EPISODE 15

1612 Words
ROSABELLA Hindi ko alam kung ano ang itatanong ko kay ate Isabella. Pinapangunahan ako ng hiya at takot. “May kailangan ka ba?” tanong ni ate nang mapansin niya ako na nakatayo sa nakabukas na pinto. Nagtutupi siya ng damit. Lumapit ako sa kanya at naupo sa tabi niya. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita. “Narinig ko kayong nag-uusap ni Kuya Chris. Pinuntahan mo pala si Leonardo. Hindi mo na sana siya pinuntahan ate. Ayokong nakikita kang umiiyak. Sorry talaga ate sa nagawa ko. Kung hindi sana ako nagpakatanga hindi mangyayari sa akin ito.” Paghingi ko ng tawad. Napahinto si ate sa pagtutupi. Ginagap niya ang kamay ko. “Bilang nakakatanda mong kapatid may obligasyon pa rin ako sa inyong dalawa ni Annabella. Hindi mo kasalanang magmahal. Si Leonardo dapat ang sisihin dahil alam niyang may nobya siya, ngunit lumandi pa rin siya sa iba,”galit na sabi niya. May kasalanan din ako at hindi lang si Leonardo ang dapat sisihin. Alam ko namang may nobya siya pumayag ako sa gusto niya. Nilunod ko ang sarili sa pagkakamali. Alam ko naman sa huli ako ang masasaktan. LEONARDO Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Tama si Isabella isa akong walang kuwentang tao. Sinaktan ko ang damdamin ni Rosabella. Talagang nasa huli ang pagsisi. Tinawagan ko ang taong nagmanman sa bahay nila Chris. Hindi ako susuko kay Rosabella. Kahit alam kong maliit ang chance na mapatawad ako ni Rosabella ay tatanggapin ko naman ang kaparusahan niya sa akin. Basta huwag lang nilang ilalayo si Rosabella. Hindi ko kakayanin. “Sir Romano, it’s confirmed, Rosabella Barcellano ay nandoon.” Napangiti ako sa magandang balita. Pagkakataon kong makita siya kahit malayuan muna. Hindi muna ako lalapit sa kanya at baka lumayo siya. Mabuti nang alam ko kung saan siya. “Okay I’ll send the payment in your account. Thank you.” Pasasalamat ko sa kanya at tinapos ang tawag. Tatayo na sana ako nang pumasok ang tatlo kong mga kaibigan. Nagulat ako nang sumulpot si Hanz Smith. Ang alam ko next week pa ang dating niya. “Kailan ka dumating?” tanong ko. Nilapitan ko siya at niyakap siya. It’s been a while nang huli kaming nagkita sa Chicago pa iyon. “I just arrived yesterday. How are you? Balita ko ay may hinahabol kang babae. Sino naman iyon? I thought Chiara and you are getting married?” Nagbuntonghininga ako. Mga tsismoso talaga ang mga kaibigan ko. Daig pa ang reporter kung makapagtanong. Daig pa paparazi makapagkalat ng balita. “Hindi siya ang babaeng pakakasalan ko.” Diretsahan kong sabi sa kanila. Niloko ako ng babaeng iyon. Minahal ko siya, ngunit may iba naman pala siyang mahal. Sa isang banda may ginawa rin naman akong masama. Hindi ko na siya kinompronta tungkol sa nakita ko. Para ano pa? Magsasayang lang ako ng oras. Tinawagan ako mi Chiara ng mga oras na iyon, ngunit hindi ko sinasagot. She even send me messages in my email, but I just ignored it. Wala na akong balak sagutin pa ang mga mensahe niya sa akin. Kung pumunta siya rito wala rin akong pakialam. “Oh, sino naman ang masuwerteng babae na nagpatibok ng puso mong salawahan?” Natatawang biro ni Hanz. Sinamaan ko siya ng tingin. “I am just joking. Kadarating ko lang mag-aaway pa tayo,” sabi niya. “Anong kailangan niyo sa akin? Bakit chaperon ba kayo nitong si Hanz?” tanong ko sa tatlo kung makangiti ay nakakainis. Nagtawanan pa sila. Binato ko sa kanila ang lagayan ng ballpen ko. Nailagan naman nila ito. “Siraulo ka! Mukha kang baliw,” natatawang sabi ni Fernan. Nagkatawanan na naman sila. “Kung nagpunta lang kayo rito para i-bully ako ay magsilayas kayo sa opisina ko! O, kakasuhan ko kayo ng bullying?!” galit na sigaw ko sa tatlo. Umupo ako sa swivel chair ko at hinarap ang laptop. “Hindi mo ba kami na-miss Leonardo? Ngayon lang ulit tayo nagkita kita,” sabi ni Delfin. May mapaglarong ngiti kaya mas lalong uminit ang ulo ko. Kahit na alam ko na kung nasaan si Rosabella. Hindi pa rin ako maaring makalapit sa kanya. Baka mas lalo nilang ilayo siya sa akin. “Kaya ba mainitin ang ulo mo dahil ba kay Rosabella?” tanong naman ni Gavin. “Rosabella, pala ang pangalan ng babaeng kinahuhumalingan nitong si Leonardo. Napakagandang pangalan. Siguro maganda rin ang babae. Tama ba mga bro?” sabi ni Hanz sa tatlo. Tiningnan ko sila nang may pagbabanta. Napangisi lang sila. “Oo maganda, mas maganda kay Chiara. Labi pa lang mapapaibig ka na. Kaya nga ako nagkaroon ng crush kay Rosabella.” Nagsalubong ang kilay ko sa sinabi ni Delfin. Tumayo ako para kuwelyuhan siya. “Subukan mo lang na ligawan si