***Floreza POV*** "NALAMAN ko ang nangyari kanina. I'm sorry wala ako." Nalito ako sa sinabi ni Sir Remus. "Uhm.. ayos lang naman po ako, sir." Humakbang sya palapit sa akin. "Mabuti at ayos ka lang.. dahil kung may nangyari lang sayong masama, papatayin ko ang gagong Basiano na yun." Napasinghap ako sa sinabi nya. Pero nakaramdam ako ng init sa dibdib dahil ramdam ko ang concern nya sa akin. Humugot ako ng malalim na hininga at kiming ngumiti. "Ayos lang po ako sir, salamat po sa concern.." "I'm not just concerned about you.." Aniya sa magaspang at malalim na boses. Tumaas pa ang kanyang kamay sa aking mukha at akmang hahaplusin ako pero binaba nya ang kamay at sinuksok sa bulsa ng trouser sabay hugot nya ng malalim na hininga. Lumunok naman ako kasabay ng pagbilis ng pintig n

