Floreza POV NILIBOT ko ang tingin sa bodega na magiging kwarto ko. Maraming mga nakatambak na gamit at mga karton pero malinis naman. May nakalatag na bakal na katre na sinasapinan ni Aling Rosita ng foam. "Dito ka matutulog Floreza, ha. Mabuti na lang at hindi pa naitatapon itong lumang kutson. Maayos pa naman ito malambot kaya mapapasarap pa rin ang tulog mo." Nilagyan ni Aling Rosita ng cover ang foam. "O heto ang dalawang unan, kumot at electric fan." Pumasok ang matandang lalaki na may bitbit na dalawang unan, kumot at mataas na electric fan na may kalumaan na. "Sya nga pala Floreza, sya si Rogelio. Ang asawa ko." Pagpapakilala ni Aling Rosita sa may edad na lalaki. Ngumiti naman ako. Mukha rin syang mabait gaya ni Aling Rosita. "Hello po, Mang Rogelio." Ngumiti si Mang R

