Floreza POV "PAANO pala nalaman ni Kuya Bryce ang tungkol kay Charles? Sinabi mo?" Tanong ko kay Ate Stacey habang nagti-trim ako ng halaman. "Of course not! Hindi ko sinabi sa kanya. Pinakialaman nya ang cellphone ko." "Oh? Di ba may password ang cellphone mo? Nabuksan nya?" "Oo, nabuksan nya." "Ang galing naman ni Kuya Bryce." Komento ko at ang kabilang halaman naman ang trinim. "Pakialamero kamo." Tumingin ako kay Ate Stacey na nakatayo di kalayuan sa akin. Nakabusangot pa rin sya. "Baka isumbong ka nya kay Sir Remus." "Hindi nya ako basta basta isusumbong basta sumunod lang ako sa kanya." "Eh, anong plano mo? Susundin mo ba sya?" Bumuntong hininga sya. "I don't know sis.. I really like Charles." Nagkibit balikat ako. "Ikaw lang ang makakaalam sa sarili mo ate, kung ano a