Rosabella, malalaman mo kung paano ako magalit! Kalilimutan kong naging kaibigan kita!” Galit na sabi ko. Walang ibang lalaki ang aagaw kay Rosabella mula sa akin. Handa akong pumatay. “Relax ka lang, okay? Hindi ba uso sa iyo ang salitang joke?” sabi ni Delfin at saka niya ako tinulak. Napapailing siya sa ginawa ko. “Talagang mahal na mahal mo si Rosabella. Bakit hindi mo suyuin? Nandito ka nagmumukmok, wala ka man lang ginagawang action. Gago!” sabi ni Fernan. “Mas gago ka!” sagot ko sa kanya. Akala mo naman hindi rin siya kagaya ko. Mas malala nga ang naging situation niya kaysa sa akin. Sinamaan niya ako ng tingin. “Will you both shut up. We are all here para mag-bonding at hindi para magtalo. Mga siraulom” sabi naman ni Gavin. “Ano’ng hakbang ang gagawin mo Leonardo?” tanong ni Hanz. “Nakita ko na siya. Sa ngayon ay hindi muna ako magpapakita. Ayoko siyang biglain. Alam kong galit pa rin siya sa akin. Ang mahalaga naman ay alam ko kung nasaan siya.” I sigh. “You mean tinging malayo lang ang gagawin mo sa ngayon? Hindi mo siya susuyuin hanggang sa makuha mo na ang tiwala niya? I think you need to convince her that you are worth in her life.” Sa sinabing iyon ni Gavin ay napaisip ako. Takot ako na baka lumayo siya at hindi ko na siya makikita. Baka sa susunod itago na nila sa akin si Rosabella. Hindi ko talaga kakayanin. Maybe that’s the end of my world. “Sa ngayon ito ang alam kong tamang gawin. Ayoko siyang biglain dahil malaki ang kasalanan ko sa kanya. Kahit mahirap sa parte ko na hanggang tinging malayo lang ay titiisin ko muna.” Hindi na nagsalita ang mga kaibigan ko. Alam kong hindi sila pabor sa gusto kong mangyari dahil para sa kanila kaduwagan ang ginagawa ko. Wala akong pakialam basta ang gusto ko ay nandyan lang si Rosabella. Nagpasya kaming mag-inumang magkakaibigan sa paborito naming bar. Nagkani kanyang kuha ng babae ang mga kaibigan ko. Samantalang ako nagkasya na lang akong mag-isang umiinom. Wala sa plano kong mangbabae. Hindi ko namalayang naparami na ang inom ko. Ang mga kaibigan ko ay hindi ko na nakita. Ang akala ko ay bonding namin ito, pero tila hindi naman. Napapailing ako sa mga kaibigan kong mga gago. Tumayo na ako para umuwi. Muntik na akong mapasubsob nang mahilo ako. Napadami ang nainom ko. Hindi ko na sila nakita kaya nagpasya na akong lumabas ng bar. Nasa main highway na ako nang magpasyang puntahan ang bahay ni Chris. I want to see Rosabella. Miss na miss ko na siya ng sobra. Narating ko ang bahay nila Chris. Hindi muna ako bumaba nagmasid muna kung may parating. Ilang minuto ang nakalipas ay nagpasya akong lumabas ng sasakyan ko. Kahit nakainom ay nasa tamang huwisyo pa naman ako. Huminga muna ako nang malalim bago kumatok sa gate. Pinagbuksan naman ako ng guard na nagbabantay doon. “Good evening nandiyan po ba si Rosabella?” tanong ko sa guard. “Sir, wala pong Rosabella ang nakatira rito. Baka po nagkakamali po kayo,” sabi ng guard. Napakunot noo ako. Paanong wala si Rosabella rito? Ito ang bahay ni Chris. “Hindi ba bahay ni Chris Montero ito?” tanong ko sa guard. Umiling ang guard sa tanong ko. “Sir, hindi na po bahay ni Mr. Montero ito. Iba na po ang may-ari. Binenta niya na po itong bahay.” Sa sinabing iyong ng guard ay kinabahan ako. Mukhang nakatunog si Chris na pinahahanap ko si Rosabella. Hindi nila puwedeng ilayo sa akin si Rosabella. “Puwede bang malaman kung saan lumipat sila Chris Montero?” tanong ko. Sana alam niya kung saan lumipat. Nagpapatawa ba ako? Paano naman malalaman ng isang hamak na guard kung saan lumipat ang dating may-ari ng bahay. Napakamot ng ulo ang guard. “Sir, wala po akong alam. Guard lang po ako rito. Hindi ko po alam kung saan lumipat ang dating may-ari ng bahay. Pasensya na po,” hinging paumanhin niya. Wala sa sariling naglakad palayo. Natigil ako sa gitna ng kalsada. “Hindi ako iiwan ni Rosabella. Hindi niya ako iiwan.” Paulit-ulit na sambit ko. Napaiyak ako. Bakit nila inilayo ang mahal ko? Wala silang karapatang kunin ang akin. Napaluhod ako sa gitna ng kalsada habang umiiyak na parang bata. Napakuyom ako ng kamao. Hindi ako papayag na itago nila sa akin si Rosabella. Hahanapin ko siya kahit halughugin ko ang sulok ng Pilipinas o ng ibang bansa ay gagawin ko. Tumayo ako upang pumunta sa sasakyan ko, ngunit bago ko marating ay may liwanag akong nakita. Naitakip ko ang kamay ko sa harapan dahil nasilaw ako sa liwanag. Ang narinig ko na lang ay ang malakas na pagpreno ng sasakyan at naramdaman kong may tumamang bagay sa aking katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD