-Stephen-
Hinanap ng mata ko si Serene pero nabigo ako. Nag-iilusyon ba ako? But that's imposible. I'm a vampire for pete's sake. My visions are, well, extraordinary. Sa huli ay sumuko na lang ako. She's dead. All of us knew that. On the other side, I'm having doubts as well. We all thought that my wife is dead but then she's alive. Paano kung ganoon din si Serene?
"Okay ka lang?" Napatingin ako sa napakaganda kong asawa, a worried expression is etched in her lovely face.
I squeezed her hands lightly. Nginitian ko rin siya.
"I'm okay. Come on, let's meet some guests." wika ko
I guided her to meet some elites. Kanina, sobrang gulat ang lahat nang ipakilala ko si May. Hindi ko naman sila masisi pero mas mainam na malaman na ng lahat na buhay siya, kaysa naman pilitin nila akong magpakasal kay Adela. Kaya nga naging welcome party na ito ni May, hindi na engangement party namin ni Adela.
We walked down the stairs to meet a swarm of vampire elites. It's about time for the queen mingle with the vampire society.
***
-May-
"Luigi Cavellini, this is my lovely wife, Candice May Grayson." hinalikan ng lalaking nakatuxedo ang kamay ko matapos akong ipakilala ni Stephen. He is really handsome and charming. The italian elite is delivilishly beautiful with his blonde locks and peircing green eyes.
"The stories are true, then. You are astoundingly beautiful, signorina May." wika niya
Hindi ko naman maiwasang mamula sa sinabi niya.
"Thank you." sabi ko
Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero parang nakita kong napasimangot si Stephen.
"Yes. I couldn't agree more, signore." Sabi ni Stephen. Hinapit niya ang bewang ko para dumikit ako sa kanya. I knew exactly what his gesture meant. Gumagana na naman ang pagiging possesive niya. I can't do anything about it, I'm definitely his.
*****
Ganoon lang ang ginawa namin ni Stephen. Pinapakilala niya ako sa mga prominenteng bampira na dumalo sa party. Lahat ng nakilala ko mga high profile. Most of them are aristocrats and very influencial in the Vampire Society, I'm just glad that everyone accepted me as their queen. I'm slightly overwhelmed to be honest. Masyado yatang mabigat ang pagiging reyna at wala ng atrasan to.
Malumanay na tumugtog ang musika. Nakaupo na kami ngayon ni Stephen habang pinagmamasdan ang mga nagsasayaw na bisita. The music's sweet tune dominated the whole room.
Bigla na lang tumayo si Stephen. Inialok niya ang kamay niya sa akin.
"Would you do me the honor of dancing with you, my queen?"
I smiled at his gesture. He surely know how to act like a gentleman.
"It would be my honor, my king."
Dinala niya ako sa gitna. Buti na lang pala at nakinig ako sa klase namin sa social dance. At least hindi naman ako nagmukhang tanga dito sa gitna.
"You look beautiful." I felt my face heat up with his compliment. Marami akong narinig na compliment kanina mula sa mga nakilala namin pero iba talaga pag sa kanya nanggaling. Hinapit niya pa ako palapit sa kanya. Sobrang lapit na talaga namin. Parang hindi na pagsasayaw ang ginagawa namin dahil magkadikit na ang mga katawan namin. Nakayakap na ako sa kanya ngayon at ganun rin siya.
"T-thank you." Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya. I can hear his heartbeat, it's the most beautiful sound.
Nabigla naman ako nang makita ko sa di kalayuan ang mga magulang ni Adela. They did not look happy. Lalo na ang tatay ni Adela na kitang-kita ang galit sa mga mata. Hindi ko na lang sila tiningnan pa. Parang matutunaw ako sa titig na pinupukol nila sa amin. I get it. Napahiya sila dahil sa pagdating ko.
"They're watching us." bulong ko. Nilayo ko ng kaonti ang katawan ko kay Stephen para makita ko ang mukha niya.
"Who?" takang tanong niya.
"Parents ni Adela." sagot ko
Mukhang hindi naman siya naapektuhan dahil hindi niya pa rin ako binitawan.
"Good. Let's give them a show." sabi niya
Hindi na ako nakapagtanong pa kung ano ang ibig sabihin niya dahil nilapat niya na ang labi niya sa labi ko. I gasped. He is kissing me in front of the most powerful vampires in the society. So ito pala ang ibig sabihin niya ng 'show'
His lips moved slowly. I finally closed my eyes. It felt ecstatic. It is slow, sweet and yet again, it did not fail to make my insides growl with pleassure. Hinawakan niya ang batok ko para mapalapit pa ako sa kanya. Sinagot ko naman ang halik niya at nanatiling nakapulupot sa leeg niya ang mga braso ko. Wala na akong pakiealam kung kung sino man ang nanunuod sa amin. I'm too drunk to notice.
Bumitaw na rin kami sa isa't-isa. Nanatiling nakadikit ang mga nuo namin. I can still feel his breath brushing against my face.
"I love your kisses." Bulong niya
"I love yours too." sagot ko sa kanya.
*******
Nang matapos na ang 'show' na yun, halos manliit naman ako sa tingin ng lahat. Yes. Lahat sila nakatingin sa amin ni Stephen. Pero naalala ko ang bilin ni Angeli. I should look regal. I should not be fazed by the stares I am receiving.
Natahimik ang lahat. Walang gustong magsalita. I guess napakabig deal nga ng nakita nila.
"I am Candice May Grayson. I know a lot of you have doubts as to why I am alive. Well, believe what you are seeing because your eyes are not deceiving you. I am alive and I came here to be with my husband." diretsong sabi ko.
Maya-maya pa ay may nagsalita ulit sa sulok. Napangiti naman ako nang makita ko ang mga kaibigan namin, sina Blake, Angeli, Carmela, Charles, Joannie at Andy.
"The queen has returned." sabi ni Blake.."and for her return, I would like to make a toast."
Itinaas niya ang goblet na hawak niya.
"For the queen." wika niya
Hindi ko inaasahan na lahat sila ay susunod rin kay Blake dahil tinaas din nila ang goblet na hawak nila.
"For the queen." sagot ng lahat.
********
Mabilis na natapos ang party. Sobrang tuwa ko na naging maayos naman ang lahat. Kilala na ako ng lahat at umpisa na ng responsibilidad ko.
Ihahatid na sana ako ni Stephen sa kwarto nang salubungin kami ng ama niya.
"Stephen, kailangan nating mag-usap. Bring your wife with you." Malamig na sabi ni Headmaster Grayson.
Sumunod kami sa kanya. Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Stephen. Di kaya nagalit ang mga magulang niya sa gulo na ginawa namin kanina?
Nakarating na rin kami sa kanilang library. Napakalaki ng lugar. The high ceilings are adorned with chandeliers. Thousands of books are neatly stacked in the sheleves. Nasa gitna naman nito ang isang napakalaking pabilog na wooden table. Nandoon na sina Angeli, Blake, Carmela, Charles, Andy at Joannie. Doon rin naghihintay ang nanay ni Stephen pati na rin si Adela kasama ang mga magulang niya at ang kapatid na si Coreen.
Umupo na rin kaming tatlo.
"Gusto kong pormal na magpaumanhin sa inyo Niko, para sa lahat ng nangyari ngayong gabi." ani ni Headmaster Vladimir
"Naiintindihan ko. Walang may kasalanan sa nangyaring ito at ipinaliwanag na rin naman ni Adela sa amin ang sitwasyon." sagot ng ama ni Adela
"Sir Dashkov, paumanhin at nadawit pa ang pamilya niyo sa gulong ito. Wag kayong mag-alala, sisiguraduhin kong hindi maapektuhan ang pangalan ninyo sa mga nangyari ngayong gabi." sabi ng asawa ko
"Wag mo ng isipin yun, mahal na hari. Sigurado naman akong makakahanap rin kami ng nababagay na asawa para sa aming, anak." nagsalita na rin sa wakas ang ina ni Adela.
"Ngayong natapos na ang lahat ng ito, aalis na kami ng asawa ko pabalik sa Russia. Marami pa kaming nakatambak na trabaho doon. My two daughters will still study here. Pasensya na at hindi na kami magtatagal dito." paalam ng ama ni Adela
Tumango lang sila at sinamahan papunta sa pinto sila Adela.
Naiwan naman kami dito pero pandalian lang yun dahil bumalik rin agad sila Stephen.
Umupo ulit sila. Hindi ko naman maiwasang matakot sa ekspresyon ni Headmaster Vladimir. Kahit na napatawad na kami ng magulang ni Adela, mukhang hindi pa kami okay sa kanya.
"Explain everything. Tell us what happened. Paano siya nabuhay?" It was not a request, it was a command.
Si Stephen na ang sumagot at pinaliwanag na niya ang lahat ng nangyari. Kung paano ako natagpuan pero hindi niya sinabi ang pagsisinungaling ni Raven. Mas mabuti na nga iyon dahil baka magmitsa pa iyon ng gulo. Ipinatawag niya rin dito ang mga kaibigan namin na alisto namang sumagot sa lahat ng tanong ni Headmaster.
Sa wakas ay nagliwanag na ang mukha ni Headmaster Vladimir habang ang asawa naman niya ay mangiyak-ngiyak na habang kinukwento ni Stephen ang nangyari.
"I'm glad you're back, May." sabi ni headmaster Vladimir.
"Sa wakas magkakaapo na rin kami!" Halos mabulunan naman ako kahit walang kinakain dahil sa sinabi ni Jocelyn, ang ina ni Stephen.
"You're gonna have your grandchild, Mom. That's for sure." sabi ni Stephen habang pilyong nakangiti.
"Aba'y dapat lang! Kita niyo tong si Andy at Joannie, magkakababy na. Naunahan pa kayo."
Ngumiti lang din si Andy at Joannie. Mukhang sanay na sila sa kakulitan ni Jocelyn.
"Carmela, Angeli, I'm also waiting for my grandchildren from the two of you. Hindi lang kuya niyo ang binabantayan ko. Pati kayo rin ah! I want more apo!"
Narinig ko naman ang bulong ni Blake kay Angeli dahialan para masapok siya nito.
"Sabi sayo sweetie eh, dapat gumawa na tayo ng baby." ani ni Blake.
Napuno lang ng tawanan at tuksuhan ang gabi namin. Masaya ako. Masayang-masaya ako na ayos na ang lahat sa pamilya ni Stephen.
Ang problema na lang ay ang akin.
****
-Serene-
Pagkatapos kong magpakita kay Stephen, agad akong bumalik sa Luminisce Terrain sa bahay ni Lucinda. Hindi ko maipaliwanag ang nakita ko kanina. Mahal nila ang isa't-isa. Nakita ko yun sa mga titig ni Stephen kay May at ganoon rin si May sa kanya. Totoong kinamumuhian ko ang mga bampira dahil sa ginawa nila pero hindi yata magiging makatarungan ito para sa anak ko. Patay na si Dimitri at hindi ko na dapat idamay pa ang ilan. Besides, naging kaibigan ko rin naman ang mga magulang ni Stephen. I know they are good. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit pilit na pinaglalayo ni Caleb ang dalawa.
Tumungo ako sa potion room ni Lucinda. Alam kong doon ko siya mahahanap dahil iyon ang paborito niyang lugar. Siya ang pinakamlapit kong kaibigan at nagpapasalamat ako sa pagligtas niya sa akin.
"Lucy." tawag ko sa kanya
"Serene! Anong nangyari?" tanong niya
Umupo ako sa tabi niya.
"Alam mo naman ang nangyari. Alam kong nanunuood ka." sabi ko
"Kilalang-kilala mo na talaga ako." sabi niya
Kilang-kilala ko na nga siya dahil alam kong pinanunuod niya ako noong pumunta ako sa party.
"Pwede mo bang ipakita sa akin ang naging buhay ng anak ko?"
"Oo naman."
Hinalo niya ang iba't-ibang potion sa tubig at doon lumabas si May. Ipinakita doon kung ano ang mga mahahalagang nangyari sa buhay ni May--ng pagkabata niya, pagdadalaga at pati ang kasal niya kay Stephen. Pinaliwanag rin naman sa akin ni Lucy ang lahat ng nakikita ko. Naawa rin ako sa anak ko, wala manlang siyang nakagisnang magulang. Pero sa kabila nito, alam kong walang kasalanan si Stephen sa nangyari sa amin. Ayoko ng gumulo ang lahat. Wala rin naman ako sa lugar kung sisihin ko siya gayong sobra na ang sakripisyo niya sa anak ko.
"Wala siyang naalala?" tanong ko
"Serene, ako ang nagcast ng disremembering spell." wika ni Lucinda
"Ano?! Bakit mo ginawa yun? Kasabwat mo ba si Caleb?! Bakit siya nagsisinungaling sa anak ko?"
"Kumalma ka, Serene." Kumalma naman ako at nanahimik.."Inutos yun ni Caleb sa akin para protektahan si May. Nakausap ko rin kailan lang ang kapatid mong si Delphi. May nakita na naman siyang pangitain. Something bad will happen at hindi lang dito sa immortal world ang maapektuhan, pati na rin ang mga mortal. Kaya ko rin sinunod si Caleb dahil gusto kong malaman ang tinatago niya. Tingin ko may kinalaman siya sa masamang mangyayari na tinutukoy sa pangitain ni Delphi."
"Anong pangitain? May kinalaman ba ang anak ko dito?" tanong ko
"Hindi lang siya, Serene. Lahat tayo mapapahamak. Nakasagap pa ako ng balita mula sa mundo ng mga mortal na sigurado akong may kinalaman dito."
Iniba niya ang imahe sa tubig. Nabigla ako sa nakita ko. Mga patay na mortal. Napakaputla nila, dilat pero walang kulay ang mga mata dahil puti na lang ito.
Hindi pwede to. Isa lang ang nilalang na ganito ang pamamaraan ng pagpatay.
"Hinigop ang mga kaluluwa nila, Serene. Alam mo naman siguro kung ano ang ibig sabihin nito."
"Demon."
****