ROSABELLA
Hindi na lumabas ng opisina si Leonardo. Baka nainis na sa akin. Ano naman ngayon kung mainis siya? Palagi na lang ako ang nangungunang sumusuyo sa lalaking iyon. Nakakasawa na kung minsan. Hindi ko alam sa sarili ko at pinagtityagaan ko ang lalaking iyon. Dapat umalis na ako rito dahil habang nagtatagal ako rito ay mas lalo lang mahirap sa aking lumayo. Kaialangan ko na sigurong sanayin ang sarili kong dumistansya kay Leonardo upang hindi mahirap sa aking umalis. Mas mabuti nga iyon para smooth ang pag-alis ko.
Tumayo na ako para umuwi na. Mas lalo lang akong maiinis kung mananatili pa ako nang ilang oras. Hindi pa ako nakalalayo nang bumukas ang pinto ng opisina ni Leonardo. Sinulyapan ko lang siya at diretso na akong naglakad. Naramdaman ko ang kamay niyang pumipigil sa braso ko.
“Rosa, sa bahay ka na matulog.”
Nagbuga ako ng hangin. Matapos niya akong sigawan kanina ay may gana pa siyang patulugin ako sa condo niya.
“Ayoko,” pagtanggi ko.
Iwinaksi ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Pati pagdampi ng balat niya ay naiinis ako. Grabe naman yata ang paglilihi ko sa kanya.
“I am sorry sa sinabi ko kanina. Please, Rosa,” pakiusap niya.
“No. Ayokong makasama ka ngayon. Sana naman respetuhin mo ang kagustuhan ko,” sabi ko sabay talikod sa kanya, ngunit hinigit na naman niya ako. Mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at hinila papasok ng elevator.
“Leonardo, ano ba?! Sabi nang ayoko, eh?! Hindi mo ba naiintindihan ang sinabi ko?! Ayoko nga!” singhal ko sa kanya.
“Yes, naiintindihan ko. Pero hindi ako tumatanggap ng salitang ayoko,” nakangisi niyang sabi.
“Okay, fine! Huwag mo na akong hawakan. Nakakainis ka!” Diretsahan kong sabi sa kanya. Natatawa lang siya sa akin na mas lalong ikinainis ko. Pumasok ako sa sasakyan niya na nakasimangot. Napasandal ako sa upuan at ipinikit ang mata ko. Feeling ko ay sobrang pagod ako ngayong araw. Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.
Naalimpungatan ako nang dahil sa boses ni Leonardo. Nasa higaan na ako. May kausap siya sa cellphone. Kahit ayokong marinig ang pinag-uusapan nila ay pinakinggan ko.
“I love you, babe,” sabi ni Leonardo.
Nasasaktan ako sa tuwing naririnig ko ang salitang I love you kay Leonardo para sa babaeng iyon. Hindi ko maiwasang maghinagpis dahil sa kabila ng busy schedule ni Leonardo ay binibigyan niya pa rin niya ng oras. Naramdaman ko ang mainit na likido sa gilid ng mata ko. Tinakpan ko ang bibig ko upang hindi maglikha ng ingay.
I’m sorry anak dahil palagi na lang akong umiiyak nang dahil sa Daddy mo. Napasinghot ako nang mahina. Napakagat labi ako nang maramdaman ang yakap ni Leonardo.
“I’m sorry, Rosa,” sabi niya. Hinagkan niya ang pisngi ko. Naramdaman ko ang paglundo ng kama. Nakarinig ako nang pagbukas at pagsara ng pinto.
Kinaumagahan paggising ko ay wala si Leonardo. Ibig sabihin hindi siya umuwi. Malamang doon siya natulog sa nobya niya.
Ano pa ang silbi ko rito? Dito pa ako pinatulog ng lalaking iyon. Pumunta ako ng kusina para magluto ng kakainin ko. Kailangan kong kumain ng umagahan at inumin ang gatas. Pinagbawalan na akong magkape ng OB Gyne ko. Masama raw sa baby ang kape.
Umilaw ang cellphone ko. Tumatawag si Leonardo. Hindi ko sinagot dahil ma-stress na naman ako, umagang-umaga. Bahala siya sa buhay niya. Pagtutuunan ko muna ng pansin ang anak ko kaysa sa kanya-walang puso. Ring nang ding ang cellphone ko. Hinayaan ko lang. Hindi ko alam kung ilang beses na siyang tumatawag.
Pagkapasok ng opisina nakita ko si Leonardo nakaupo sa swivel chair ko. Kunot na kunot ang noo habang nakatingin sa isang papel na hawak niya. Bigla akong kinabahan dahil parang alam ko na kung ano’ng hawak niya.
Ang tanga ko talaga! Bakit ba kasi roon ko pa iniwan sa table ko ang resignation letter? Balak ko sanang mag-resign kapag nasa Italy na siya. Alam kong hindi niya ako papayagan kapag narito pa siya sa bansa, pero ako ang masusunod dito. Ayoko na!
“What is this?!” tanong niya sa akin nang nasa tapat na ako ng table ko.
“Siyempre papel,” pilosopo kong sagot. Ngunit hindi bumenta ang biro ko dahil mas lalong nagdilim ang guwapo niyang mukha.
“Rosa, I’m not here for a joke! I am asking you what is the meaning of this resignation letter?” Napabuntonghininga ako nang marahas. Nakakaubos na siya ng pasensya.
“I want to get out of here and go somewhere and be happy, and have a peaceful life,” mahinahon na sabi ko.
Tinitigan niya ako na parang ang sama kong tao. Nanlaki ang mga mata ko ng punitin niya sa harapan ko ang papel. Inagaw ko sa kanya iyon.
“Bakit mo pinunit?! Pinaghirapan kong gawin iyan tapos pupunitin mo lang?! Wala na ba akong karapatang umalis dito?!” sigaw ko sa kanya.
Napahawak ako sa puson ko nang makaramdam ng kaunting pagkirot. Napatayo si Leonardo at hinawakan niya nang mahigpit ang braso ko.
“Hindi ka aalis dito! Walang magre-resign! Tapos ang usapan!” sabi niya at saka niya ako tinalikuran. Kumuyom ang kamao ko.
“Hindi mo ako mapipigilan Mr. Romano kung gusto kong mag-resign. This is my life, not yours! Wala kang karapatang magdesisyon sa buhay ko. Buhay ko ito!”
Binagsak ko ang palad ko sa lamesa. Naglikha iyon ng ingay. Napalingon sa akin si Leonardo. Matagal niya akong tinitigan.
“My answer is still a no!” Aniya at pumasok sa opisina niya. Naiwan akong nagpupuyos sa galit. Nanghihinang naupo ako sa swivel chair. Napaka-unfair niya. Gusto niya akong sinasaktan. Ayoko itong pakiramdam na ganito, halos durugin ang puso ko sa sobrang sakit. Napakagat labi na lang ako nang magsimulang magsibasakan ang mga luha ko.
Napahawak ako sa puson ko nang kumirot iyon. Diyos ko huwag naman sanang may mangyaring masama sa anak ko. Pinakalma ko muna ang sarili ko para mawala ang kirot. Kinuha ko ang baon kong tubig. Tinungga ko iyon at nakaramdam ako ng kaginhawaan.