EPISODE 12

1045 Words
ROSABELLA Tumawag uli ang kapatid ko kinabukasan. Sinabi niyang nandoon na naman daw si Leonardo. Medyo nakainom daw at nagmamakaawa na namang sabihin niya ang kinaroroonan ko. Walang nagawa ang kapatid ko kung hindi patulugin na naman doon dahil lasing na naman. Walanghiyang lalaki na iyon. Parang gusto niyang doon na tumira sa bahay namin. Sa laki ng bahay niya mas gusto pa sa amin. Hindi naman kalakihan ang bahay namin para maging komportable siya. “Basta huwag na huwag mong sasabihin kahit magwala pa ang lalaking iyan. Kung puwede isuplong mo sa pulis ay gawin mo. Wala siyang karapatang manggulo,” bilin na sabi ko nang tawagan ko ang kapatid ko. Narinig ko ang malalim na buntonghinga ng kapatid ko. Alam kong naiinis na rin siya sa kakapalan ng mukha ni Leonardo. “Ano pa ba ang magagawa ko ate. Siraulo itong si kuya Leonardo, akala ko matino aba mas malala pa pala siya kay kuya Chris. Atleast si kuya Chris pinanindigan niya si ate kahit na nagsimula sila sa hindi maganda. Itong isa rito gago. Nagmamahal sa payatot niyang nobya. Haist, ano kaya mapapala niya roon? Sa totoo lang mas maganda ka roon ate Rosabella. Labi pa lang pak na pak na!” Hindi ko maiwasang matawa sa sinabi ng kapatid ko. Ewan ko ba kung nagbibiro siya o inuuto lang ako ng kapatid ko. “Ikaw talaga binobola mo ako. Basta lagi kang mag-ingat diyan lalo at mag-isa mo lang diyan. Lock ka na lang ng door mo, okay,” bilin ko sa kapatid ko. Kahit na ba maayos naman ang mga tao sa Bulacan hindi natin alam ang mangyayari. LEONARDO Araw-araw akong nagpupunta sa bahay nila Rosabella. Nagbabakasaling sabihin niya kung nasaan si Rosabella. Hindi ako titigil hangga’t hindi nalalaman kung nasaan siya. Gayon pa man ay bigo pa rin ako malaman kung nasaan na siya. Tinungga ko ang bote ng alak na hawak ko. Umagang-umaga ay kaharap ko ang isang bote ng alak. Kagabi ay sa bahay nila Rosabella ako natulog. Doon na ako nakatira. Inis man si Annabella ay wala siyang magawa na paalisin ako. Tanging unan na lamang ni Rosabella ang kayakap ko. Miss ko na ang presensya niya. Bumukas ang pinto ng opisina ko. Bumungad sa akin ang mga kaibigan ko na may seryoso ang mga mukha. Bakit nandito ang mga asungot na mga ito? “Ganyan na lamang ba ang gagawin mong gago ka? Balita ko natutulog ka sa bahay nila Rosabella at nakainom pa. Hindi ka na nahiya sa kapatid niya,” naiinis na sabi sa akin ni Fernan. Natawa ako ng nakakaloko. Nagsalita ang hindi gago. “Mas gago ka sa akin. TSK!” sagot ko sa kanya. Napapailing sila sa inasta ko. “Ano’ng dahilan mo at nag-iinom ka ng umaga? Bakit may sine-celebrate ka ba? Ano ayos na kayo ng nobya mong Italyana?” birong sabi ni Delfin. Binato ko siya ng lagayan ng ballpen. Nakailag siya na mas lalong kinainis ko. “Get out of my office! Hindi kayo nakakatulong sa buhay ko! Mas lalo niyo lang pinabibigat ang problema ko.” Inis na sabi ko. Ang lungkot ng buhay ko nang mawala si Rosabella. Bakit ganoon, kung kailan alam ko na kung sinong mahal ko siya naman ang mawawala. Napalaki kong gago. Pinili ko ang hindi karapatdapat na tao. “Ano ang problema mo?” kunot noong tanong ni Gavin habang prenteng nakaupo sa pang-isahang upuan. Tiningnan ko siya ng walang emosyon. “Iniwanan kasi ng babaeng binalewala niya,” sagot ni Delfin. Lahat kami ay napatingin kay Delfin dahil sa sinabi niya. “Sino’ng babae iyon?” tanong ni Gavin. “Huwag niyo sa akin tanungin. Kay stupid Leonardo niyo tanungin.” Sagot ni Delfin. Nagtagis ang bagang ko sa sinabi niyang stupid. I am not. Lahat sila napatingin sa akin. “Sino ba iyon stupid Leonardo?” tanong ni Fernan. Iba ang pinupukol niyang tingin sa akin. Parang may ibig sabihin ang mga tingin niya. Paano nila nalaman? “Wala na kayo roon kung sino man iyon. Kung sabihin ko man ay hindi niyo naman ako matutulungan! Walang makakatulong sa akin!” inis na sabi ko. Tinungga ko ulit ang alak. Hindi ko na alam kung ano ang hitsura ko ngayon. “Malay mo makatulong kami. Kaibigan mo kami Leonardo at hindi ibang tao lang,” sabi ni Gavin. Hinintay kong mag-react si Delfin at Fernan ngunit nakatitig lang sila sa akin. Which is weird. “By the way may get together tayo sa weekend. Uuwi na rito sa bansa si Hanz Smith. Dito na yata titira ang gago. Isa rin iyon stupid na nagmahal sa Brazilian niyang nobya. Nganga ang lolo niyo.” Nagkatawanan sila sa sinabi ni Fernan. Napairap ako sa kanila. Si Hanz Smith ay naging kaibigan namin noong Elementary hanggang high school. Sa USA na siya nag-aral ng medicine. Kahit naman na nandoon ang gagong iyon ay may komunikasyon pa rin kami. Minsan nagpupunta ako sa lugar nila. Madalas kasi akong pumunta ng Chicago Illinois. “I am not going,” walang gana kong sabi. “Pumunta ka malay mo roon mo makita ang hinahanap mong gago ka.” Napairap ako kay Delfin. Kung makasabi ng gago ay wagas. “Huwag mo akong tawaging gago kung gago ka rin!” sagot ko sa kanya. “Hey, stop arguing! Pareho naman tayong gago.” Nagkatinginan kaming magkakaibigan at ilang sandali pa ay nagkatawanan na lang sa sinabi ni Gavin. Yeah, it’s true. Sabi sa kasabihan, birds of a feather flock together. Nasaan ka na Rosabella? Sana pahintulutan ng diyos na magkita tayo. Kapag nangyari iyon ay hindi ko na pakakawalan ang taong nagmahal sa akin ng totoo. Hindi ko na sasayangin ang sandali na maipadama ko sa kanya ang pagmamahal ko. Talagang nasa huli talaga ang pagsisisi. Gusto kong humingi sa kanya ng tawad sa pambabalewala ko sa kanya. Kung maibabalik ko lang ang nakaraan upang baguhin ang nagawa kong mali ay gagawin ko. Hindi ko hahayaang masaktan siya. Inaamin kong ang laki kong gago. “In god’s time magkikita rin kayo at sana sa panahong iyon ay ganoon pa rin ang nararamdaman niya para sa iyo.” Makahulugang wika ni Delfin. Napatitig ako sa kanya. Ano’ng alam niya? Si Rosabella ba ang tinutukoy niya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD