Floreza POV WALA naman kaming ibang ginawa ni Ate Stacey sa loob ng malaking mall kundi mag ikot ikot habang naghuhuntahan. Nakasunod lang sa amin ang limang bodyguard. Pinagtitinginan kami ng mga tao pero hindi na namin pinapansin yun. Medyo nasasanay na rin kasi ako na pinagtitinginan ng mga tao na para bang may mali sa akin. Pumasok kami sa sinehan at nanood ng bagong movie. Halos dalawang oras din kami sa loob. Paglabas namin ay kumain kami at saka na nag shopping si Ate Stacey. Pati ako ay pinag-shopping din nya. Dahil wala naman akong pera ay sya ang magbabayad. Kahit ano namang tanggi ko sa mga binibili nya sa akin ay hindi sya nakikinig. Kaya hinayaan ko na lang sya. Yun lang, ang inaalala ko ay kapag nakita ni Sir Remus na marami syang pinamili sa akin ay baka pagalitan nya ako

