Remus POV BINABA ko ang baso ng tubig sa tabi ng plato kong wala nang laman. Dinampi dampian ko ng napkin ang aking bibig. Tumingin ako sa pamangkin na hindi pa tapos kumain. "Stacey." Untag ko sa pamangkin. Nag angat naman sya ng tingin sa akin. "Yes po, uncle?" Ngumiti ako sa kanya. Kamukhang kamukha nya talaga si Kuya Ramil at magka ugali pa sila. Bigla ay namiss ko ang yumaong kapatid. Madalas kaming magtalo at mag away noon pero agad din kaming nagkakaayos dahil hindi nya ako kanyang tiisin. Kaya labis ang hinagpis ko ng paslangin sya ng mga hayup na yun. "Malapit na ang birthday mo." Bumagal ang pagnguya nya. "Opo, sa July 29 na po ang birthday ko." "Yes, and you're turning thirteen. Nagdadalaga ka na nga. Anyway, magdadaos tayo ng malaking party sa birthday mo." Kumunot

