-May-
Pinakalma ko ang sarili ko. Ano ba ang magagawa ko? I really hate that Stephen. Mali pala ang akala ko sa kanya. Bakit ako pa? Bakit niya ako ginawang bampira? Dahil ba trip niya lang yun? Sa ginawa niya, sobrang galit na ang nararamdaman ko.
I felt disappointed.
"Sino ang pumatay kay Mom?" tanong ko
"Si Dimitri. He's a former member of the council. Don't worry about him. He's dead." sagot ni Dad.
Nakahinga naman ako ng maluwag sa narinig ko kay Dad. At least patay na ang killer. I don't need to worry about him anymore.
"Why did Stephen turn me?"
Kita ko ang pagkagulat niya sa tanong ko. Para bang hindi niya inaasahan na tatanungin ko to. But he managed to compose himself afterwards.
"There's no reason at all. Like I said, vampires are viscious monsters and Stephen is not an exception."
Part of me didn't like to believe that he is that kind of person but I know I should trust my father.
Tumango lang ako bilang pagsang ayon.
"May, if you are thinking of having a revenge, don't do it. Hindi mo siya kaya. It's better this way. Lumayo ka lang sa mga bampira at wala na tayong magiging problema." wika niya
"Yes, Dad." I lied.
I will not have my revenge, not now. But I will get the perfect timing. I will have my revenge soon.
"Mababalik pa ba ang ala ala ko?" tanong ko ulit
"Trust me. You won't want those memories back. It's better this way."
Bewilderedness and confusion is written in my face. Why do I have a feeling that my father is keeping something? Unless, he really is.
Hindi ko na siya kinulit tungkol sa ala ala ko. I guess I should trust him. Hindi naman siya magsisinungaling di ba?
***
"Take care, Dad."
"You too, May."
Hinalikan niya ang nuo ko saka tuluyang umalis. May kailangan pa daw siyang gawin kaya kinailangan niyang umalis agad. Kasama niya ring umalis si James. Nangako naman siya na bibisitahin ako lagi dito sa Lycan's Cove.
Bigla kong naalala na nandito pala si Stephen. I should see him! At least, magkakaroon ako ng ideya kung ano ang itsura ng halimaw na yun.
Lumabas na ako ng library. Patakbo akong pumunta sa living room, kung saan nag usap sila Raven kanina. Dismayado ako nang wala akong madatnan. Wala si Raven at wala rin si Stephen.
Tinawag ko ang isang tagasilbi.
"Ate, saan na yung hari?" tanong ko
"Wala na po. Umalis naman po siya kaagad."
"Ah kaya pala. Sige, ate. Thank you."
I can smell his scent all over the place. Eto ba ang scent ni Stephen? I think it is. Naupo na lang ako. Maraming bagay ang tumatakbo sa isip ko. Sana bumalik na ang ala ala ko para hindi ako naguguluhan ng ganito. Sinisigaw ng isip ko na dapat kong paghigantihan si Stephen, hurt him and make him suffer, pero hindi ko maintindihan tong puso ko. Para bang ayaw nitong sumang ayon sa sinasabi ng isip ko. Bakit ba ako nagdadalawang isip na saktan ang hari eh ni hindi ko ko pa nga siya nakikita? Wala lang naman siya sa buhay ko, di ba?
"Mukhang malalim ang iniisip natin ah."
Napatingin ako sa kakadating lang na si Zach. Nakaformal attire siya. Mas nagmukha siyang manly dahil sa suot niya, para bang mas naging chic at sophisticated siya, ibang iba sa boy-next-door look niya dati. Hindi rin nakaligtas sa paningin ko ang dala niyang maliit at itim na envelope.
Umupo siya sa tabi ko.
"What's with the get up?" tanong ko habang tinitingnan ang suot niya
"Nanggaling kasi ako sa Crimson Valley. Nakipagmeeting ako sa Grayson Sisters tungkol sa Academy." sabi niya
"Academy?"
"Well, nagsign na kasi ng Peace Treaty ang Vampire King, Alpha at Head Warlock para di na maulit yung digmaan...."
Nang mabanggit ni Zach ang digmaan, biglang nagflash sa isipan ko ang maraming bangkay, matutulis na pangil at pulang mga mata. Ang yelo, tubig, kuryente at bughaw na apoy. Ang duguang bulwagan. Sandali kong pinikit ang mga mata ko. It's like I remember a fragment of my past at alam ko na may kinalaman ito sa digmaan.
"May, okay ka lang?"
