Floreza POV "O heto, para rin sayo to. Isukat mo dali." Inabot sa akin ni Ate Stacey ang isa pang bagong bestida. Kinuha ko naman yun at excited na sinuot. Kulay pink yun na bulaklakin at tamang tama sa akin ang sukat. Humagikgik ako at umikot. ''Sabi na e, bagay na bagay sayo yang bestida na yan.'' ''Thank you, Ate Stacey.'' Niyakap ko si Ate Stacey sa tuwa. Galing sya sa mall at binili nya ako ng mga bagong damit, tsinelas at sapatos. Mapaplitan ko na ang mga luma kong damit na ang iba ay di na kasya sa akin. Sobrang bait talaga nya sa akin kahit hindi kami tunay na magkapatid. ''Ang dami mo sigurong pera ate, kaya nabili mo ko ng mga damit, tsinelas at sapatos.'' ''Iniipon ko kasi ang mga allowance na binibigay ni Uncle Remus. Tapos kanina binigyan nya ako ng credit card

