-Raven-
"Good evening, class."
With her radiant smile, she greeted everyone in the room. Everyone responded and so did I. Nasa art class ako ngayon, isa sa mga general classes kung saan nakakasama namin ang ibang imortal. Kanina pa hinahahanap ng mata ko si May ngunit mukhang wala pa siya.
Ang huling pag-uusap namin ni Caleb ang gumising sa akin sa katotohanang hindi mananatili si May at wala akong karapatang pigilan iyon. Sometimes I just wish that I haven't met her so that things wouldn't be this complicated.
"I'm Ms. Silvia and I am your art teacher and for our first activity, please grab your sketchpads and pencils."
Kinuha ko ang sketchpad at lapis ko. I tapped the pencil. Its a habit of mine when I was waiting for someone or if I'm just doing nothing.
"Face your seatmates and sketch him or her. Kayo na ang mag-usap kung sino ang magsesketch at kung sino ang magmomodel. Okay?"
"Yes, Miss."
Humarap ako sa katabi ko. What a surprise. Hindi ko akalain na siya pala ang magiging partner ko because I didn't pay much attention to my seatmate.
"Raven." she greeted me with a slight smile plastered on her face.
"Adela." I answered not breaking the contact.
Adela Dashkov. Cruel faith? Or just a f*cked up coincidence?
"Ako na ang masesketch." presinta ko. Alam ko naman na hindi siya marunong nito. I've known this girl for as long as I remember and art class is not her thing.
"Yeah. That would be good." sabi niya
Hindi na kami nag-usap pa at sinimulan ko na ang pagguhit sa kanya. Kahit wala si Adela sa harap ko, alam kong maiguguhit ko siya. Heck. I can even draw her with my eyes closed. I know every curve and feature that belongs to her lovely face.
"Kumusta ka, Raven?" napatingin ako sa kanya.
"I'm good." sagot ko
"Mabuti naman pala kung ganun."
Natahimik ulit kami. Kahit ako, hindi ko alam kung paano ko siya kakausapin. Sampung taon lang naman kaming hindi nagkita. I don't know if she is that same Adela I used to know. But if your thinking that we are some sort of ex lovers, well your wrong.
Adela Dashkov was my bestfriend. Hindi naman komplikado ang istorya namin. She's my childhood friend. I practically grew up with her. Pero umalis rin sila patungong Russia at mula noon ay hindi ko na siya nakita.
"Ikakasal ka na pala." sabi ko
Narinig ko ang tungkol sa engagement nila ni Stephen. Alam kong napaka unfair ng engagement kay Adela dahil mahal ni Stephen si May at hindi magbabago yun. Magiging kawawa lang si Adela.
"Yes." I sensed a hint of sadness in her voice. Alam kong may mali agad sa kanya. Alam kong nasasaktan siya.
"You shouldn't marry the King." I said bluntly
"At bakit hindi?"
"Dahil masasaktan ka lang." sagot ko sa kanya.
"Alam ko naman ang ginagawa ko." kalmadong sabi niya
Sana nga alam mo ang ginagawa mo, Adela, dahil ako, hindi ko na alam kung ano ba tong ginagawa ko.
Nagpatuloy na lang ako sa pagguhit sa kanya. Nilalagyan ko na ng detalye ang sketch nang pumasok sila May at Stephen.
Bumukas ang pintuan. I tightened my grip to the pencil I am holding. I stared at both of them. Nakikita ko ang pamumula ni May at ang nakangiting si Stephen. Bumaba ang tingin ko sa magkahawak na kamay nila. Realization struck me and I knew that they are back together.
I don't have the right to be angry. I don't have the right to be jealous. I just hate the fact that I met her later than the king. I just hate the fact that I realized that I love her while she is slowly slipping away from me.
And I f*****g hate myself for letting myself fall for Candice May.
*****
-May-
Nasa kalagitnaan na kami ng klase nang makabalik kami ni Stephen. Masaya lang ako na iniintindi ni Stephen ang kalagayan ko. He waited for me. Naapreciate ko ang lahat ng ginawa niya at ipinangako ko sa sarili ko na magiging mabuti rin akong asawa.
Mabilis na natapos ang art class. Nauna kami ni Stephen at dumiretso na kami sa dining hall. Alam kong kumakati na ang dila nila Blake, Andy, Joannie, Adela, Carmela, Angeli at Charles na tanungin kami ni Stephen. Nakita ko lang naman ang malademonyong ngiti nila kanina pagpasok namin sa art class lalo noong nakita nila ang magkahawak naming kamay. Kaya bago pa man nila kami maggisa ay hinala agad ako ni Stephen patungong dining hall.
Umupo kami sa dati naming pwesto. Wala pa ang mga kaibigan namin pero alam rin naman namin na darating na sila.
"Be ready. They're gonna bombard us with annoying questions." babala ni Stephen
"Sino ba ang pinakatsismosa sa kanila?" tanong ko
"Si Blake." sagot ni Stephen.
Halos lumuwa naman ang mata ko sa sinabi niya. Malaki yata ang galit ng asawa ko kay Blake. Hindi ko napigilan ang sarili ko at napatawa na lang ako. Napatawa rin siya kaya parang baliw rin kami dito na tumatawa.
Napatigil lang kami ng may umubo sa likod namin. Sinalubong namin ang nakakalokong ngiti ng mga kaibigan namin. Gosh.
Umupo sila sa pwesto nila.
"Spill, May. Ano itong holding hands ninyo?" halata sa tinig ni Angeli ang excitement. Di naman sila atat na malaman no?
"Well, umh. We're---"
"She's with me now, so hold your tongues." kalmadong sabi ni Stephen.
"Dali na kasi. Ikwento niyo na! Gaaah! Huhu. Nakakainis kayo!" bigla na lang naiyak si Joannie. Hala. Bakiy umiyak to? Ang sensistive niya ah.
Inalo naman siya ni Andy. He gently tap her back. Pero maya maya rin ay huminahon rin si Joannie.
"Ano ba yan. Ang bilis kong maiyak, ganito yata pagbuntis eh." sabi ni Joannie
Nanlaki ang mata ko. Nakita kong nagulat rin si Stephen pero kalma lang ang mga kasama namin. Mukhang alam na nila ito. Teka. Buntis?
Buntis si Joannie?
"Buntis ka!!!!!?" halos pasigaw na tanong ko. Hindi niyo ako masisi no! Nagulat talaga ako. Sa bagay, mag-asawa na rin naman sila.
Tumango tango lang si Joannie at ngumiti lang din si Andy. Batay sa reaksyon nila, alam ko na agad na totoo nga.
"We're having a baby." Nagsalita na rin sa wakas si Andy.
Natahimik kaming lahat. Nireregister ko pa sa utak ko ang sinabi ni Andy.
"Congratulations!" masiglang bati ko
Ngumiti lang silang dalawa. Hinaplos ni Joannie ang tiyan niya.
"Congratulations." bati rin ni Stephen
"Gawa na rin tayo, Sweetie. Naiinggit ako sa kanila." nakapout na sabi ni Blake.
"Sapak, you want?" sagot ni Angeli at inirapan si Blake
"Hindi pa kayo kasal ng kapatid ko, Blake. So don't you dare---" babala ni Carmela
Hindi na naituloy ni Carmela ang sasabihin niya dahil hinalikan siya ni Charles sa pisngi. She is as red as a tomato. Shocks. Natahimik siya sa kiss ni Charles
"PDA!" sigaw naming lahat.
*******
Kinuwento ni Stephen lahat ng nangyari maliban dun sa kiss. Pinaliwanag ko rin ang tungkol sa naalala ko at kung ano ang nangyari sa akin. Throughout those conversation, they listened thoroughly. They gave us genuine smiles that showed their support. I may not remember all of them but still I knew that their frienship is true.
"Maaalala mo rin kami. Tiwala lang." sabi ni Andy.
"Yes. I hope so." sagot ko
"Sus. Makakaalala ka rin, May. Mahirap yatang kalimutan ang pogi kong mukha." kampanteng sabi ni Blake.
Signal no. 100. Jusko ang hangin!
"Bagyo ka ba?" tanong ni Adela kay Blake.
"Ay alam ko na yan. Bagyo ako? Aba oo! Nakakamatay kasi kagwapuhan ko." wika ni Blake
Seriously, Blake?
"Swetie, ibig sabihin ni Adela, bagyo ka kasi ang ang hangin mo." paliwanag ni Angeli at mukhang gusto na niyang pingutin ang fiancè niya
"Ganun ba yun? Bakit? Natangay siya sa kagwapuhan ko?"
"Isa pa, Blake." warning ni Stephen
"Chill, lang mahal na hari. Alam kong mas gwapo ako--AWWW."
"Blakey my sweetie hindi mo ba nainom ang gamot mo?" piningot ni Angeli si Blake
"Sorry na!" pagmamakaawa ni Blake
Binitawan na rin sa wakas ni Angeli si Blake habang kami ay humahagalpak na sa kakatawa. Under tong si Blake eh.
****
Napailing na lang ako sa kanila pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko.
Naramdaman ko ang kamay ni Stephen sa ilalim ng mesa. Hinawakan niya ang kamay ko. Jeez. Pinamulahan naman ako sa ginawa niya. Tiningnan ko ang mukha niya at abot tenga ang ngiti niya.
Dumating na ang inorder namin kaya nagsiayos na ang lahat. Binitawan na rin sa wakas ni Stephen ang kamay ko.
May kakaiba akong naramdaman nang bumukas ang pinto. Dahan dahan siyang tumungo sa table namin. The weird thing is, everyone stopped whatever they are doing and stared at him. He grinned evily. Hindi ko alam pero kinabahan ako sa titig niya sa akin. Alam kong kilala ko siya pero parang may kakaiba sa kanya eh.
The clacking sound of his shoe echoed. Everyone eyed him with curiousity.
He stopped his tracks. His grin widened.
"Miss me, May?"
Anong ginagawa ni James dito?
Alam kong nag-aaral siya dito pero bakit ngayon lang siya pumasok? At bakit ngayon lang siya nagpakita? Pinadala ba siya ni Dad? Pwede ring mangyari yun dahil nakikita ko siya laging kasama si Dad.
"Anong ginagawa mo dito, James?" tanong ko
"Nandito ako para kunin ka." he said with a sly smile
Napatayo si Stephen at matalim na tiningan si James. Nasa amin pa rin ang buong atensyon ng mga estudyante at mukhang naguguluhan na rin sila sa mga nangyayari.
"F*ck off." galit na usal ni Stephen
Pero hindi iyon pinansin ni James at lumapit pa siya sa akin. Hindi ko inasahan ang sunod na ginawa niya.
Hinalikan niya ang pisngi ko. Kinilabutan ako sa ginawa niya. It sent shiver down my spine but not in a good way.
Bago pa man ako makapagreact sa mga nangyayari, nakita ko ng tumalsik si James sa gilid. Stephen's eyes were as red as blood. His sharp fangs elongated. He shot a deadly glare at James.
Mistulang estatwa ako sa dito. Hindi ako makagalaw habang nagsasakitan sila Stephen at James.
Anong ginagawa mo dito James? Anong kailangan mo?
****
-Third Person-
Bumukas ang mga mata ng babae. Napatingin siya sa paligid nito. Sinubukan niyang umupo kahit mabigat pa ang pakiramdam niya. Ang huli niyang ala ala ay masalimuot. Wala siyang ginawa kundi kabutihan ngunit sinuklian lang ito ng kasamaan ng mga bampirang ganid sa kapangyarihan. Walang natira sa kanya. Wala na rin pati ang kanyang pamilya.
Unti unting kumawala ang luha niya habang inaaalala ang pagpatay sa kanyang mag-ama.
"Caleb.....May......" Nanginginig na sabi niya
Isa ring malaking palaisipan para sa kanya kung paano siya nabuhay. Sino ang nagligtas sa kanya?
Naging alerto siya sa pagbukas ng pinto. Mula doon, lumabas si Lucinda Charmcaster, ang kanyang matalik na kaibigan.
"Serene." tawag nito
******