Nagpasya na lang akong lumabas ng opisina ni Leonardo dala ang paper bag na naglalaman ng pagkain na in-order namin. Pagkasara ng pinto ay agad akong pumunta sa table ko. Naupo ako sa aking upuan at saka inilapag sa mesa ko ang paper bag na dala ko. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko dahil sa nakita ko. Bakit ang tanga ni Leonardo konting lambing lang ng nobya ay bumibigay na siya? Bakit ikaw tanga ka rin? Nagmamahal ka sa taong manhid.' Sabi ng isip ko. Napasulyap ako sa in-order naming pagkain. I am sure hindi na kakain iyon dahil malamang mamaya pa matatapos ang mga iyon sa kanilang ginagawa. Bumuntonghininga ako. Ako na lang ang kakain nito. Sayang naman kung hindi ko kakainin. At saka gutom na ako. Ikain ko na lang siguro itong nararamdaman kong sakit ng puso ko. LEONARDO Tamad na tamad akong pumasok dahil napuyat ako kagabi. Kauuwi lang ng nobya ko galing ng Italy. Akala ko nga ay hindi na kami magkikita pa dahil nag-away lang kami last time. It's about time na siguro na magpakasal na kami. Gusto ko na ring lumagay sa tahimik. Matagal na rin naman kami. Pero mukhang malabong mangyari dahil mas priority nito ang trabaho bilang modelo. Kaya ko naman siyang suportahan sa lahat ng pangangailangan niya. I have many business na successful naman. Pati catering at wedding coordinator ay pinasok ko na. Ilang taon na rin kami sa business na ito- nag-boom naman. Madami na rin kaming naging client. Nagpapasalamat nga ako dahil may matiyaga akong Sekretarya. Hindi lang siya magaling, maganda pa. Napangiti ako. Napaangat ako ng tingin nang pumasok ang nobya ko. Mas lumawak ang ngiti ko. Lumapit siya sa kinauupuan ko. “Buon pomeriggio amore.” Bati nito sa akin sa lengguwaheng italian. “Il mio amore.” Sagot ko naman. Lumapit ang nobya ko at kumandong siya sa lap ko. Ipinulupot ko sa braso ko sa kanyang beywang. “Mi manchi tanto amore mio,” sabi ko. Natawa ng mahina si Chiara ang aking nobya. “Magkasama lang tayo ng buong gabi at kanina sa bahay mo miss mo na ako agad?” sabi niya. Ang kagandahan sa nobya ko ay marunong magsalita ng tagalog. Although doon lumaki sa Italy tinuruan naman ito ng kanyang ina na isang Filipina na magsalita ng tagalog. “Of course, I always miss you kahit ilang minuto lang ang nakalilipas.” I kiss her lips. Nagsimula ng mag-init ang buong katawan ko. Hinubad ko ang suot kong long sleeve. Lumayo si Chiara at ganoon din ang ginawa ko. Kapagkakuwan ay lumapit sa akin at umupo uli sa kandungan ko. Naghalikan kaming dalawa habang ang mga kamay namin ay dinadama ang bawat sulok ng bawat isa. Habang naghahalikan nakarinig ako ng pagbukas ng pinto. Kahit gusto kong imulat ang mga mata ay hindi ko magawa dahil gusto kong namnamin ang mga labi ng aking nobya. Nadadala ako sa bawat hagod ng labi niya. Maiintindihan naman siguro ni Rosabella ang nakita niya. She knows, my girlfriend is much more important than anyone else. Narinig ko na lang ang pagsara ng pinto.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

His Obsession

read
104.1K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook