-May-
"May."
I never met his eyes. Ayoko siyang kausapin. Pero mukhang hindi ko na maiiwasan yun. Malaki ang utang na loob ko kay Raven pero hindi ibig sabihin nun na pwede ko na siyang pagkatiwalaan. I can only trust myself for now.
"What?" walang ganang sagot ko. Kasalukuyan kaming nagsasayaw. Isa at kalahating oras lang dapat ang klase na to pero pakiramdam ko ang bagal ng takbo ng oras. Gusto ko na talagang umalis dahil hindi ako komportableng kasama si Raven. I felt a pang of pain because I felt betrayed. My father and him, they lied to me. Worse is, I don't have any idea why.
"Ano ba talaga ang nangyayari sayo? Have I done something wrong?"
I sighed heavily. Wala nga siyang kaide ideya na alam ko na nagsisinungaling siya.
"Wala akong problema, Raven. Sayo? Oo may problema ako sayo. Ano ba talaga ang tinatago niyo ni Dad?"
I felt him tensed. His grip on my waist hardened and I knew exactly that he was caught off guard.
"I'm sorry. I can't tell you." walang emosyong sabi niya.
"I thought your my friend." I can't hide the bitternes in my voice. Whatever that is, I know that he is keeping something big.
"I am you friend. There are things that are better kept and unsaid. It's for your safety."
"Hindi mo ba naisip na ako ang involve dito? Kung kapakanan ko ang iniisip ninyo, di ba dapat alam ko?"
"Mas mabuting konti lang ang malaman mo."
"Why are you doing this?" bulong ko
Nagsasayaw pa rin kami. May kanya kanyang mundo lahat. And yet, I feel like we are the only ones here.
He held me closer. I can almost hear his intense breathing and the rapid beat of his heart.
"I did this because I care for you."
"I still don't understand."
"Trust me."
Hindi ako sumagot. I know deep inside my heart that I have doubts. I don't trust him. He lied to me. True. He cared for me. But was it enough reason to lie?
"Okay, class. That's all for today."
Agad akong bumitaw kay Raven at dali daling umalis. Why is my life so complicated?
*******
Lutang akong pumasok sa next class ko. Wala akong ibang inisip kundi si Raven. Ngayon ko lang ulit siya nakita pero ganun ganon na lang niya ginulo ang utak ko. Honestly, I want to cry. I want to cry out my frustrations.
"Good evening class."
Nawala ang iniisip ko nang pumasok ang teacher namin sa music. She has glowing pink shoulder length hair. Her eyes are purple which reminds me of the lavender flower. She stood at least 5'4 ft. Her white skin also glowed. Her smile is dazzling.She was definitely the epitome of beauty. Oh shocks. Ang ganda ng teacher namin. Para siyang dyosa.
"Let me introduce myself first. I am Tania Brooke, your music teacher."
"Ms. Tania!"
Bigla na lang nagtaas ng kamay yung isa kong classmate na nymph. General classes pa rin to and this is also my last class for tonight. Classmate ko pa rin sila Stephen at Raven, pati na rin sila Jake, Sheila, Zach, Angeli, Carmela, Charles, Andy, Joannie, Blake at Sephira. Pumasok sila kanina at binati ako. Binati ko rin sila. Sinadya kong lumayo ng upuan. Gusto ko silang iwasan.
"Yes?"
"Totoo po ba na anak kayo ng isa sa mga Nine Muses?"
"Ah yes. I'm Calliope's daughter and Orpheus is my brother. Well, let's just say that I am Zeus grandaughter."
"You're practically a goddess." sabi ng isa ko pang classmate.
"Well, I am 1/4 goddess. The muses are offsprings of Zeus to Mnemosyne, who is a mortal. They were raised by Apollo and the Nymph Eufime. The god Apollo himself thought the muses arts and thus, my mother and her sisters dedicated their life to science, music and the arts. As you may know, I am the daughter of Calliope, the superior muse. Well, enough with my background. Let's start our lesson."
********
"Music is so much powerful. To some, there's nothing special about it. But they are wrong. Very wrong. Music is a form of magic. Witches and warlocks can cast spell with the use of music." paliwanag niya
"The use of music in casting spell is very dangerous. It requires someone who was able to master the craft of wizardry. A spell cast by music can inflict a great damage to immortals."
"Sa madaling salita, ang paggamit ng music sa pagcast ng spell ay nagpapalakas sa mismong spell. It boosts its effectiveness. Ngayon, lahat kayo dito ay magpaplay ng flute. Let's cast a spell!"
What? Spell? Aanhin namin yun? Hello, vampire here! Hindi po kami witch! It's a general class for jelly beans sake! Seriously, witch class ba to? Mali yata napasukan ko. But come to think of it, I am half witch. Jeez. Ang gulo ng genetics ko.
"This will be easy." rinig kong bulong ng katabi ko. I am a hundred percent sure na witch siya.
"Don't worry, this is just a basic spell and all types of immortal can do this. We have a magical flute. Yan ang gagamitin ninyo."
Nagtaas ng kamay yung isang vampire na classmate ko. I'm sensing she has doubts about this as well.
"Ms. Tania, can vampires cast spell without the use of this flute?"
"That answer would be no. All immortals can manipulate enchanted items but casting a spell is for witches and warlocks only. Pwede lang kayo magcast ng spell kung my enchanted item kayo tulad ng flute na yan. Any questions?"
Wala ng nagtanong pa kaya nagpatuloy na si Ms. Tania
"If there's none, then let's start our activity."
She gracefully played the flute. I don't know how to describe it. It's just too beautiful. Malamig pakinggan ang mga nota, para bang lumutang ka dahil sa ganda ng tunog na nililikha ng flute.
I was still in daze when Ms. Tania finished playing the flute. Masyado akong namangha. My lips slightly parted, I was in awe. I was absolutely astonished.
"I'm going to teach you special notes. Alam kong hindi na bago to sa mga witch at warlock kaya alam kong hindi na sila mahihirapan sa activity na ito but they are not exempted. Now, hold your flutes."
Hinawakan ko ang flute na basta basta na lang lumitaw sa table ko. Wala naman to kanina pero viola! May flute na ako!
Tinuruan kami ni Ms. Tania. Simple lang naman ang tinuro niya. Parang tune lang kasi hindi naman siya buong kanta kaya madali namin itong natutunan.
"Since alam niyo na kung paano, mag-uumpisa na tayo. Dahil nga marami kayo, pipili ako ng representative kada race. One for the vampires, werewolves, witches and wood creatures. I'll choose randomly."
May kinuha siyang listahan.
"Hmm. For the witches, Sephira Charmcaster, for the werewolves, Sheila Grey. I choose Xander Craig for the wood creatures and for the Vampires, Candice May Lockheart."
*****
Kinakabahan ako. Sa dinadami ba namang pwedeng piliin ni Ms. Tania ako pa talaga.
Nakita ko ang unti unting pagtubo ng dahon sa kaninang tuyot na halaman. Si Sephira na ngayon ang nagmamanipulate ng flute. Eto ang activity na sinasabi Ms. Tania. Bubuhayin namin ang tuyot na halaman. Magaling silang lahat. Napatubo nila ang dahon at naging luntian na ulit ang halaman.
Sa tatlo, si Sephira ang may pinakamagandang performance. Hindi niya lang nabuhay ang halaman, napalago niya pa ang mga dahon nito at bahagya itong tumaas. Ang galing ni Sephira!
"May."
Inumpisahan ko na ang pagtugtog. Sinikap kong alalahanin lahat ng tinuro ni Ms. Tanya. But the weird thing is, it just came naturally. Walang hirap kong pinatugtog ang flute na ngayon ko lang nahawakan.
Itinigil ko na ang pagtugtog. Nabigla ako sa ginawa ko. Ang kaninang tuyot na halaman ay malusog na ngayon. Mayayabong na ang mga dahon at ang mas kinagulat ko ay ang patubo ng puting bulaklak sa halaman. It was absolutely beautiful.
Natahimik kaming lahat. Nakita ko sa mukha ng mga witches ang pakabigla sa nangyari. Parang hindi rin sila makapaniwala. Paano ko to nagawa? Hindi naman ganito yung ginawa nung tatlo ah? Hindi hamak na mas maganda ang pagpapatubo ko sa halaman gayong wala naman akong alam dito.
"Candice May Lockheart." the teacher finally spoke.
"Yes, Miss?"
"Good job." bati niya
Ngumiti lang ako ng tipid at bumalik na sa upuan ko. Nahuli ko pa ang ilang tingin ng mga witches at mukhang hindi sila makapaniwala na ang bampirang kagaya ko ay nakayang gawin yun gayong hindi naman ako witch. Well, I'm partly a witch but it's still unusual.
****
"Class dismissed. You may go now. Except for Ms. Lockheart."
Hindi nakatakas sa paningin ko si Stephen. Papaalis na siya. But before that, his eyes met mine, but I turned away. I sighed and went straight to Ms. Tania
"May, do you know Serene Clarianne Lockheart?" diretsong tanong niya sa akin.
"She's my mother." sagot ko
Nakita ko ang bahagyang pamumutla niya pati na rin ang pagkabigla.
"Do you know her? My mother?" tanong ko sa kanya.
"That explains everything." she murmured
"Explain what?"
"Yung ginawa mo kanina. Hindi yun basta bastang nagagawa ng kahit sino. Unless she is an offspring of a very powerful witch like the Lockhearts or the Charmcasters. I'm quite sure you have witch blood. Pero kung ikaw nga ang anak ni Serene, don't you recognize your husband?"
Nabigla ako sa tanong ni Ms. Tania. Wala siyang sinasagot sa tanong ko kaya wala akong naiintindihan sa sinasabi niya. At sino namang husband?
"Nagkakamali yata kayo. Wala akong asawa. I mean, I'm not sure." sabi ko kanya.
"Kung ikaw ang anak ni Serene, ibig sabihin ikaw ang asawa ng hari." sabi ni Ms. Tania pero kita ko pa rin ang pagtataka sa mukha niya na para bang maski siya ay hindi rin sigurado sa sinasabi niya.
"H-hari? Sinong hari?"
"Si King Stephen."
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko ngayon. Parang nabingi ako sa sinabi niya. Did I even hear it right? Stephen is my husband? Pero patay na ang asawa niya paanong magiging ako yun?
"I thought his wife is dead."
"Yes. We all know that. Kaya nga nagulat ako nung sinabi mo na anak ka ni Serene. Because all of us knew that Serene only had one daughter and that is the King's wife."
Mas lalong gumulo ang utak ko sa sinabi ni Ms. Tania. Kung totoo ang sinasabi niya, malaki nga ang posibilidad na ako nga ang asawa ni Stephen.
"Maybe I am making a wrong assumption here. Wala rin kasing nakakita sa asawa ng hari. She attended limited gatherings at base sa narinig ko, sa common vampire school sila nag aaral dati ng hari kaya walang makakilala sa kanya dito sa Grayson Academy." sabi niya
"Ms. Tania, pwede mo bang ikwento sa akin kung anong nangyari sa asawa niya."
Kinuwento nga sa akin ni Ms. Tania ang nangyari pero kagaya rin sa kwento ni Zach dati, binanggit niya ang pagkamatay ng asawa ng hari sa kamay ng isang miyembro ng council. Ang pagpapakasal ng hari sa isang witch na nagmitsa ng gyera dahil labag ang pagpapakasal nila sa batas. Kaya nga daw nang si Stephen na ang naging hari at natalo nila ang council, binura niya ang batas na nagbabawal sa pakikipagrelasyon sa ibang lahi at tinayo ang Grayson Academy para sa pagkakaisa ng lahat ng imortal.
"Hindi po ako sigurado sa mga sinasabi niyo kasi maski ako, walang alam sa totoong nangyari sa akin. I lost my memory. At kung ako nga ang asawa ng hari, sana matagal na niya akong kinuha " paliwanag ko
"Yes. You're right. Siguro kapatid mo ang asawa ng hari? Oh my gods. I'm being ridiculous here. Ang dami kong theory sa mga pwedeng nangyari, But there's still a probability, that you are King Stephen's wife."
"Paano kung ako nga?" wala sa sariling sabi ko
"Then, you must be with the king for you are his queen."
Be with the king. Is that even right?
*****
Nagpaalam na ako kay Ms. Tania. Pinangako rin niya na hindi niya ipagsasabi ang pinag usapan namin kanina. Hindi naman kami sigurado na totoo nga iyon. Pero napag isip isip ko na kung totoo nga yun, nagsisinungaling si Dad sa akin. He breached the truth by making those web of lies.
I shook off my thoughts. I am still not sure and I am a little skeptical about this whole thing. That is just a probability. Maaring mali rin ang hinala ni Ms. Tania at totoo rin ang sinabi ni Dad.
Naglakad lakad na lang muna ako. Tapos na ang klase ko ngayong gabi. I think its morning already. Medy madilim pa. Iilan na lang ang mga estudyanteng gumagala. We're not really active during the day so I think most of the students are in their dorms.
Natigil ako sa paglalakad at umupo sa ilalim ng isang malaking puno. Nasa likod ito ng dorm namin na Havensblood. Sumandal ako dito pinikit ko ang mga mata ko. I need to relax. I need to clear my mind.
"May?"
Minulat ko ang mga mata ko at agad itong nanlaki nang madatnan ko ang hari na nakatitig sa akin. His face is inches away from mine. Titig na tiitg siya sa mga mata ko like it was the most precious thing in the world. Ramdam ko ang paghinga niya dahil sa sobrang lapit namin. Ganito ba dapat kalapit?
"K---king."
Lumayo siya ng konti sa akin at umupo sa tabi ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil dun. Ginaya niya ang posisyon ko at sumandal din siya sa puno.
"Naistorbo yata kita." sabi niya
"Not really. I don't mind."
Tumahimik kami sandali. Komportable akong kasama siya kahit ganito katahimik. I felt safe and calm with him.
Maya maya pa ay unti unti ng nagkakaliwanag ang kalangitan. The sun has finally risen and it was beautiful. Nakatingin din si Stephen sa kalangitan. I stared at his face and I can't help but to feel something. That something is indescribable but its good.
"I always like the dawn." sabi niya
Hindi na ako sumagot at nakinig lang ako sa kanya.
"It reminds me of my wife. She is like the dawn. Siya ang unang liwanag sa madilim kong buhay. Pero nung nawala siya, it's like the dusk has finally came. My life has become pitch black. Sa sobrang sakit, parang namanhid na ako. Kasi nung nawala siya, parang bumalik sa dilim ang buhay ko and I was blind again."
Upon hearing his words, I stood up. Pasimple kong pinunasan ang mga luha ko. Bakit ako umiiyak? Ano ba ang nagyayari sa akin?
Sumasakit ang ulo ko. Nang sabihin niya yun, may naalala akong katiting pero hindi lahat. Alam kong unti unti ng bumabalik ang ala ala ko. And you know what I saw? I saw Stephen's face. It was a wedding. Our wedding.
"Aalis na po ako. Magpapahinga lang." sabi ko habang nakatalikod sa kanya
Hindi na ako naghintay ng sagot niya at humakbang na ako paalis. Kahit na palayo ako, narinig ko pa rin ang bulong niya at mas lalo pa akong napaiyak dahil dun.
"I miss you, wifey."
********