bc

Inangkin ako ni Ninong (SPG)

book_age18+
153
FOLLOW
1K
READ
billionaire
dark
forbidden
love-triangle
family
HE
age gap
confident
drama
bxg
mystery
city
office/work place
small town
abuse
secrets
prostitute
wild
like
intro-logo
Blurb

❗HOT SPG❗🔞 MATURED CONTENT“Isang silip. Isang lihim. Isang bawal na apoy na hindi na kayang apulahin.”Si Selene Dela Merced ay isang spoiled brat na tuluyang naligaw ang landas matapos ang malagim na pagkamatay ng kanyang mga magulang. Mula sa magulong mundo ng alak, gabi-gabing gimik, at mapusok na pakikipag-ugnayan, bigla siyang hinila pabalik ng isang lalaking tila gawa sa bakal at nakabibinging katahimikan—ang kanyang Ninong Conrad na matalik na kaibigan ng kanyang ama.Sa loob ng isang liblib na mansyong yari sa madilim na bato at napalilibutan ng mga rosas na may matatalas na tinik, kailangang mamuhay ni Selene sa ilalim ng mahigpit na disiplina at malamig na awtoridad ni Conrad  Del Fierro. Ngunit sa isang gabi ng kalituhan, isang maling pinto ang kanyang napuntahan.Ang aksidenteng pagsulyap sa kabuuan ng matipunong katawan ng kanyang Ninong ang naging mitsa ng isang mapanganib na obsesyon na hindi na maalis sa kanyang isipan. Sa bawat malagkit na titig ni Maximus at sa bawat mapangahas na pagsuway ni Selene, isang bawal na ugnayan ang unti-unting nabubuo sa dilim.Sa gitna ng nagbabagang pagnanasa at nakalulunod na kaba, handa ba silang masunog sa isang pag-ibig na sisira sa lahat ng batas at moralidad na kanilang kinagisnan?

chap-preview
Free preview
Prologue
PROLOGUE Selene’s POV HALOS mapasubsob ako sa bawat baitang nang hagdan sa sobrang pagmamadali. Pagdating sa itaas, sandali akong napatigil para bawiin ang aking hininga habang palinga-linga sa paligid. Sa laki ng bahay nila na mistulang isang palasyo, hindi malabong maligaw ang sinuman. Sinubukan kong alalahanin kung nasaan ang silid ko dahil hindi ko na ito matandaan. Sinuyod ko ng tingin ang mahabang pasilyo at isa-isang tiningnan ang bawat pinto hanggang sa mahinto ang mga mata ko sa isang silid sa dulo. Para bang may magnet na humihila sa akin patungo roon isang kakaibang pakiramdam na tila may kung anong naghihintay sa loob. Dahan-dahan akong lumapit, halos hindi na humihinga sa takot na baka may makarinig sa akin. Huminto ako nang may maulinigan akong kaluskos sa loob, kaya dahan-dahan akong sumilip sa maliit na uwang ng pinto. Tila walang tao sa loob, ngunit ang bahagyang pagkabukas nito ay isang paanyaya ng hindi ko mapigilang tignan. Ngunit bago pa ako makahakbang, isang boses sa likuran ko ang nagpatigil sa akin. “Selene?” Agad akong napalingon at doon ay bumungad si Ninong Conrad. Nakatapis lang siya ng puting tuwalya, sapat na para bumalandra ang kanyang maskuladong katawan na tila nililok sa katigasan. Sa bawat kurba ng kanyang dibdib at matitigas na pandesal sa tiyan, lalong nagiging malinaw sa akin kung bakit siya ang pinapangarap ng bawat babae at sa sandaling iyon, pati na rin ako. Natameme ako habang nakatitig sa kanyang basang balat. Sa isang iglap, tinangay ang isip ko ng isang mapangahas na pantasya kung saan kaming dalawa ay magkasama at naglalampungan sa ibabaw ng kanyang kama. “Selene... Selene!” tawag niya muli. “Are you okay?” Biglang tumaas ang kanyang boses kaya natauhan ako at bumalik sa reyalidad. “P-Po?” mabilis na sagot ko, ramdam ang biglang pag-init ng aking mga pisngi. “May kailangan ka ba, Selene?” tanong niya habang mataman akong tinitingnan. Ang kanyang mga mata ay tila pilit na binabasa ang tumatakbo sa isip ko. “Ahh... sorry po, Ninong. Hinahanap ko lang po kasi ‘yung kwarto ko. Hindi ko na po matandaan kung saan banda ulit ‘yun,” paliwanag ko agad habang pilit na iniiwas ang tingin sa kanyang dibdib. “Tapos... may kaluskos po kasi akong narinig kaya lumapit ako rito.” Sakto namang isang makulit na Shih tzu ang lumabas mula sa silid at agad na lumapit kay Ninong. “Hi, Clover,” malambing na sabi ni Ninong Conrad sa kanyang alaga. Yumuko siya para pansinin ang aso, dahilan para mas lalong bumalandra sa harap ko ang kanyang matipunong likuran. “Ano na naman kaya ang ginagawa mo sa loob, Clover?” tanong niya habang hinahaplos ang mabalhibong aso. Napako ang tingin ko sa kanilang dalawa. Ang seryosong si Ninong Conrad, ang lambing pala makipag-usap sa alaga. Pero kailangan ko nang umalis bago pa ako tuluyang matunaw sa kinatatayuan ko. “Ah, Ninong pupunta na po ako sa kwarto ko,” paalam ko, balak ng tumalikod. Ngunit sa mabilis niyang pagtayo, isang hindi inaasahang pangyayari ang naganap. Bahagyang sumabit ang tuwalya sa kanyang pagkilos hanggang sa tuluyan itong dumaosdos pababa sa sahig. Nanlaki ang mga mata ko. Sa isang iglap, nasaksihan ko ang isang bagay na hindi dapat. Nakita ko ang kanyang "alaga" na tayong-tayo sa harapan ko. Agad akong napapikit at mabilis na itinabon ang aking mga palad sa aking mukha, habang pakiramdam ko ay nagliliyab na ang buong katawan ko sa sobrang hiya. “Sorry!” maawtoridad ngunit may halong gulat na sabi ni Ninong sa akin. “Sige na po, Ninong! Pupunta na po ako sa kwarto ko!” mabilis kong sabi habang nananatiling nakatabon ang aking mga kamay sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay sasabog na ang puso ko sa sobrang kaba at hiya. “Selene, wait,” pigil niya sa akin. Ramdam ko ang kanyang presensya kahit hindi ako nakatingin. “’Yung kwarto mo nasa kanan, pangatlong pinto.” “S-sige po, Ninong. Tatandaan ko na po!” nauutal kong sagot bago ako nagmamadaling tumakbo patungo sa direksyong itinuro niya, hindi na lumingon pa sa takot na baka kung ano pa ang makita ko. “Ano ka ba, Selene bakit ka kasi nagpunta doon?” pagkausap ko sa sarili, bawat hakbang ay puno ng pagmamadali at kaba. Pagkakita sa pangatlong kwarto, agad akong pumasok at nilock ang pinto. Napasandal ako roon habang pilit na pinapakalma ang sarili, ngunit ang kaba sa aking dibdib ay tila ayaw humupa. “Diyos ko.” naibulong ko na lang. Hindi ko akalain na sa isang pagkakamali ay makikita ko ang pinakatatagong yaman ni Ninong Conrad. Ang imahe ng kanyang p*********i mahaba, matambok, at tila nanunukso ay tila nakatatak na sa aking isipan. Napakagat na lang ako sa aking daliri, nilalasap ang bawat segundong pagbabaga ng aking imahinasyon habang iniisip ang nakita ko kanina. Sinampal ko nang malakas ang sariling pisngi, pilit na ginigising ang diwa mula sa kabaliwang iyon. “Hindi ito maaari,” bulong ko sa sarili habang nakatingin sa kawalan. “Ninong ko siya at matalik na kaibigan ni Daddy. Mali ito. Kailangan kong kalimutan ang lahat ng nakita ko... erase, erase!” Huminga ako nang malalim bago mabilis na kinuha ang tuwalya at nagtungo sa banyo. Hinubad ko ang lahat ng saplot sa aking katawan at hinayaan ang sarili na tumayo sa ilalim ng shower. Sa pagbagsak ng malamig na tubig, ipinikit ko ang aking mga mata, umaasang mabanlawan nito ang imaheng tila nakatatak na sa aking isipan. Pero sadyang tumatatak pa rin ang bawat detalye. “Ano ba? Bakit ang imahe ni Ninong ang nakikita ko!” sambit ko sa sarili. “Oh, Selene, huwag mo nang pagpantasyahan ang katawan ni Ninong. Baliw ka ba? Ninong mo siya!” Pagkatapos kong mag-shower, lumabas ako ng banyo na tanging puting tuwalya lamang ang nakabalot sa aking katawan. Habang abala ako sa pagpapatuyo ng aking buhok, biglang may kumatok sa pinto. “Sino ’yan?” tanong ko, pero walang sumagot. Nagpatuloy ang mahihinang katok kaya minabuti ko nang lapitan at buksan ang pinto, sa pag-aakalang si Manang Belia lang iyon. Ngunit halos malaglag ang puso ko nang bumungad sa harap ko si Ninong Conrad. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang ang kanyang mga mata ay dahan-dahang bumaba, tinititigan ang hubad kong balikat at ang tuwalyang bahagyang nakakapit sa aking katawan. Sa titig niyang iyon, tila mas uminit ang paligid kaysa sa tubig na ipinaligo ko. “A-ano pong kailangan niyo, Ninong?” nauutal kong tanong. Ramdam ko ang pamumula ng aking mga pisngi habang kaharap siya. Hindi siya sumagot agad. Sa halip, pinasadahan niya ako ng isang malagkit na tingin isang titig na tila dahan-dahang humuhubad sa aking saplot at sumusuri sa bawat kurba ng aking katawan. “Ninong okay lang ba kayo?” tanong ko muli, pilit na itinatago ang kaba sa aking boses. “Ah, tungkol kanina.” panimula niya, ang boses ay malalim at paos. “Humihingi ako ng paumanhin sa ’yo. Selene, nakita mo ba?” Halos manigas ako sa itinanong niya. “A-ano po... wala po akong nakita, Ninong! Agad ko pong natakpan ang mga mata ko,” depensa ko agad, kahit na ang totoo ay buhay na buhay pa rin sa isip ko ang lahat. “Pasensya na po kung napadpad ako roon. Hindi na po mauulit, tatandaan ko na po ang kwarto ko.” Habang nagpapaliwanag, kitang-kita ko sa kanyang mga mata na hindi siya nakikinig. Nananatili ang kanyang paningin sa puting tuwalya ko na tila anumang oras ay handang kumawala sa aking katawan. Iba kung makatingin si Ninong sa akin. Para bang punong-puno ng pagnanasa. Napalunok na lamang ako ng laway at hindi alam ang gagawin habang nasa harapan ko ang Ninong ko. Gusto ko siyang paalisin dahil hindi ako komportable sa titig niya. Pakiramdam ko ay nahihirapan akong huminga habang kaharap ko siya. Sana ay bumalik na siya sa kanyang silid dahil gusto ko ng magbihis at baka kabagin ako nito dahil wala akong suot na panty.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Unscentable

read
1.8M
bc

He's an Alpha: She doesn't Care

read
674.7K
bc

Claimed by the Biker Giant

read
1.4M
bc

Holiday Hockey Tale: The Icebreaker's Impasse

read
914.7K
bc

A Warrior's Second Chance

read
324.8K
bc

Not just, the Beta

read
328.2K
bc

The Broken Wolf

read
1.1M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook