EPISODE 2

1625 Words
ROSABELLA Napaangat ako ng tingin nang bumukas ang pinto ng opisina ni Leonardo. Napairap ako nang lihim dahil sobrang sweet nila sa isa’t isa. Kulang na lang papakin na sila ng mga langgam. Mukhang galing ng giyerahan. Ang tagal nila sa loob. Halos isang oras yata iyon. I am not sure. “Rosa, I’ll be out for today. Paki-message mo na lang ako kapag may importanteng tumawag na client sa akin,” bilin niya. Napasulyap ako sa nobya ni Leonardo na nakatingin sa akin. Hindi man siya nagtataas ng kilay at hindi niya ako pinakikitaan ng masama, pero kita ko sa mga mata niya ang inis sa akin. “Yes, Sir.” Tipid na sabi ko. Umalis na sila. Napadako ang mga mata ko sa magkahawak nilang mga kamay. Naiwan akong nagpupuyos sa galit kay Leonardo. Bahala na nga siya sa buhay niya kung paiiyakin na naman siya ng babaeng iyon. Wala akong tiwala sa pagmumukha niya. Sininop ko na lang ang mga gamit ko na nasa ibabaw ng mesa ko. Uuwi ako ng maaga. Bahala siyang maghanap sa akin. Wala akong ganang magtrabaho ngayon dahil sa inis sa kanya. 'Nagseselos ka lang dahil hindi ka niya priority.' Anang isip ko. Sumimangot ako. Kapag may kailangan lang siya nagiging sweet sa akin, pero kapag nandiyan na ang babaeng iyon ay balewala na ako. Ang tawag sa iyo ay panakip butas. Hindi ako vulca seal o tape. Tao ako na nakararamdam ng sakit at mas lalong hindi ako manhid sa ipinararamdam niya sa akin na parang wala akong pakiramdam sa tuwing ginagamit niya ako kapag nalulungkot dahil malayo ang nobya niya sa kanya. Tanga nga ako dahil nagmamahal sa lalaking manhid. Tumayo na ako para umuwi na. Wala rin naman akong magagawa rito kung wala ako sa mood. Sinira nilang dalawa ni Leonardo. Sa susunod hinding-hindi na ako magpapauto sa lalaking iyon. Pagkalabas ko ng building ay nakasalubong ko ang dalawa - si Leonardo at ang nobya niya. Akala ko ba umalis ang dalawa? “Where are you going, Rosa?” Tanong ng boss kong si Mr. Romano. Gusto ko sanang mapataas ng kilay. Hindi ko ginawa dahil nasa harapan ko ang nobya niyang Italyana. “I’m not feeling well, Sir. I’m so sorry mag-a-undertime ako today.” I reasoned with him Kahit alam kong wala naman masakit sa akin maliban na lang ang sakit dito sa puso ko. Dahil sa nakikita kong ka-sweet-an ng dalawa. “Gusto mo bang ihatid na kita?” Umiling ako sa kanyang alok. Napasulyap ako sa mukha ng nobya ni Leonardo. She appears irritated. “Huwag na po, baka nakakaabala na ako sa inyo.” May diin ang mga sinabi ko sa kanya. Mahahalata niya kaya na inis ako sa ginagawa niya? Bakit ihahatid pa niya ako kung kasama naman niya ang nobya? Hindi niya ba inisip na baka magalit ito? Napakamanhid nitong si Leonardo. “Mauuna na po ako.” Paalam ko at saka tinalikuran sila. Nasa loob na ako ng taxi nang tumatawag si Leonardo. Matagal kong tiningnan ang screen ng phone ko bago ako nagpasyang patayin na lang ang cellphone ko. Nagpasya akong pumunta ng mall para mamasyal. Ayoko namang umuwi ng maaga at alam kong magtataka si ate Isabella kung bakit ako umuwi ng maaga. Wala akong matinong maidadahilan sa kanya. Mas mabuti ng walang alam si ate Isabella sa nangyayari sa akin. Ayokong maging pabigat sa kanya. Marami ng pinagdaang hirap ang ate Isabella ko. Ayokong maging pasanin niya pa ako. Kaya ko namang resolbahin ang problema ko. Napasandal ako sa upuan. Kauuwi ko lang galing sa paggala sa mall. Habang nasa mall ako kanina naisip kong mag-resign na sa work. Ito lang ang solusyon ko upang iwasan si Leonardo. Hindi ako matatahimik hangga't magkasama kaming dalawa. Palagi na lang ganito. Nasasaktan. Hindi ako ang tipong babae na sumusuko, pero kailangan ko ng sumuko sa nararamdaman ko para sa kanya. Sabi ko nga hindi tama dahil wala akong karapatang maramdaman parang ako ang agrabyado rito. Sa kabilang banda wala naman kami. “Rosabella, ayos ka lang ba? Ipaghahain na kita ng pagkain. Nauna na kaming kumain nila Toper at Annabella nagutom na kasi kanina. Kanina ka pa nga hinihintay ng dalawa. Hinihintay nila ang pasalubong mo,” sabi ni ate Isabella. Masaya ng nagsasama si Kuya Chris at ate Isabella. Kahit nasaktan noon una ang ate ko naayos naman ang relasyon nilang dalawa. Ngayon masaya na siya kasama ng mga anak nila. Nakikita ko ang kasiyahan sa mukha ni ate. “Napagod lang ate. Ang dami kasing gawain sa opisina.” Pagsisinungaling ko. Pilit akong ngumiti upang ipakita na ayos lang naman ako kahit hindi. Sa totoo gusto kong umiyak sa bisig ng ate ko. Hindi ko na kasi kayang ilihim pa kay ate ang nararamdamang bigat ng puso ko. “Sayang nakatulog na pala ang dalawa. May pasalubong ako sa kanilang cupcake,” sabi ko. “Ipaghahain na kita. Tamang tama nilagang baka ang ulam natin. Mabuti iyon para guminhawa ang pakiramdam mo.” Hinagkan ni ate ang noo ko. Napakabuting kapatid si ate Isabella. Kaya niyang gawin ang lahat para lang sa amin ni Annabella. Kaya hangga't maari ayokong bigyan ng problema ang ate. In-open ko ang phone ko. Tumambad sa akin ang madaming messages ni Leonardo. Hindi ko na pinagkaabalahang tingnan lahat ang mga iyon. Sisimulan ko ngayong araw. Iiwasan kong mapalapit pang lalo kay Leonardo. Kinalma ko muna ang sarili ko. Alam kong tatanungin ako ni Leonardo about kahapon. Ginawa ko na lang ang routine ko everyday - ihanda ang mga papeles na pipirmahan ng boss ko. Aayusin ang opisina nitong magulo. Akala mo may nag-away sa loob. Ipagtitimpla ng kape at idi-dictate ang mga schedule niya sa meeting for today. Kahit pre-occupied ang isip ko dahil sa lalaking iyon nagawa ko namang maayos ang trabaho ko ngayong umaga. Alas nuwebe na pero wala pa ang boss ko. Akala ko maaga itong papasok? Bakit inaasahan mo ba na kakausapin ka niya? Kung bakit maaga kang umuwi kahapon? Anang isip ko. Alas-dose ng tanghali, pero wala pa ang walanghiya kong boss. I try to call his number, pero naka-off. Baka nagkasiyahan kagabi ang dalawa at nakalimutang may trabaho pala siya ngayon. Mas lalo akong nainis. Nagpunta ako sa pantry para kumain. Kailangan kong kumain. Hndi lang naman ako ang gutom pati na ang anak ko. Buti wala namang meeting at gagawing importante si Leonardo ngayon sa opisina. Nagbuntonghininga ako bago simulan ang pagkain ko. Napahinto ako sa pagnguya nang makarinig ako ng nagtatalo. Nagpasya akong puntahan