***Floreza POV*** TUMINGALA ako sa langit at nangiti nang makita ang maraming maliliit na bituin. Narito ako sa balcony sa likod ng ikalawang palapag ng mansion. Ang ganda talaga ng view dito pag gabi. Kita ang malawak na kalangitan na nagliliwanag sa dami ng mga bituin. Idagdag pa ang malamig na simoy ng hangin na mula sa mga puno. Pumikit ako at humugot ng malalim na hininga. Parang lumuwag ang dibdib ko. Medyo stress kasi ako ngayon sa school dahil sa paghahanda sa nalalapit na beauty pageant. Panay na ang practice ko ng lakad ko, speech, q and a, at talent. Syempre ang trainor ko ay ang tumatayo ding manager ko na si Bia. Nahihirapan ako noong una dahil wala naman akong alam sa mga ganung bagay. Mabuti na lang at supportive din ang mga kaklase ko at mga seniors namin. Ang nasa isip

