Chapter 18

1848 Words
-May- Mabilis na nagdaan ang isang linggo. Bumalik na rin sa normal ang lahat matapos ang party. Napapadalas na rin ang pagliban ni Stephen sa klase kaya hindi na kami masyadong nagkikita. Hindi na rin ako nagulat dahil siya naman ang hari. He has his duties. Nakakamiss nga lang. "Good evening, class," bati ng matipunong lalaking kakapasok lang ng Training Center. Ang gwapo ni Sir. Itim na itim ang buhok at mata niya. Chinito rin siya at tama lang ang build ng katawan. Ngayon lang ako nakaattend sa special ability class ko dahil nga sa mga nangyari this past few days. Ngayong linggo lang din bumalik sa normal ang schedule ng classes ko, maliban na nga lang sa extra classes ko sa manners and etiquette na kakailanganin ko raw kapag official na nakoronahan na ako. I hate that class but I have no choice. "Good evening, sir," bati naming lahat sa kanya. Nanatili lang rin kaming nakatayo dahil wala namang upuan dito. Huli ko ngang punta dito ay noong Combat Skill class kay Mr. Blade kung saan nalusutan ko naman kahit parang bulag akong lumalaban. Well, fight like a werewolf daw eh. Ngayon alam ko na kung bakit empty space lang ang training hall maliban sa elevated platform sa gitna na pinalilibutan ng glass. The training hall is intended for battle so it is designed this way. Pero napansin ko ang matayog na pole sa gitna. Sa ibabaw nito ang isang pulang flag. Wala naman 'yan noong huling punta ko dito, siguro may kinalaman 'yan sa class na ito. "Medyo iba ang activity natin ngayon. Hindi lang special ability ang gagamitin ninyo," sabi ni Sir Tim. Namutla naman ako sa narinig ko. Hindi ko pa naggamit ang special ability ko mula nung nawalan ako ng alaala. Ang mas malala, wala akong ni isang kaibigan dito dahil may inasikaso sila Angeli, Carmela, Blake at Andy sa labas ng school. Sa dinadami-daming araw na pwede silang mag-absent, ngayon pa talaga at sabay-sabay pa. Alam ko naman kung ano ang special ability ko dahil nabanggit na nila sa akin yun. Pero paano ko yun mapapalabas? How do I use it? Sabi nila, nagkakatotoo daw ang iniisip ko. Ang labo naman 'nun. "I will pair you up. Dalawang pairs ang tutungtong sa platform. Ang unang pair ang kukuha ng flag sa itaas. Sila ang magiging attackers. They can use their special ability to get the flag. Ang kabilang team naman ang defenders. Sila ang magbabantay sa flag para hindi makuha ng attackers. Same as the attackers, they can also use their special ability to protect the flag. Ang game ay tatagal ng sixty seconds. Pagmakuha ng attackers ang flag within sixty seconds, sila ang panalo pero kapag hindi ito nakuha, panalo ang defenders," paliwanag ni Sir. Hindi naman ako mapakali dito. Wala ring kumakausap sa akin ngayon. Nag-iba ang pakikitungo sa akin ng mga kaklase ko. Ewan. Hindi pa naman ako komportable na parang takot o naiilang sila sa akin. Simula ng malaman nila na ako 'yung reyna, hindi na sila komportableng makipag-usap sa akin. Kaya nga hindi ako mapakali dito. Nagtawag na si Sir ng pangalan ng magpartner. Sana naman 'yung partner ko hindi maihi sa akin. "Candice May and Coreen." Doon lang bumalik ang atensyon ko kay Sir. Seriously? Sa dinami-dami ng pwedeng partner si Coreen Dashkov pa talaga. Sino ba naman ang makakalimot sa napakagandang first impression ko sa kanya? Hindi ko naman pinangarap na makapartner ang babaeng muntik ng magpahalik sa akin sa sahig. Matagal ko na rin siyang hindi nakakausap dahil na rin sa iniiwasan niya rin ako at ganoon din ako sa kanya. We're not exactly the best of friends but I can handel her. Lumapit siya sa pwesto