ang pinagmumulan ng mga tinig. Nakita ko si Leonardo na hindi na naman maayos ang suot na damit at kasama ang girlfriend na parang rarampa lang sa suot nito. Napakaikli ng skirt at naka-hanging blouse pa na halos kita ang pusod nito. Pumasok ang dalawa sa loob ng opisina ni Leonardo habang nagtatalo. Dahil sa kuryusidad sinundan ko sila. Hindi nila naisara ang pinto ay kaya naririnig ko ang kanilang pagtatalong dalawa. “My God! Chiara, pinag-usapan na natin ito. You promised me hindi ka na pipirma pa ng contract. But you always broke your promises. Kung hindi ko pa nakausap ang Mommy mo ay hindi ko pa malalaman ang lahat. Tapos ngayon sasabihin mo na huli na ito? Hanggang kailan ako maghihintay sa iyo, Chiara! Hanggang kailan?! Inisip mo ba ako kung anong nararamdaman ko? Every time na malayo ka at gusto kong nasa tabi lang kita, pakiramdam ko nag-iisa ako.” Galit ang aura ni Leonardo. Ano ba kasing gustong niyang mangyari? Halata naman na hindi naman siya importante sa buhay ng babaeng ito. Mas inuuna ang career. “Leonardo, please understand my situation. I was in my peak of my career now. Ayoko namang palagpasin ang opportunity na dumarating sa akin. Sinabi ko naman sa iyo darating din naman tayo sa puntong magsi-settle down, but not now. Kaya ayokong sabihin sa iyo kasi alam kong ganito ang magiging reaction mo.” Paliwanag niya. Napailing ako sa kanya. Ano pa bang hahanapin niya kay Leonardo? Nasa kanya na ang lahat kung tutuusin. Kaya naman siyang buhayin ni Leonardo - para siyang nanalo ng lotto. Malas ka, Rosabella dahil hindi ikaw si Chiara na mahal na mahal ni Leonardo. “Kung ganito lang tayo palagi mas mabuti sigurong tapusin na natin ito. Alam mo naman importante ang career ko. Mahal kita Leonardo. Sa ngayon gusto ko munang mag-concentrate sa career ko. Kung mahal mo ako iintindihin mo ako,” sabi nito. Wow, siya pa itong may lakas ng loob na makipaghiwalay. Hindi ko inaasahan ang ginawa ni Leonardo. Biglang lumuhod sa harapan ni Chiara. Yumakap sa baywang ng nobya niya. Napakasakit makita ang taong minamahal mo. Nagmamakaawa sa harapan ng isang babae na wala naman pakialaman sa kanya. I envy myself, buti pa siya kayang iyakan ni Leonardo. Ako kaya kapag nawala ganun din ba ang gagawin niya? I doubt it. “Please, stay with me. I love you so much, Chiara,” sabi nito habang nakayakap sa baywang si Leonardo. “Hindi ko kayang mawala ka Chiara. Sige payag na ako. Huwag mo lang akong iwan.” Dagdag pa niyang sabi habang umiiyak. Napatakip ako ng bibig dahil sobrang sakit ng nararamdaman ko. Gusto kong batukan ang sarili ko. Ako lang ang umaasa sa wala. Bakit ba kasi ang tigas ng ulo ko. Hinihintay ko ba na ako ang pipiliin niya kung sakali? Bumalik ako sa pantry dahil hindi ko na kayang tingnan ang pagmamakaawa ni Leonardo kay Chiara. Naupo ako sa upuan at binuhos ko ang mga luha ko. It was excruciatingly painful. It's breaking my heart. Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi marinig ang impit kong paghagulgol. Tanga kasi ako. Ibinigay ko ang sarili ko sa taong wala namang pagmamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD