-Andy-
Kinakabahan ako sa bawat hakbang niya. Papalapit na siya sa akin. She walked elegantly down the isle like a goddess. Her dress is magnificent, it fits her perfectly. I can see the most beautiful girl right behind that veil and after this, she'll be mine.
I am one lucky bastard.
Sa wakas ay nasa harap ko na siya. She flashed her brightest smile and I can almost see a glint of tear in her eyes. I smiled back.
Everything happend in a blurr. Para bang ang bilis ng wedding ceremony. Hanggang sa narinig ko na lang ang, "You may kiss the bride."
Dahan dahan kong iniangat ang veil niya. Hindi ako makapaniwalang hahantong kami sa ganito. Hindi ko akalaing mapapangasawa ko tong tomboy na to na lagi kong kasalungat sa lahat ng bagay. Opposite attracts? I guess so. Pero siguro nga ay tanga lang talaga ako. Huli ko na narealize na mahal ko pala siya. I was too caught up with May that I didn't notice that I am in love with Joannie.
"Ayusin mo! Firs kiss ko to!" sabi niya
Bahagya naman akong napatawa. Pati ba naman sa kasal namin, ganito pa rin siya magsalita?
Unti unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya. I felt her stiffened which means she's nervous. Good. May nakakapagpakaba pa pala sa isang Joannie Devonshire-Lee and I am glad that I am one who makes her nervous.
Our lips touched for the first time. It was a shallow kiss but it is sweet and gentle.
Bumitaw kami at agad ko siyang niyakap.
"I love you." sabi ko sa kanya.
"I love you too."
*******
"Congratulations." bati ni Stephen
Ngumiti lang ako sa kanya. Buti na lang at nakarating siya sa kasal namin ni Joannie. I know he is still depressed about May's lost. Lagpas isang taon na ang nakalipas pero ganun pa rin siya. Para bang wala siyang kabuhay buhay sa loob ng isang taon na yun. Masakit rin naman sa kin ang lahat ng nangyari. Even worse, ang tatay ko pa ang kumitil sa buhay ni May. Oo. Nagalit ako. But I moved on. Kilala ko si May. Hindi niya gugustuhin kapag nagtanim ako ng galit.
Nandito kami sa table ng mga kaibigan namin. Nandito sila Angeli, Blake, Carmela, Charles at Stephen. Dito ginanap ang reception sa bahay namin. Kakaonti lang naman ang bisita namin dahil yun ang gusto ng asawa ko.
"Congratulations sa inyo!" bati ni Angeli
"Thank you." sabi namin
"Mag ingat ka dyan sa kapatid ko. Alam mo namang brutal yan." sabi Blake
"Wow naman kuya! Imbes na pagsabihan mo siya na ingatan ako, si Andy pa talaga ang mag iingat sa akin. Lakas din ng topak mo eh!" singhal ni Joannie
Napatawa naman kaming lahat. Wala talagang makakatalo kay Joannie. Hinawakan ko ang kamay niya sa ilalim ng table kaya napatigil siya sa pagsasalita at biglang namula.
"Oh? Anong nangyari sayo? Bat ang pula ng mukha mo?" tanong ni Carmela
"W--wala." utal na sagot ni Joannie. I smiled triumphantly.
Nag usap lang kami ng kung ano ano hanggang sa lumapit sa amin ang tatay ni Stephen na si tito Vlad.
"Excuse me. Pwede ko bang mahiram ang anak ko sandali?" paalam ni tito Vlad
"Sige po." sagot ko
He tapped Stephen's shoulders and they left the table. Sinundan ko ng tingin ang mag ama habang naglalakad sila palayo. Nandoon sila ngayon sa table nila Tito Vald at Tita Jocelyn at may kasama silang babae na hindi ko kilala. She looks familiar.
*****
-Stephen-
Sumunod ako kay Dad. Nakita ko si Mom sa table na may kausap na isang babae na hindi ko kilala. She has long black hair, fair skin and a slim figure. Sino naman kaya to? Kakilala ba to nila Andy?
Pagdating namin sa table, tumayo si Mom at yung babae. Mom is wearing her broad smile. Iba ang pakiramdam ko dito. She's planning something.
"Son, I want you to meet, Adela Dashkov." pakilala ni Dad
Ngumiti sa akin si Adela at iniabot sa akin ang kamay niya. Tiningnan ko lang ang kamay niya and I didn't return the handshake. I just nodded. Binawi niya rin naman ang kamay niya. I think she already know thay I don't do handshakes especially to strangers.
"Your highness, I'm Adela Dashkov. Nice to meet you." sabi niya at nagcourtesy bow.
"Likewise." sagot ko
"Isn't she beautiful, darling?" sabi ni Mom
I just shrugged. I know exactly what they are doing. Nilalakad nila sa akin si Adela. I think this is about the marriage.
Tiningnan ko si Adela. She just smiled awkwardly. Tsk. Hindi ko ipapagpapalit ang asawa ko. Not in a million years, not ever.
******
Our conversation went around Adela's life. My mom constantly asks questions and Adela would answer humbly. Nalaman kong isa siyang vampire elite na nanggaling sa Russia. Her family is a prominent figure in the Russian Vampire Court. Napag usapan din ang mga achievements niya and such. Napansin ko ring napakapinong kumilos ni Adela. She is that 'prim and proper' lady. I didn't really care. Overall, the whole conversation is boring. Gusto kong bumalik sa table ko kanina kasama ang mga kapatid ko pero pinipigilan ako nila Mom at Dad.
Finally, tumayo na kaming lahat. It's time to go home.
"Son, can you take Adela home? Wala kasi siyang dalang kotse eh." sabi ni Mom
Napabuntong hininga na lang ako at tumango. My parents are really trying their hardest but its not working. I don't want to be rude so I did what I was told.
****
Sumunod lang sa akin si Adela. Hindi siya nagsasalita, and by the looks of it, she doesn't talk much. Pinagbuksan ko siya ng pinto sa passenger seat. She muttered 'thanks' at tuluyan ng pumasok sa kotse ko.
Tahimik pa rin siya kaya ako na ang nagsalita.
"They're setting us up." sabi ko
"I know." sabi niya habang diretso pa rin ang tingin sa daan.
"Look, I don't want this. Alam kong ikaw ang napili nila but I just can't marry you." diretsong sabi ko
Ngumiti lang siya sa akin. She is quite pretty but not as beautiful as my wife.
"I don't want to marry you either." sagot niya
Nakahinga ako ng maluwag. Buti naman.
"Ang masasabi ko lang, matutuloy ang kasal natin, wether we like it or not. It's unfair for the both of us but I don't want to embarass my family's name."
"I understand, Adela."
"Alam ko rin namang hindi madali ang pinagdadaanan mo. I've seen your wife once, noong welcome party ni Sabrina. I know she's a great person."
I nodded in agreement. My wife is truly a great person. Napangiti na lang ako habang inaalala ko ang mga panahong magkasama kami.
****
Maya maya pa ay bigla na lang siyang natulala. Nakita ko ang pagpula ng mga mata niya which means she is using her special ability. Agad kong inihinto ang kotse. What's happening to her?
"Adela? Adela!" tawag ko sa kanya pero hindi siya sumasagot. Para bang may sarili siyang mundo. Nakatulala siya at hindi pa rin nawawala ang pula niyang mga mata.
Maya maya pa ay bumalik na siya sa normal. Tiningnan niya ako pero hindi ko mabasa ang iniisip niya.
"Your wife is...."
"What?"
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa mga oras na ito. I felt anxious. Kinakabahan ako sa bawat salitang bibitawan niya.
"S---she's alive."
Hindi ako makapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin ko.Gusto kong maniwala sa sinasabi niya but the rational part of me is disagreeing. Is she playing a joke or what? If she is, then it's not funny.
"Paano mo nasabi yan?"
"Just moments ago, yung nakita mo. Nung natulala ako at naging pula ang mata ko. That very moment, nakakita ako ng vision."
"Vision?"
"Nagkakaroon ako ng visions tungkol sa future. And trust me, lahat ng visons ko totoo. Special ability ko yun. Hindi ko nga alam ngayon kung bakit nagkaroon ako ng vision eh hindi ko naman ginagamit ang special ability ko."
"Bakit mo nasabing buhay ang asawa ko?"
"Nakita ko siya sa future mo. If she's dead, why would she be in your future? Nakita ko siya sa vision ko ngayon lang. I am sure of this. Buhay siya."
Ang kwintas, pati ang bond na naramdaman ko noong binisita ko ang Lycan's Cove, ngayon naman, ang vision ni Adela, all of those things. Could it be possible? Buhay ba talaga ang asawa ko?
Inihatid ko si Adela at agad akong dumiretso sa palasyo.
***********
"Yo bro." bati ni Blake
Pag kami lang dalawa or if we are in front of our friends, we drop all the formalities kaya ng kaswal lang pakikitungo ni Blake sa akin kahit ako na ang hari.
Pinaupo ko siya tsaka ko nilapag ang kwintas ni May.
"Matagal pa birthday ko, bro. Ang aga naman yata ng regalo mo." sabi niya sabay halakhak.
"No its not for you. That necklace belonged to my wife."
Agad naman siyang tumahimik at seryoso niya akong tiningnan. I know he knows something.
"That necklace, our marriage bond and Adela's vision of my future, I think, my wife is still alive and I want you to help me find her."
Alam kong si Blake ang pwede kong asahan sa bagay na to. He's clever enough and most importantly, I know I can trust him.
"Okay. You can count on me. At alam ko na agad kung saan tayo mag uumpisa."
"Saan?"
"Hindi saan kundi sino. Let's start with Raven Grey."
Noong binaggit niya si Raven, hindi ko alam pero kinutuban agad ako na tama si Blake. We should start with Raven Grey.
*****
-May-
Buong araw kong hindi nakita si Raven. Mula noong nag usap kami sa lake, mas maging maayos na ang pakitutungo niya sa akin. Masungit pa rin naman siya pero madalang na lang. Pagnagsusungit siya, binabara ko para mainis. Ngayon naman, medyo busy siya. Sabi ng mga tagasilbi, inaasikaso niya raw ang paghahanda para sa moonlight festival. Mamaya na kasi yun. Hindi nga magkandaugaga ang lahat. Pinaghahandaan talaga nila ng maigi ang moonlight festival. Pati sila Jake, Sheila o si Zach hindi ko rin nakita kaya heto ako ngayon nakatunganga ulit sa kwarto. Bilin rin kasi ni Raven wag akong lumabas ngayon dahil baka malaman daw ng mga bampira na nandito ako.
Pumunta ako sa maliit na balcony dito sa kwarto. Unti unti ng nagsisidatingan ang mga bisita at kita ko sila dito mula sa itaas. Nasa garden ang festival dahil kailangan daw sa labas para sa pagharness ng energy sa blue moon mamaya. Alam kong ngayon din pupunta ulit dito si Stephen. Bakit ba ako kinakabahan? Hindi. Hindi ako pwedeng kabahan. Hindi naman siguro kaba to kundi galit. Kailangan ko talaga siyang makita ngayong gabi kahit pagbawalan pa ako ni Raven.
Nag ayos na ako. Sinuot ko yung bughaw na damit na nakalagay dito sa closet. Ang alam ko kasi, naka blue lahat ng werewolf, pula ang sa mga bampira at green ang sa mga witch. Kahit hindi ako werewolf, nagsuot pa rin ako ng bughaw dahil pakiramdam ko ay isa na ako sa kanila.
Nang naayos ko na ang sarili ko, agad akong lumapit sa pintuan. Pinihit ko ito pero nagulat ako nang malaman kong lock ang pinto. Sinubukan ko rin itong suntukin at pagsipa sipain pero walang nangyayari. Alam kong si Raven ang may gawa nito. Mukhang seryoso talaga siya na kulungin ako.
Pumunta ulit ako sa balcony. Marami na ngang bisita. Paano ako makakababa ng hindi napapansin?
Wala na akong ibang naiisip na paraan kaya tumalon ako sa pagkataas taas na balcony.
Sana hindi nila ako marinig.
Sa di malamang dahilan, walang anumang nilikhang tunog ang paglapag ko at mukhang hindi rin ako napansin ng mga bisita.
Naglakad ako ng naglakad, wala pa ring nakakapansin sa akin dahil may kanya kanya silang kausap. Isa lang naman ang gusto kong mangyari. Kailangan ko lang makita si Stephen ngayong gabi at saka ko uumpisahan ang plano kong paghihiganti.
Naghahalo ang amoy ng iba't ibang imortal. Pero patuloy lang ang paghahanap ko sa hari.
At sa isang iglap, tumigil ang mundo ko. Sa isang sulok, nakita ko si Stephen. Tahimik at walang ekspresyon. Siguro ako na siya na ito. Even though I didn't see him before, I knew it was him lalo na nang narinig kong tawagin siyang hari ng ilang bampira.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Bakit parang gusto kong umurong sa plano ko?
Why do I feel like this stranger is no monster at all?
The butterflies flutter in my tummy, it felt weird but good at the same time. Di ba dapat galit ang maramdaman ko ngayong nakatingin ako sa kanya? Why do I feel the opposite?
Mas lalong tumindi ang kakaiba kong nararamdaman. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi ko namalayang, nakatitig na rin siya sa akin.
Oh sh*t. Nakita niya ako.
***