-May-
"S--sigurado ka ba?" Hindi ko maitago ang kaba ko sa sinabi ni Stephen. Did he just told me that I'm his wife? O baka nagkamali lang ako ng dinig?
Ngumiti lang siya sa akin. His eyes never left mine. There's no sign that he is kidding about this.
"Yes. You're my wife, May." sagot niya. He said those words with certainty. Habang ako naman ay hindi pa rin naiintindihan ang mga nagyayaring ito.
"Pero paano.. Naguguluhan ako. Bakit ngayon mo lang sinabi?" tanong ko
"Dahil hinihintay ko na ikaw mismo ang makaalala. I don't really want to complicate things especially with that werewolf. "
"Werewolf?"
"Si Raven. Nasa puder ka niya, May. That means that I don't have the right to claim you. Its an immortal thing. You have to come to me willingly. And besides, gusto kong malaman ang motibo ni Raven. Kung bakit tinago ka niya sa akin. At ngayon alam ko na kung bakit niya ginawa yun." paliwanag niya
"Bakit niya ako tinago?"
"Simple. That as*hole is inlove with you." sagot niya. Napansin ko rin na nag-iba ang mood niya dahil dun.
"Mali ka. Kaibigan lang ang turing niya sa akin." tanggi ko naman. Imposible yun dahil si Raven mismo ang nagsabi sa akin dati na hindi siya marunong magmahal. Pwede rin naman siyang matuto pero imposible talaga na ako yun.
"Trust me, wifey. I know exactly what I'm saying." sabi niya
Ano ba yang wifey na yan? Err. Iba ang pakiramdam ko pagtinatawag niya ako ng ganyan. Pero hindi ko na lang pinansin yun.
"Whatever. Hindi pa rin ako naniniwala."
"Ok, fine. I can't blame him though. It's not that hard to fall for you."
Napayuko ako dahil ayokong makita niya na namumula ako. Based from what I've heard, he really loves his wife and it turns out that I am his wife. Maswerte ako na siya ang asawa ko. Alam ko yun. Pero komplikado na kasi ang sitwasyon namin kaya nahihirapan ako. Paano ko masusuklian yang pagmamahal niya kung wala akong naalala maliban sa katiting na yun?
"Are you trying to make me blush?" I blurted.
"Yeah. Looks like it works." sabi niya "And I have a plan."
"Ano na naman?" tanong ko
"Let's go on a date." kalmadong sabi niya. Kabaliktaran naman nun ang naging reaksyon ko dahil medyo napanganga ako sa sinabi niya. As far as I know, asawa ko naman siya at may karapatan siyang yayain akong magdate. Pero hindi ko naman inaasahan na ngayon agad. Di naman siya excited no?
"Uhm. Saan ba tayo pupunta?" alangang tanong ko sa kanya.
"It's a secret."
"How will I know na hindi mo ako papatayin pagsumama ako sayo?" tanong ko. Ewan ko rin kung bakit naisip ko yun. Mas mabuti na ang sigurado.
Hindi ko naman inaasahan na tatawa siya. Ano ba ang nakakatawa dun?
"As far as I know, I love my wife so much that I was almost out of my sanity when I thought that's she's dead. Tingin mo papatayin kita gayong halos mabaliw na nga ako nung nawala ka sa akin?"
Napatigil ako sa sinabi niya. Ganun niya ba talaga ako kamahal?
"Fine. Masama bang magtanong? At for your information, halos hindi pa magregister sa isip ko na asawa kita."
"I understand. Kaya nga niyaya kita ngayon. Para makilala mo ako ulit."
Tatanggi pa ba ako?
"Okay. Let's go." sagot ko
*****
We completely ditched our class but we didn't even care. Hindi ko maiwasang mapansin ang pagbabago kay Stephen. Dati nung hindi ko pa alam ang lahat, ibang-iba siya. He was quite intimidating and serious. Maliban na lang syempre noong mga panahong napansin kong nag-aalala siya at pinagtatanggol niya ako. Maybe I was wrong to think that he didn't care about me. Ngayon, nakikita ko na ang maaliwalas na ngiti niya. Kahit kanina ko lang sinabi sa kanya ang mga naalala ko, para bang may mabigat na tinik na nabunot sa kanya.
Nasa loob ako ng sasakyan niya. Hindi ko pa rin alam kung saan niya ako dadalhin.
"Saan ba talaga tayo pupunta?"
"Secret."
"Fine. Mukhang di mo naman sasabihin."
"Just relax. I told you, I'm not gonna kill you."
I rolled my eyes and he just chuckled. Bakit ang kulit ng hari?
"Fine." sabi ko "Uhm. Ano nga pala yung kay..uhm. ano..kay Adela...yung fiancèe mo."
Naisip ko rin si Adela. Pakiramdam ko kasi niloloko namin siya.
"Si Adela?"
"Yup. Adela Dahskov, your fianceè. Papakasalan mo siya di ba? Ibig sabihin ba nun maghihiwalay tayo? I mean if that's what you want wala naman--"
"May, Adela is only a friend mine. Naging fianceè ko siya dahil pinagkasundo kami. I need to marry and have an heir. Pinagkasundo kami dahil akala namin wala ka na."
"Mahal mo ba si Adela?" bigla ko na lang naitanong. Sumisikip ang dibdib ko habang hinihintay ang sagot niya. Ano naman sa akin kung mahal niya si Adela di ba?
"No. I don't love her." Sa wakas ay nakasagot din siya.
Hindi ko alam na pinipigilan ko na pala ang paghinga ko. Nakahinga lang ako ng maluwag nang sumagot na siya.
"You sound like a jealous a wife." sabi niya sabay halakhak.
I was beet red. It seem like the king is finding pleassure in teasing me.
"What!? No!! Hindi ako nagseselos no!" tanggi ko naman.
"Namumula ka na nga eh." tukso niya
"Wag mo nga akong tingnan! Sa daan ka magfocus! Baka mabangga tayo!" sigaw ko sa kanya. Sinunod naman niya ako at ibinalik na sa daan ang tingin niya.
"My wife is jealous and I like it." he said while pulling off his infamous smirk. Is it just me? Or that just sound so hot? Gaaah. Kailan pa ako naging fangirl ni Stephen?
Tinigil niya rin naman ang pangungulit sa akin sa wakas. Tahimik kami sa sasakyan pero hindi yung awkward. I felt comfortable with him.
****
Itinigil niya ang sasakyan sa tabi ng daan. Walang bahay o anuman. We're in the middle of nowhere. Mayroong malalagong puno sa kaliwa, sa tabi ng daan. Hindi ko alam kung ano yun pero parang gubat.
Sumunod ako kay Stephen. Lumiko siya at pumasok kami sa kaliwang bahagi ng daan kung saan may mga puno. Tama nga ako dahil pagpasok namin dun, wala akong ibang nakita kundi puno. Gubat nga ito. Wala akong nakitang kakaiba. Pare-pareho pa ang itsura ng mga kahoy at napakadilim rin. Sumunod lang ako kay Stephen. Napatigil siya sa paglalakad kaya napatigil rin ako.
"Look." bulong niya
Sinundan ko ang tingin niya. It was the most magical thing I have ever seen. Isa itong malaking puno pero kakaiba ito dahil sa bawat dahon nito ay may natutulog na mga faeries. Sobrang laki rin ng puno kumpara doon sa mga nadaanan namin kanina. Kahit natutulog ang mga faeries, nakikita ko pa rin ang kulay dilaw na ningning nila sa kanilang pakpak at buong katawan. Halos tatlong pulgada lang ang laki nila at komportable silang natutulog sa mga dahon. The tree glimmered. And magical dust are falling from the sleeping faeries. Ang gandang tingnan. Ang payapa at tahimik.
"Wow." I muttered.
Ikinagulat ko na lang ng biglang maggising ang mga faeries at nagliparan sila. Nataranta ako pero hinawakan lang ni Stephen ang kamay ko.
"Naggising yata natin sila." bulong ko
"No. They normally wake up during this time."
Lumipad patungo sa amin ni Stephen ang mga faeries. Pinalibutan nila kami hanggang sa magkadikit na kami dahil naramdaman ko ang marahang pagtulak sa akin ng daang malililiit na faeries. Para silang lubid na pinagdidikit kami ni Stephen.
Naramdaman ko rin ang pagtaas ng kamay ko, gawa pa rin ng mga faeries. Nakapulupot na ito ngayon sa leeg ni Stephen habang ang kamay naman ng hari ay nasa bewang ko.
"Stephen."
"The faeries wants us to dance. " sabi niya
The sweet music from a flute lingered our ears. It was absolutely beautiful. Every note seem to float in mid air, its calm and sweet. Its perfect. Mukhang nagiging matchmaker yata namin ang mga faeries.
Sumunod lang ako sa galaw ni Stephen. I leaned my head in his chest. I cherished the moment. I'm not gonna ruin this. I wouldn't mind falling in love for this guy.
Ilang minuto pa kaming nagsayaw hanggang sa natigil na ang musika. He both looked at each other, our faces inches apart that I almost feel his breath. One move, and our lips will meet.
"I really want to kiss you right now." He said. His sexy husky voice is the only thing I hear. Ang boses niya ang nangingibaw sa tahimik na gubat na kinakatayuan namin ngayon. D*mn. He's really a fine male specimen. My hands are on his neck while his are on my waist. We held each other, not wanting to break the contact.
"I don't really mind." bulong ko. I closed the gap between us. He was shocked at first but he soon responded. I felt his lips twitched into a slight smile until his lips moved with the rhythm of our kiss. Its that weird sensation again. I felt it again. Para bang sumabog ng rainbows at glitters. That feeling when our lips touched is magical and I want this. The kiss is shallow and sweet but it still made my knees tremble. Kung hindi lang sinosopartahan ni Stephen ang likod ko, malamang matutumba ako.
Hindi ko maamin sa sarili ko na mahal ko siya but it seems like I really do. It's just hard to realize my feelings because I only remember a thing or two.
We break the kiss. He leaned and our foreheads touched. Nakatitig lang kami sa mata ng isa't isa.
"That was my first kiss." sabi ko
"No that was not your first. I kissed you a thousand times before and I plan to kiss you a thousand more." he said and planted a kiss on my forehead.
*****
Hindi namin pinag-usapan ang nangyari kanina. Seriously? Ano ba talaga ang sumapi sa akin at hinalikan ko siya? Nadala lang siguro ako dahil napakaromantic ng lugar. However, I did not regret the kiss at all. Magsisinungaling naman ako pagsinabi kong hindi ko nagustuhan ang nangyari kanina. Gosh. Ang harot ko. Sorry na!
Naglalakad pa rin kami dito sa loob ng gubat. Mukhang malaki yata ang lugar na to. Saan na naman kaya kami pupunta?
Hawak niya ang kamay ko habang naglalakad. Aaminin ko na napakaawkward talaga nito. Pero hindi ko pinangahas na ibring up yung 'kiss' namin cause that would make it more awkward.
"We're here."
Napatingin ako sa paligid ko. Kung kanina nasa gubat kami, ngayon naman ay nandito na kami sa dagat. Sa pinakadulo pala ng gubat matatagpuan ang dagat. Thankfully, may clear vision enabled me to clearly see the place. Puti at pino ang buhangin, marahang humampas ang alon sa dalampasigan at malamyos na dumadampi sa aking balat ang hangin.
He entangled our finger and we started to walk by the beach. Alam mo yung feeling na naapreciate mo yung ginagawa niya kahit ang simple lang ng bagay na ginawa niya? Sometimes, the simplest things are the sweetest. Gaya na lang nitong paglalakad namin. Wala namang engrande dito. There's no one here, there's nothing fancy about the place. But when you are with that someone who makes you feel special, everything will be complete regardless of the place.
Kaya nga siguro nung una pa lang, iba na ang pakiramdam ko kay Stephen. My mind might say that he is nothing but a stranger but I knew deep inside that he is so much more than a mare stranger.
Napagdesisyunan naming umupo muna at tumigil muna sa paglalakad.
Malayo ang tingin ni Stephen. His eyes are focused on the horizon.
"Pwede mo bang ikwento ang nangyari sa akin?" tanong ko
Doon lang siya napatingin sa akin pero tumango lang siya at nagsimula ng magkwento.
Kinuwento niya sa akin ang nangyari. Mula nung ikinasal kami hanggang sa doon sa pagkamatay ko raw. Hindi ko namang mapigilang maluha sa sinabi niya. Ramdam ko ang bigat ng mga salitang binibitawan niya. Parang hindi ako makapaniwala na ganoon ang nangyari sa amin. It was tragic.
"I'm not exaggeretaing when I told you that I was almost out of my sanity when I thought your dead. Hindi ko nga alam kung ano ang gagawin sa mga panahong yun. I wanted to kill myself also but I didn't. Dahil alam ko na pagginawa ko yun, hindi mo magugustahan. So I redeemed myself."
"Stephen."
"Hindi ko alam kung ano pa ang darating sa atin. Minsan gusto ko na ring sumuko. But I wont give up. You're worth everything and I could not just give up."
"Thank you. Darating din ang araw na maaalala ko rin ang lahat. I hope everything will be alright."
Ngumiti siya sa akin at pinasandal niya ang ulo ko sa balikat niya.
"Everything will be alright. I promise." sabi niya.
I hope so.
******
-Third Person-
"Palpak ba ang binigay mo sa akin? This is getting dangerous. Nakakaalala na si May. Kailangan ko na siyang ilayo." singhal ni Caleb sa babae.
"Calm down. Hindi palpak ang binigay kong potion sayo at nasa ilalim pa rin siya ng spell ko. Nagawa niyang makaalala dahil malakas ang kapangyarihan ng anak mo. "
"Fine. But make sure that this will not happen again. My daughter will not be safe here, especially when she's with that vampire."
"Ilalayo mo siya?"
"Oo."
"Sigurado ka bang magagawa mo?"
"Oo. Sisiguraduhin ko na hindi kami masusundan ng asawa niya."
"Whatever you say, Caleb."
*****