ko. She scowled and by the looks of her, she doesn't really want to be here. I wonder kung magkapatid nga talaga sila ni Adela? Magkaiba ang mga ugali nila eh. Pero nagulat na lang ako nang magsalita siya. "I'm sorry," sabi niya. Nabingi ba ako? Nagsosorry siya sa akin? "Ha?" "Look, I'm sorry for what I've done. This time, I am sincere. I've been such a b***h," sabi niya. Nakita ko naman na namumula siya habang nagsosorry. Napangiti na lang din ako dahil alam kong sincere naman talaga siya. Kung hindi siya sincere, hindi siya mahihiya ng ganito. "Apology accepted," nakangiting sabi ko. Kita ko ang pagkalma ng ekspresyon niya. "Good. Now, let's kick their butts," ani niya. Napatawa na lang ako at tumango. ********* Mabilis na natapos ng mga classmate namin ang activity. Sa bagay, 60 seconds lang naman ang time at 20 plus lang naman kami kaya hindi rin nagtagal. Hindi ko rin maiwasang mamangha sa mga special ability nila. Mayroong sobrang bilis, may elastic at mayron pang teleporters. Seryoso talaga ang activity na ito dahil marami ng sugatan kanina sa mga nauna. Hindi naman kasi basta basta ang kapangyarihan ng bawat isa at hula ko, kung lalampas ang oras sa isang minuto, siguradong magkakapatayan ang mga estudyante. Mas lalo tuloy akong kinabahan. Sana lang mapalabas ko ang kapangyarihan ko. Ngayon naman ay sina Geoffry, Chim, Shin at Connie na ang nasa platform. "Coreen, paano ba napapalabas ang special ability?" tanong ko. Hindi na ako nanunuod sa mga nag-aactivity sa platform at nakipag-usap na lang ako kay Coreen. "Natural na kasing lumalabas 'yun. Para bang may kakaibang enerhiya na lumalabas sa'yo pagginagamit mo. Ewan. Mahirap iexplain. Teka nga, bakit mo tinatanong 'yan? Di ba ikaw ang pinakamalakas dito?" takang tanong niya "I don't remember anything," sagot ko "Ay oo nga pala. Nabanggit sa akin 'yan ni ate. Wag kang mag-alala. Pag hindi mo napalabas ngayon, ako na lang ang bahala sa atin." "Salamat." Hindi na natuloy ang pagkukwentuhan namin dahil sa tinawag na kami ni Sir. "May and Coreen," tawag niya. Umakyat na kami sa platform. Sino kaya ang makakalaban namin? "Zed and Dez." Umakyat ang isang lalaki at babae. Nakangiti ang lalaki habang wala namang mababakas na emosyon sa mukha  ng babae. I'm pretty sure they are identical twins. They are the exact copy of each other. Mas matangkad nga lang si Zed ng kaonti kay Dez. "Sila Coreen at May ang defenders. Kayo naman Zed at Dez ang attackers." Pumwesto na kami ni Coreen sa may pole. Mukhang ako lang yata ang kinakabahn dito dahil kalmang-kalma lang silang tatlo. "Timer starts now." Pinokus ko ang atensyon ko sa kambal. Isa, dalawa, tatlong segundo, nagulat na lang ako nang mawala na sa paningin ko si Zed. Napatingala ako at nakita kong kukunin na sana niya ang flag sa ibabaw ng pole pero pinigilan siya ni Coreen. Hindi ko alam kung paano nila nagawa pero nanatili silang nakalutang doon sa itaas habang nagpapalitan ng suntok at tadyak. Wala namng ginagawa si Dez pero malamig pa rin ang tingin niya sa akin. Sa isang iglap, napahawak ako sa braso ko dahil may naramdaman akong mahapdi banda roon. Nahiwa ang sleeves ng uniform ko at may dugo rin dahil sa sugat. Mabilis na bumalik sa kamay ni Dez ang ang barahang sumugat sa akin. Ni hindi ko nga nakita na hinagis niya pala 'yun papunta sa akin. Sobrang talim ng baraha niya, mas matalim pa yata sa kutsilyo. Aatake na sana siya sa harap ko nang harangan siya ni Coreen. Teka. Paano napunta dito si Coreen kung nandoon siya sa itaas? Akala ko pinaglalaruan ako ng paningin ko pero hindi. Sampung Coreen ang nasa platform ngayon. Lima ang pumipigil kay Dez habang lima rin ang nakikipaglaban kay Zed. Ito ba ang special ability niya? Malamang oo. She can create replicas of herself each with the same strength, agility and power. That's impressive. Mistulang isa ako sa mga audience dahil nanunuod lang ako dito sa gitna at walang ginagawa. 