Remus POV "SIKAT pala sa school nila si Floreza, boss. Halos kilala sya ng lahat ng mga estudyante, lalo na ng mga lalaking estudyante. Binansagan syang campus crush dahil halos lahat ng estudyanteng lalaki, may crush sa kanya." Tumiim bagang ako sa nireport sa akin ni Ernan. Hindi nga ako nagkamali ng iniisip. Sa ganda ni Floreza hindi talaga malabong maraming magkagusto sa kanya, lalo na sa school nila. At malamang, maraming nagpapapansin at lumalapit sa kanya gaya kanina. Marami pang sinabi si Ernan tungkol kay Floreza. Hindi ako nakapag focus kanina sa meeting dahil okupado ni Floreza ang isip ko. Inip na inip ako sa paghihintay ng report ni Ernan. "Heto po ang picture boss ng lalaking lumapit sa kanya kanina." Nilapag ni Ernan ang cellphone nya sa ibabaw ng table ko. Dinampot k

