Chapter 3

1357 Words
CHAPTER 3   Natalie’s POV   “Kamusta mission mo?” tanong ko kay Abys na iniinom ang kapeng tinimpla ko para sa kaniya. Kakarating n’ya lang kasi at wala pa s’yang tulog. “Matulog ka muna bago ka bumyahe pabalik sa CALLEAI.”   CALLEAI is like a resort. Akala ng ibang tao ay ordinaryong resort lamang iyon at kami ang mga empleyado but not, it’s our hide out. Hindi naman lahat ng empleyado roon ay mga agents.   “Mission accomplished s’yempre,” pagmamayabang nito. “By the way, congrats nga pala sa mission mo no’ng isang araw. Akala ko talaga ikaw si Taylor Swift.”   Hindi ko na lamang s’ya pinansin at kinuhaan s’ya ng unan at kumot sa kwarto ko. “Hindi ko pa nagagamit ‘yan, ‘wag ka ng mag-inarte.” Hinagis ko sa kaniya ang unan at kumot at kinuha ang tasang ginamit namin sa pagkakape at hinugasan. Pagkabalik ko sa sala ay mahimbing ng natutulog si Abys.   Kahit sa pagtulog ay napaka-amo n’ya pa ring tignan. Mukha s’yang anghel. He’s good at work lalo na kapag may mga mission kami na mabibigat. When I was starting at this job, he’s always there at my side to guide me. S’ya ang naging mentor ko hanggang sa maging ganap na elite agent ako. Mahirap sa simula pero kapag nakasanayan mo na, hindi ka na hihingi ng kahit anong tulong galing sa iba.   Bumalik ako sa wisyo nang mag-ring ang cellphone ko. It’s Isaiah.   “Hello?” bungad ko.   “Congrats, agent dream!” inilayo ko ng bahagya ang cellphone sa tenga ko sa biglaan n’yang pag-sigaw sa kabilang linya. “Saan mo kami itretreat ngayon?”   “Wala pa akong sweldo,” sabi ko rito at dinig ko ang mahina n’yang tawa. “At saka, day off ko ngayon. H’wag mo akong gambalain.”   Binabaan ko ito ng telepono at pumunta sa aking kwarto para kunin ang laptop ko. Umupo ako sa dining chair at ipinatong ang aking laptop sa ibabaw ng dining table. Nang mabuksan ang laptop ay iba’t-ibang files agad ang sumalubong sa akin. Hindi ko kasi dinedelete ‘yung ibang briefing file about sa mga magiging mission ko. Ang iba dito ay tapos na at itinatabi ko na lang. Naka-attach din kasi sa file na ‘yon ang mga planong ginawa ko sa bawat mission at nakalagay din doon kung ilang araw o oras ko iyon nagawa.   “Natalie, aalis na ako.” Napalingon ako sa direksyon ni Abys na kasalukuyang sinusuot ang kaniyang jacket.   Tumango ako rito at kumaway. “Ingat ka!” sigaw ko rito at pinagpatuloy ang ginagawa.   Ginagawan ko kasi ng report ang mission ko no’ng isang araw at ibibigay ko ito kay Captain bukas. Tapos na ang two days’ vacation ko. Nang matapos sa ginagawa ay pabagsak na humiga ako sa sofa kung saan natulog si Abys kanina. Naramdaman ko ang biglang pagkalam ng tiyan ko kaya pumunta ako sa kusina para maghanap ng ready to eat na pagkain ngunit nakalimutan ko palang mag-grocery.   Wala na akong choice kundi ang bumili sa malapit na convenience store na madalas kong puntahan. Ang kaso nga lang, parang may kakaiba sa mga staff ng convenience store na ‘yon. Kapag kasama nakita nila ako bigla-bigla na lang silang lumayo. Hindi ko alam kung bakit. Lagpas tanghali na kaya bibili na lang ako ng cup noodles dahil tinatamad akong mag-luto.   Nang makuha ang cup noodles na bibilhin ko ay agad ko iyong binayaran sa counter. “Ano pong meron?” tanong ko rito dahil bigla na lamang s’yang nag-iwas ng tingin sa akin.   “W-Wala po.” Nauutal na sabi nito at iniabot sa akin ang resibo pati na rin ang sukli ko.   Hindi ko na lamang s’ya pinansin at lumabas na. Bago pa ako tuluyang makaalis ay lumingon muli ako sa direksyon ng store at laking gulat ko nang bigla na lamang itong sumiklab at naging abo. Paanong nangyare iyon ng gano’n kabilis?   Hinihingal na minulat ko ang aking mata dahil sa panaginip na iyon. Agad akong tumakbo papuntang kusina para uminom ng tubig. Napatingin ako sa mga eco bag kung saan nakalagay ang mga pinamili ko kanina. Napahawak ako sa aking ulo dahil sa takot sa aking panaginip. Nananaginip na naman ako ng mga ganoong senaryo.   