30 segundo at unti-unti na ring nauubos ang mga Coreen na nakikipaglaban. Sa tuwing matatalo ni Dez at Zed ang replica ni Coreen, naglalaho na lang sila at hindi na rin naibabalik. Nawala na ang pinakahuling replica ni Coreen. Siya na lang din ngayon ang nakikipaglaban kay Zed at Dez. Alam kong hindi kakayanin ni Coreen ang dalawa kaya nataranta na ako. Paano na si Coreen? Tutunganga na lang ba ako dito? Lumapit ako sa kanila at sinuntok ko si Dez. Dahil dito, nabaling ang atensyon niya sa akin. Akala ko, lalabanan niya ako ng mano-mano pero hindi 'yun ang nangyari. Ginamit niya sa akin ang mga baraha niya kaya wala akong naging laban at napuno ng sugat ang buong katawan ko dahil sa mga hiwa. Napaluhod ako sa sobrang sakit at hapdi ng mga sugat ko. Nakikipaglaban pa rin si Coreen kay Zed at mukhang hindi niya napansin si Dez. Nakita ni Dez na pagkakataon na iyon para kunin ang flag. Tumalon siya papunta sa tuktok ng pole. Hindi pwede 'to. Ang sunod na nangyari ang hindi ko mapaniwalaan. Hindi manlang nahawakan ni Dez ang flag dahil sa bigla niyang pagtalsik paibaba. Napatingin ako sa mga kamay ko. Did I just do that? Nawala ang mga sugat ko. Nawala ang sakit at hapdi ngunit kasabay ng pagkawala ng mga hiwa at galos ko sa katawan, ay ang pagbabalik ng ala-ala ko. "Time's up. The defenders won." Tears rolled down my cheeks. I remember everything. ******* Matapos kong masiguradong nagpapagaling na si Coreen, dumiretso agad ako sa dorm ko para magbihis. Masaya akong naaalala ko na ang lahat. Lahat ng ala-ala ko ay bumalik matapos kong gamitin ang special ability ko. It feels weird but I'm good with it. Sa mga naalala ko, alam ko ng nagsisinungaling talaga si Dad sa akin. Malalaman ko rin naman kung bakit siya nagsisinungaling. I know there's a reason behind all of this. Higit sa lahat, masaya ako na naalala ko na si Stephen. Nagpahatid ako sa palasyo. Mabuti na lang at mayroong pinadalang chueffer si Tita Jocelyn na maghahatid sundo sa akin sa palasyo tuwing kakailanganin ko. Naging mabilis lang naman ang biyahe  dahil malapit lang ang palasyo sa eskwelahan. Pagkababa ay dumiretso agad ako papasok ng palasyo. Gusto kong puntahan si Stephen. Ang paalam niya, dito raw siya ngayon dahil sa mga trabaho niya. Pinapasok naman agad ako ng mga gwardiya. Nang may makasalubong akong tagasilbi, tinanong ko ito kung nasaan si Stephen. "Nasa library po siya mahal na reyna," sagot nito. Nagpasalamat ako sa kanya ay dumiretso na sa library. Pagbukas ko ng pinto hindi ko akalain na siya ang bubungad sa akin rito. Nagtama ang aming mga mata. Medyo mapula pa ang gilid ng mga mata niya dahil siguro sa kakaiyak. Nang makita niya ako, mas lalo pa siyang napahikbi. Pumunta siya sa kinaroroonan ko at saka ako niyakap. Niyakap ko rin siya at hinagod ang kanyang likod. "Amanda." ************ -Amanda- Hindi ko alam ang mararamdaman ko sa oras na malaman ko na ang lahat ng pinagpapantasyahan namin noon ng mga kaibigan ko ay totoo. Totoo ang halimaw, bampira pati na rin ang mga demonyo. Akala ko walang kakaiba sa mundo pero nang makita ko kung paano binawian ng buhay ang kaklase ko sa kamay ng pinakanakakatakot na nilalang na nasilayan ko, alam kong magbabago ang lahat. *****
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD