Floreza POV NAKATANAW ako kay Ate Stacey sa di kalayuan habang may hawak akong basahan. Nakasuot sya ng uniporme nya at papasok na sa school. Pinagbuksan sya ng driver ng pintuan ng kotse. Bago sya sumakay ay lumingon sya sa akin sabay ngiti at kaway. Ngumiti din ako sa kanya at kumaway. Pumasok na si Ate Stacey sa loob ng kotse pati ang driver. Pinanood ko ang kotse na umandar palabas sa malaking gate. Bumuntong hininga ako nang mawala na sa paningin ko ang kotse. Naiinggit ako kay Ate Stacey dahil nag aaral sya. Gusto ko ring mag aral. Pero paano ako mag aaral? Wala akong pera. Malungkot na tumalikod na lang ako at bumalik na lang sa kusina para ituloy ang ginagawa. "Saan ka ba nagpunta Floreza at bigla ka na lang tumakbo?" Tanong ni Aling Rosita na naghihiwa ng gulay. "Sa labas p