Napatingin ako sa cellphone ko na nakapatong sa lamesa at sinagot ang tawag. “Gabing-gabi na tumatawag ka pa. Anong kailangan mo?” tanong ko kay Isaiah na bigla-bigla na lamang tumawag. Pasalamat s’ya at gising ako.   “Nabalitaan mo na ba ‘yong nangyari sa convenience store malapit d’yan sa condo mo?” agad akong kinabahan dahil sa binalita n’yang iyon. It happens again. “Are you still there?”   “A-Anong nangyare?” nauutal, kinakabahan, iyan ang nararamdaman ko ngayon.   “Bigla na lang daw sumiklab ang apoy. Tumawag kasi sa akin ‘yong PITOV Station at kumukuha sila ng agent para tulungan silang mag-imbestiga. Since malapit ka lang d’yan, ikaw ang inatasan ni Captain kahit nakaleave ka pa.” paliwanag nito.   I hang-up the call at agad kinuha ang itim kong blazer at tumakbo palabas ng kwarto. Nangyari na naman ang iniiwasan kong mangyari. Nandito pa lamang ako sa ikatlong palapag ay kitang-kita ko na ang itim na usok galing sa store. Kagaya ng nasa panaginip ko.   “Anong nangyari?” seryosong tanong ko sa isang staff ng store na ngayon ay nasusunog.   “B-Bigla na lang pong nagkaroon ng sunog, hindi pa po alam kung saan nagsimula.” Tumango na lamang ako bilang pag-sang-ayon sa kaniyang sinabi.   Agad kong hinanap ang sinabing pulis ni Isaiah na s’yang makakatulong ko. Nang mahanap s’ya ay agad ko itong nilapit at nag-suot ng gloves.   “May ideya na ba kung saan nagmula ang sunog?” tanong ko rito habang pinagmamasdan ang ibang bumbero na pinapahupa pa ang natitirang apoy sa likurang banda ng store.   “Sinadya ito at hindi aksidente,” seryosong sabi nito na busy sa kaniyang ginagawa. “Nakita ang lighter at galon ng gas na ito hindi kalayuan sa store na ito.” iniabot nito sa aking ang dalawang picture kung saan nila nakita ang galon at lighter. Hindi nga iyon kalayuan sa store.   “Ibig mo bang sabihin ay hindi sinasadya ng salarin ang iwan ang mga bagay na ito rito? Imposibleng nataranta s’ya dahil hindi naman agad pumunta rito ang mga bumbero at pulis.” Iniisip ko ang possibleng dahilan at binabalikan ko rin ang aking panaginip para humanap ng sagot ngunit wala na akong maalala. “Posibleng… hindi n’ya sinasadyang iwan ang mga ebidensya ro’n at posibleng isa rin s’ya sa mga trabahador sa store na ‘to. Ibig sabihin ang salarin ay nandito mismo.”   Pinagmasdan ko ang paligid at naagaw ng atensyon ko ang lalaking nakausap ko. May dumi ang kaniyang damit at amoy gas din s’ya kanina nung nilapitan ko s’ya. Isa lang ang ibig sabihin nito. “S’ya ang salarin.” Patagong tinuro ko ang lalaki at nangunot naman ang noo ng kausap ko.   “Paano mo naman nasabi?” nagtatakang tanong nito. “Masama ang mag-bintang. Miss. Maganda ka pa naman.” Inirapan ko lamang s’ya at kinuha ang posas na nakasabit sa belt n’ya.   Nilapitan ko ang lalaki at inilagay ang posas sa kaniyang kamay. “You’re under arrest for the malicious mischief of DDG Store. You have the right to call an attorney. You have the right to remain silent. You can refuse to give your statement if you wish.”   “Anong ginagawa mo?” agad akong hinila paalis ng pulis na ‘to. “Pasensya na ha, aka—”   “H-Hindi ko sinasadya.” Mukha namang nagulat si… sinipat ko ang name tag n’ya. Givanno? “T-Tama s’ya, ako nga ang may pakana nito.”   Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Givanno at nag-kibit-balikat ako habang nakangisi. Hinayaan ko na lang s’ya dalhin ang lalaki sa station nila at bumalik na sa condo ko. Hindi ako normal, I have an ability. Lahat ng napapanaginipan ko nagkakatotoo. Iyon ang kinakatakutan ko. Bumuntong hininga ako at nahigang muli.   “That dream.”   To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD