***Third POV*** "TOTOO? Nanliligaw si boss kay Floreza?" Gulat na tanong ng mga kapwa nya security kay Ernan. "Oo, totoo." "Baka chismis lang yan na nakuha mo sa mga kasambahay, Ernan. Naku! Kapag nakarating kay boss na pinagtsistismisan sila ni Floreza, baka pati tayo madamay." "Hindi nga yun chismis dahil totoo nga. Itanong nyo pa kay Joselito. Bumili pa nga si boss ng malaking bulaklak na rosas at teddy bear na malaki at mga chocolates at binigay kay Floreza kanina. Ano ba ibig sabihin nun? Di ba panliligaw?" Paliwanag pa ni Ernan at humigop ng kape. Nagtinginan naman ang mga security. "Kung totoo man yan, di ba't parang napakabata ni Floreza para kay boss?" "Oo nga." Nagkibit balikat si Ernan. "Alam nyo kasi mga pare, kapag tinamaan ka ng pagibig wala nang kikilalaning eda

