Floreza POV PATINGIN tingin ako kay Ate Stacey habang kumakain ako ng popcorn. Kasalukuyan kaming nanonood ng bagong labas na movie pero parang wala naman doon ang atensyon ni Ate Stacey, dahil abala sya sa cellphone nya at pangiti ngiti pa sya na parang kinikilig. Tumaas ang kilay ko. Siguro may manliligaw si ate at ka-chat nya ngayon. "Uy ate." Untag ko kay Ate Stacey. "Ha?" Lumingon naman sya sa akin. "Busy'ng busy ka dyan sa cellphone mo. Akala ko ba manonood tayo." "Oo nga. Hindi.. ano.. nirereplayan ko lang to, wait lang." Aniya at binalik ang tingin sa cellphone. "Sino ba yan?" Curious na nakisilip ako pero mabilis nyang nilayo ang cellphone. Ngumisi ako. "May boyfriend ka na no?" "Wala no!" Tanggi nya. "Eh sino yang ka-chat mo na ayaw mong ipakita sa akin?" Nakang