"Ha? Oo. Asan na nga ba tayo?"
"Well, as I was saying, nagkaroon kasi dati ng digmaan ang mga witch at vampire. It's just last year. It was an isolated war between the witches and vampires. Kami namang mga werewolves ay hindi nainvolve doon. We didn't intervene, it's Raven's orders. But Worse is, namatay sa panahong yun ang asawa ni King Stephen...."
May asawa siya? Sino naman kaya? Who could ever love that monster?
"...Kaya nga pagkatapos nun, nagkasundo ang lahat ng lahi na magtayo ng school kung saan magsasama ang witch at warlock, werewolf vampire, pixies, woodeleves, nymphs basta lahat. The school aims to create a peaceful relationship with all immortals but it is exclusively for elites, lahat ng nasa lower heirarchy ay sa regular school pa rin papasok."
"Lahat ng royals at elites ay mag aaral sa Grayson Academy. Pati nga si Raven mag aaral eh. Of course pati si King Stephen papasok din."
"Paano na yun? Di ba hari at alpha sila? Paano na ang ibang responsibilidad nila?"
"They can manage. Besides, they wanted to test the school themselves since this is the first school that will accommodate all immortals."
"Eh ano yang hawak mo?" tanong ko
"Eto ba?" winagayway niya ang hawak niyang envelope.
"It's the official letter from the Academy. Para to kay Raven."
"Pwede ko bang makita?" sabi ko sabay puppy eyes.
"Sige na nga."
Kinuha ko ang envelope. Itim ang envelope at may gintong pattern sa gilid. Ang papel naman sa loob ay itim rin at kulay ginto ang sulat.
Grayson Academy
School for All Immortals
To: Raven Grey (Alpha)
Good day. You are officially accepted to Grayson Academy. You shall attend all the trainings intended for you in order to enhance your natural immortal ability. Be informed that you shall always wear your uniform in school premises to be identified.
Headmaster,
Vladimir Grayson
"Mag aaral pala si Raven." manghang sabi ko
"Yup. Pati sila James, Sheila, Jake at ako."
"Wait. Ilang taon ka na ba? Hindi ba kayo napapagod mag aral?"
Tumawa ulit siya ng mahina.
"I'm 120 years old. At nag aaral lang kami every fifty years. Well except for now. Dapat mag aaral ulit ako pag 150 years old na ako pero ininsist ni Raven na mag aral ako ngayon. Hindi naman importante sa amin yang pag aaral, cause we have a long life to live. It didn't really matter, except now."
"Ang tanda mo na pala."
"Wow naman. Hindi naman ako mukhang matanda eh." depensa niya
"Oo na. Hindi ka na mukhang matanda, baka umiyak ka pa dyan eh."
Sasagot na sana si Zach nang dumating si Raven. Hindi ko alam pero mukhang kinakabahan siya.
"Ah sige. Maiwan ko muna kayo. Raven, ito nga pala yung letter galing sa Grayson Academy." paalam ni Zach saka iniwan ang envelope sa ibabaw ng coffee table.
"Teka! Sasama ako!" sabi ko
Palapit na ako kay Zach nang magsalita si Raven.
"Go on, Zach. But you, May, stay here." puno ng awtoridad ang mga salita niya kaya napahinto ako.
Napabuntong hininga na lang ako at umupo ulit.
"May sasabihin ka ba?" tanong ko
"Come with me."
Halos mapatalon naman ako nang maramdaman ko ang mainit niyang kamay sa kamay ko. Hinigit niya ako palabas. Oemgi. ~\~ Ano ba ang plano ng Raven Grey na to? Hindi ba siya aware na magkahawak kamay kami?
Napayuko ako dahil sa hiya lalo na nang makita ko ang nagtatakang tingin ng mga tagasilbi. Sinubukan kong kunin ang kamay ko sa pagkakahawak niya pero hinihigpitan niya lang lalo. Nagpatuloy pa siya sa paglalalakad at hindi pa rin binibitiwan ang kamay ko, hindi niya alintana ang mga titig na ipinupukol ng mga tagasilbi.
Hindi ko na lang inisip ang magkahawak naming kamay. Bakit ba ginagawa kong big deal to? Samantalang kay Raven, mukhang wala namang epekto. Napailing na lang ako.
Nakalabas na kami sa mansion niya. Sumalubong sa akin ang pamilyar na gubat ng Lycan's Cove. Napatingin din ako sa kalangitan, napakaganda ng buwan. Hindi ko rin maiwasang hindi mapatingin kay Raven. He remained impassive, cold and expressionless. Sometimes I wished I knew what's going on in that thick skull of his.
Hindi ko namalayan na tumigil na pala kami at sa wakas ay binitiwan niya na ang kamay ko. Namangha ako sa paligid ko. Kitang kita ko ang reflection ng buwan sa tubig ng lawa. I was in awe. May mga fireflies din na lumilipad at animo'y sumasayaw na mga ilaw. Ang ganda nilang tingnan dahil ang dami nila.
The cold breeze touches my face. Surprisingly, I was relaxed and calmed at the same time. The place itself gives a serene vibe.
"Wow." I muttered
Umupo kami sa batuhan. Hindi pa rin nagsasalita si Raven kaya tinanong ko siya.
"Bakit mo ako dinala dito?"
Hindi niya ako sinagot at sa halip ay tinanong niya ako pabalik.
"Are you okay?"
Alam ko na ang tinutukoy niya ay yung tungkol sa pagkikita namin ni Dad. Bumalik ulit sa akin ang lahat ng nalaman ko. It was painful and devastating.
"Oo naman."
"Good. You know what, let's have game." sabi niya
"What game?" tanong ko
"Tatanungin mo ako at sasagutin ko, then I'll do the same to you. Answer it with all honesty. One question at a time, okay?"
"Sige."
"I'll start. Ano ang tingin mo sa akin?" tanong niya
Nabigla ako sa tanong niya. Kailangan ko ba talaga tong sagutin? With all honesty pa raw.
"May."
"Ah...eh...uhm... Okay eto na. Tingin ko uhm para kang tigre kahit aso ka. Pfft. Ay este para kang tigre kasi mainitin ang ulo mo at lagi kang may saltik. OA ka rin mag alala. Para kang tatay ko. At uhm..kahit ganun tingin ko gwapo ka."
Sana hindi niya narinig yung sinabi ko sa huli pero alam kong narinig niya yun dahil sa malademonyo niyang ngiti.
"Psssh. Baka lumaki ang ulo mo dyan! Yung part na sinabi ko na gwapo ka, joke lang yun!" sabi ko
"Whatever." sabi niya pero hindi pa rin naaalis sa labi niya ang nakakiritang ngisi niya.
"Okay, my turn. Paano mo nakilala si Stephen?"
Nawala ang ngisi niya at sumeryoso na ulit siya. Eto talaga ang kinakatakutan ko sa kanya eh. Pagsumeryoso siya, hindi mo na malalaman ang iniisip niya.
"How did you know Stephen?" tanong niya pabalik.
"Nilalabag mo yata ang rule, Mr. Grey. Ako ang nagtanong kaya ikaw ang sasagot. You are not allowed to answer me back with a question." taas kilay na sabi ko.
"Very well. Kakilala ko si Stephen dahil isa siyang royal. As you know, he is now the vampire king. We known each other since we were kids. We are introduced by our parents. We are both the descendants of the throne so it's our obligation to know each other."
I nodded.
"My turn. Are you happy here?"
Hindi ko na pinag isipan ang sagot ko dahil sigurado naman ako.
"Oo naman."
Napangiti naman siya sa sagot ko kaya napangiti din ako. Ang gwapo pala nito pag nakangiti. Nawawala nga yung mata niya eh. Chinito kasi.
"Ako naman. Nainlove ka na ba?" tanong ko
Para sa akin, random lang ang question ko. Gusto ko lang kasing malaman. Wala naman kasi akong nakitang aaligid aligid na babae sa kanya.
"Hindi. Hindi pa ako naiinlove. I don't even believe in that sort of nonsense. " bagot na sagot niya
"Whoah dude. Napaka bitter mo! Wahaha."
"Tss. It's my turn." sabi niya kaya napatigil ako sa pagtawa.
"Go." sabi ko
"Are we friends?"
"Teka pag iisipan ko."
Nakita ko ang mga mata niya na punong puno ng pag asa. Natatawa na lang ako dahil para siyang bata na nagpapabili ng laruan.
"Kahit may saltik ka, daig mo rin ang artista sa kaartehan, at kahit lagi kang may PMS, sige. Oo. Magkaibigan na tayo." sabi ko
Hindi ko inaasahan ang sunod na nangyari. Niyakap niya ako. He put his arms around me. I can feel his warmth crashing against my cold skin.
Wala na rin akong ibang inisip sa mga panahong yun kaya niyakap ko rin siya pabalik.
I think it's a great start for us.
I hope.
*********