Chapter 4

1113 Words
Chapter 4   “We’re going to attend the upcoming party at Crosswind Resort Suites. Enemies target!” excited na sambit ni Jacob na nilalaro pa sa hangin ang susi ng kaniyang sasakyan. Kakagaling niya lang kasi sa kung saan at ang hula ko ay sinundan niya ang mga taong matagal na naming hinahanap. “Nasaan nga pala si Isaiah?” tanong nito.   “Hindi ko rin alam, kanina ko pa nga siya tinatawagan ngunit hindi ko siya makontak.” hinihikab na sabi ko rito at kumuha ng candy sa coffee table. “Ikaw Abys, alam mo kung nasaan si Isaiah? Kailangan natin siya para sa pagplaplano sa mission na to.” tanong ko kay Abys na seryosong nakatutok sa kaniyang cellphone.   “P’wede naman tayong mag-plano nang wala siya. At saka, busy siya sa bagay-bagay, pabayaan na lang natin siya.” seryosong sabi nito na hindi man lang kami tinataponan ng tingin.   Tiningnan ko si Jacob na tila nagtatanong at tanging kibit-balikat lamang ang naging sagot niya sa akin. Napabuntong-hininga na lamang ako at dumiretso sa aking computer at nag-simulang mangulikot doon. Hindi naman ako makapag-download ng games dito dahil mabubura rin, paniguradong buburahin na naman iyon ni Jacob.   “By the way, meeting tayo mamayang five o’clock sa condo mo, Natalie.” napatingin ako kay Isaiah. “Don’t tell Isaiah about the meeting.” magtatanong pa sana ako rito ngunit mabilis itong nakalabas ng silid.   “May pagtatalo ba si Abys at Isaiah nitong mga nakaraang araw?” tanong ko kay Jacob na busy na ngayon sa kaniyang computer. May hinahack na naman siguro siya na system.   Umakto ito na parang nag-iisip at umiling. “Hindi ko lang alam, busy kasi ako masyado sa computer ko. I need to tighten our security system para hindi na muli iyon mabasag ng mga kalaban.”   Tama naman si Jacob. We need to tighten our security system lalo na’t gumagalaw na ang mga kalaban namin. “Pupunta muna ako sa Dine In. Anong gusto mong pagkain?” inunat-unat ko ang aking mga braso at kinuha ang aking cellphone na nakapatong sa aking desk.   “Hindi pa ako nagugutom,” nakangiting sabi nito kaya tumango na lamang ako sa kanya bago lumabas ng lab.   Humihikab na naglakad ako patungo sa Dine In. Hindi ko alam kung bakit inaantok ako ngayon. Ganito talaga ako lalo na’t walang ginagawan mission. Marami akong nakakasalubong na ibang agents na naka-disguise pa as receptionist, hotel boys, janitors, at marami pang iba. And the rest, non-agents na.   Mayroong twenty secret agents sa lugar na to. We have two senior elite agents and that’s Jameson and tita Emelie. And we are the elite agents. Dati ay sampung miyembro lang meron ang CALLEAI dahil sa iba’t-ibang pangyayari, nadadagdagan kami.   “BWISET KA SAM, BUMALIK KA RITO.” napatakip ako sa aking tenga nang bigla na lamang sumigaw si Adele na hinahabol si Sam na malayo na sa kaniya. “BUMALIK KA RITO, WALANGHIYA KA.”   Naiiling na pinagpatuloy ko ang aking paglalakad. Hindi ko pa ata nakikita ang dalawang yan na magka-sundo. Tuwing makikita ko sila ay lagi silang nagaaway. Hinila ko si Aiden na naka-upo sa bench na nadaanan ko para mag-tanong. “Anong nangyari sa dalawang yon?”   “Pinost kasi ni Sam yong epic picture niya sa twitter, biglang nag-trending.” natatawang sambit nito at ipinakita sa akin ang screen ng kaniyang cellphone. “Maganda pa rin naman siya kahit epic yong mga pictures.”   Ako naman ang nangiti sa sinabi niya. “Congrats pre, binata ka na.” hindi ko na siya hinintay pang magsalita at pinagpatuloy na ang aking paglalakad.   Sa garden kasi madalas tumambay ang ibang agents lalo na kapag nagpapahangin at nagpapawala ng init ng ulo. Nang makarating sa Dine In ay umorder lang ako ng pagkain na kaya kong ubosin. Carbonara at iced tea, nagpadagdag na rin ako ng ginger bread. Masarap kasi magluto ng carbonara si Tonyo kaya iyon lagi ang aking ino-order. Agent na, chef pa. Saan ka pa?   “Baka sa susunod na araw mukha ka ng carbonara, Natalie.” pang-aasar sa akin ni Grace na siyang waitress na nag-bigay sa akin ng order ko. “Kamusta yong big mission niyo?” halis pabulong na tanong nito.   “Masarap kasi ang nagluluto.” natatawa kong sabi. “May meeting kami mamaya. Oo nga pala, kapag nagtanong si Isaiah about doon sabihin mo ay wala pa kaming plano.”   “Bakit naman?”   “Hindi ko rin alam kay Abys. Basta ‘wag mo na lang sabihin.”   Tumango naman ito bilang pag-sang-ayon.   “Nag check-in sila sa Crosswind Resort Suites for three days.” ipinakita ni Jacob sa screen ng kaniyang laptop ang larawan ng nasabing resort. “Sa tatlong araw na iyon ay maraming p’wedeng mangyari simula ngayon. Kung hindi sila aatake ngayon ay maaaring aatake sila sa natitira pang dalawang araw. Ang ipinagtataka ko ay bakit hindi ngayon?” maski ako ay nagtataka rin kung bakit hindi sila umatake ngayon.   “Masyado ngayong tourist spot ang CALLEAI, maraming tao ang madadamay kapag umatake sila ng walang plano.” napatingin kami ni Jacob kay Abys. “Habang hindi pa sila gumagalaw kailangan na natin silang mabitag para malaman na natin kung sino ang nasa likod nang lahat ng to. Kung paano nila nalalaman ang mga plano natin kaya nababali ang dapat mangyari kapag nakakaharap natin sila.”   Nangunot ang aking noo. “Ibig mo bang sabihin, may nagtataksil sa grupo natin?” hindi ko alam, ngunit iyon ang unang tanong na pumasok sa aking isipan. Tiningnan niya lamang ako at nag kibit-balikat.   “Naka-usap ko na ang manager ng hotel pati na rin ang ibang police officers na handa tayong tulungan para sa mission na to.” pagpapatuloy ni Jacob.   Alam ng gobyerno ang tungkol sa serbisyo namin kaya hindi na namin kailangang mabahala pa kapag mahuhuli nila kaming ginagawa ang aming mga mission.   “Una ay kailangan nating palikasin ang mga taong naroon kapag nasa loob na tayo ng room nila Dragon.” Dragon, the sniper. “Magkukunware ang mga pulis na may na-detect na bomba sa hotel para hindi sila mapahamak kung sakaling mapapalaban tayo.”   “Anong oras?” tanong ko rito.   “Alas tres nang hapon.”   Kanina pa ako paikot-ikot sa aking kama ngunit hindi pa rin ako makatulog. Ginugulo kasi ng isip ko ang tungkol sa napag-usapan namin kanina. Imposible namang may impostor sa organisasyon namin. Sumumpa kami sa batas ng CALLEAI na hindi kami gagawa ng kung ano tungkol sa grupo. Ngunit bakit ganito? Isa nga ba sa amin ang impostor kaya laging nababaliktad ang aming mga plano? Sino sa amin iyon?   To be continue...  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD