Chapter 1
Selene’s Pov.
Dalawang araw pa lang ako dito sa bahay ni Ninong Conrad pero parang gusto ko na agad maglaho. Sa bawat sulok ng mansyong ito, tila nakabantay ang kanyang presensya sa loob ng mansyon. Naiilang ako. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga ng maluwag dahil sa takot na sa isang maling galaw ko lang ay baka mapagalitan ako.
Napasandal ako sa upuan at napabuntong-hininga. Mali yata na sumama pa ako dito sa Maynila. Mas masaya pa ata ako kung kasama ko mga kaibigan ko doon na nasa Palawan. Walang mangingialam sa akin kahit mga kamag anak ng magulang ko.
Hindi ko maikakaila na spoiled brat ako noong nabubuhay pa sina daddy at mommy noong nasa Palawan pa kami, ang mundo ko ay paikot lang sa saya. Gimik dito, party doon. Malaya ako kasama ang aking barkada.
Sa sobrang laki ng mansyong ito, kaming dalawa lang ni Ninong ang nananatili sa itaas. Si Manang Belia naman ay doon sa silid sa ibaba, malapit sa kusina. Ang katahimikan ng paligid ay lalong nagpapatindi sa kaba ng dibdib ko.
Nasa mahabang hapag-kainan na ako, mag-isang naghihintay habang pinapanood si Manang Belia na nag-aayos ng mga kubyertos para sa aming hapunan. Maya-maya pa, narinig ko ang mabibigat na yabag mula sa hagdan. Natanaw ko si Ninong Conrad na pababa diretso ang likod at punong-puno ng commanding presence. Suot niya ang isang simpleng t-shirt na hapit na hapit sa kanyang matipunong katawan, sapat na para bumakat ang tigas ng kanyang dibdib.
Hinila niya ang upuan sa tapat ko. Naupo siya nang hindi inaalis ang kanyang malamig at malagkit na titig sa akin. Habang hinihintay naming matapos si Manang, tila kinakain ako ng katahimikan.
“Selene,” tawag niya sa baritonong boses na tila humahaplos sa aking balat. Napatingin ako sa kanya nang hindi oras. “Anong year ka na ba sa kolehiyo ngayon?”
Napaayos ako ng upo, pilit na itinatago ang panginginig ng mga kamay. “P-po! Third year college na po sana... pero nag-stop po ako, Ninong,” mahinhin kong sagot habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Tumango siya ng bahagya, ngunit ang kanyang tingin ay nanatiling nakapako sa akin. “Hmm... Gusto kong ituloy mo ang pag-aaral mo sa susunod na semestre. Sayang ang panahon. Gusto kong makapagtapos ka,” panimula niya. Ang boses niya ay tila isang utos na walang puwang para sa anumang reklamo.
“Talaga po, Ninong?” Biglang sumigla ang boses ko.
Kahit papaano ay nabuhayan ako ng pag-asa.
“Pero sa isang kondisyon,” putol niya sa panandaliang tuwa ko.
Biglang naging seryoso ang kanyang mukha.
“Kailangan mong sumunod sa lahat ng mga patakaran ko dito sa loob ng bahay. Wala akong pakialam kung anong klaseng buhay ang nakasanayan mo noong kasama mo pa ang mga magulang mo. Ngayong ako na ang guardian mo, ang salita ko ang batas.” Wika niya seryosong mukha.
Napakagat-labi ako, ramdam ang bigat ng kanyang mga salita. “Ano-ano po ang mga patakaran na iyon, Ninong?” Tanong ko sa kanya.
“Una, walang gabi-gabing gimik. Dapat ay nasa bahay ka na bago sumapit ang alas-siyete ng gabi. Pangalawa, bawal ang mga bisita, lalo na kung lalaki,” isa-isa niyang saad habang binibilang sa kanyang mga daliri. Huminto siya at tinitigan ako nang mas malalim, tila binabasa ang bawat sulok ng aking pagkatao. “At pangatlo... Huwag kang papasok sa opisina ko at sa kwarto ko nang hindi ko pinahihintulutan. Nagkakaintindihan ba tayo?”
“O-opo, Ninong. Susunod po ako,” mahinang sagot ko habang nakayuko. Pero sa likod ng aking isipan, biglang nag-play na parang pelikula ang imahe ng nakita ko sa pasilyo kaninang ang kanyang hubad na katawan, ang tuwalya... ang kanyang nakatago alaga ni Ninong na hindi ko dapat nasilayan.
“Mabuti,” maikling tugon niya, tila kontento sa aking pagsuko. “Kumain na tayo. Ayokong may natitirang pagkain sa plato mo. Sa bahay na ito, disiplina ang una sa lahat.”
Habang kumakain kami sa ilalim ng mabigat na katahimikan, hindi ko maiwasang mapansin ang bawat galaw ng kanyang mga kamay. Ang bawat pagsubo niya ay tila punong-puno ng kapangyarihan. Sa kabila ng kanyang higpit na kondisyon na sinasabi ay tumatak sa isipan ko.
Nang natapos siyang kumain ay agad siyang tumayo sa kina upuan niya.
““Kumain ka, Selene. Huwag kang mahiya, ituring mo na itong sarili mong pamamahay,” wika ni Ninong Conrad habang ako pinagmamasdan.
Tumingin lang ako sa kanya, hindi makasagot nang maayos dahil sa tensyong nararamdaman ko. Ang bawat salita niya ay parang utos na dapat kong sundin, kahit pa ang layunin nito ay pagaanin ang loob ko.
“Oh, siya. Maiiwan na muna kita. Kung may kailangan ka, tawagin mo lang si Manang Belia,” dagdag pa nito bago tumayo mula sa hapag.
“Opo, Ninong,” maikli kong sagot.
Nagtungo si Ninong Conrad sa sala. Mula sa aking kinauupuan, natanaw ko ang pagkuha niya ng sigarilyo at ang dahan-dahang pagbuga ng usok nito.
Nang masiguro kung malayo na siya, bahagya akong napangiti. “Sa wakas, makakalabas na rin ako next semester. Ayoko ring mabulok na lang dito sa loob ng malaking bahay na ito,” bulong ko sa sarili, sabik na sabik na muling makatikim ng laya.
Biglang sumulpot si Manang Belia sa aking tabi.
“Tapos ka na ba, ija?” malambing na tanong niya.
“Opo, Manang,” sagot ko habang akmang dadalhin ang aking plato sa lababo.
“Ay, ako na riyan, Selene. Huwag ka nang tumulong, kaya ko na ito,” pigil ni Manang sa akin, sabay kuha ng plato sa kamay ko.
“Tulungan na po kita, Manang Belia. Nakakahiya naman po na nakaupo lang ako rito,” pilit ko sa kanya.
Umiling siya at bahagyang bumulong. “Huwag na, Selene. Pumunta ka na lang sa kwarto mo at magpahinga. Sige na... baka makita pa tayo ni Sir, mahirap na,” dagdag niya na tila may pinapahiwatig na takot sa kanyang mga mata.
Dahan-dahan akong lumayo sa mesa, pero nanatili ang tingin ko kay Manang habang mabilis niyang nililigpit ang aming pinagkainan. Bakit parang kailangan magmadali? Ganun ba talaga kahigpit si Ninong pati sa mga gawaing bahay?
Nang paakyat na ako ng hagdan, napatigil ako nang marinig ang boses ni Ninong sa sala. May kausap siya sa kanyang phone.
“Hindi pwede ’yan! Akala ko ba ay may mga papel na ang lupang ’yan?!” Singhal ni Ninong Conrad. Ang boses niya ay gumuho sa buong kabahayan.
Napalingon ako agad. Bakas sa kanyang mukha ang galit na hindi ko pa nakikita simula nang dumating ako rito. Tumalikod siya at naglakad patungo sa direksyon ng swimming pool habang patuloy na sumisigaw sa kabilang linya.
“Ganoon pala siya magalit,” sambit ko sa sarili, habang unti-unting kinakabahan. “Naku po... baka dito na ako tumanda kung ganito siya kastrikto. Baka isang maling galaw ko lang, ako naman ang masigawan niya ng ganoon.”
Mali atang pumayag talaga akong sumama dito. Bakit pa kasi pumunta punta pa si Ninong doon para kupkupin ako. Ang sakit isipin na sa laki ng mundo, kay Ninong Conrad lang ako may pwesto isang lalaking halos hindi ko masyadong kilala dahil maliit pa lang ako dinala nila daddy at mommy dito.
“Haisst... Dito na ba talaga ako? Panghabambuhay na ba itong pagkakakulong ko kay Ninong?” tanong ko sa sarili nang marating ko ang dulo ng hagdan sa itaas.
Napatingin ako sa madilim na pasilyo patungo sa aking kuwarto. “Sana naman maging mabait si Ninong sa akin sa mga susunod na araw. Natatakot tuloy ako... baka imbes na kalinga, puro sermon ang abutin ko rito.”
Nang nakarating na ako sa pinto ay agad na akong pumasok sa loob. Umupo ako malapit sa binta nakatanaw sa kalangitan.
“Daddy, mommy bakit nyo ako iniwan agad? Kung alam ko lang na ganito mangyayari sumama na lang sana ako sa inyo. Namimiss ko na kayo.” Sambit ko habang nakatingin sa langit pumapatak luha ko.