***Floreza POV*** KUMATOK ang isang lalaki sa bintana sa driver seat. May ngisi sa kanyang labi. Binaba naman ng driver ang bintana ng kaunti. "Anong kailangan nyo mga boss?" Tanong ni Kuya Mon sa kalmadong boses. "Yung babae ang kailangan namin." Tumingin sa akin ang lalaki at nakakalokong ngumisi. "Hi miss! Tawag ka ni boss." Lumunok ako. Kinilabutan ako sa sinabi ng lalaki. "Pasensya na boss, pero di sya pwedeng sumama sa inyo." Ani Kuya Mon. Lumingon ang lalaki kay Calix. "Boss! Ayaw ibigay ang babae!" Lumapit na si Calix. Napapitlag pa ako ng sumulpot na isang lalaki sa pinto sa gilid ko at sinusubukang buksan ang pinto. "K-Kuya Mon.." Tarantang tawag ko kay Kuya Mon. "Huwag kang mag alala, Floreza. Di nila basta basta mabubuksan ang pinto nitong sasakyan. Huwag kang m

