Floreza POV PARA akong nanigas sa kinauupuan habang mahigpit kong hawak ang strap ng bag. Malakas ang kabog ng dibdib ko na parang may naghahabulang daga sa loob. Hindi ako makapaniwala at ayokong maniwala na narito ako sa magarang sasakyan ni Sir Remus at ilang dangkal lang ang pagitan namin sa isa't isa. Kahit malamig ang buga ng aircon ay dama ko ang mainit na singaw ng kanyang katawan at naaamoy ko rin ang pabango nyang gamit. Hindi ko maintindihan kung bakit pinasakay nya ako dito sa sasakyan at pinaupo pa sa tabi nya. Bumabait na ba sya sa akin? Hindi ako naniniwala. Imposibleng bumait sya sa akin. Ako ang anak ng pinaniniwalaan nyang pumatay sa kapatid nya at dumukot kay Ate Stacey. "Masyado kang nakadikit sa pinto. Umabante ka dito." Nagtayuan ang mga balahibo ko ng magsalita

