UNA

2109 Words
    “Akalain mo iyon, Clair, isang taon na lang graduate na tayo.” Nahiga ako sa kama niya na akala mo pagmamay-ari ko ito habang busy siya sa pag-aayos ng mga damit niyang nilabhan sa aparador niya.     “Huling taon ko na ngayon baka nakakalimutan mo.” Napabusangot naman ako sa sinabi nito.     “Kung bakit kasi four-year course lang ang kinuha mo. Mag-enroll ka na lang ulit next school year ng vocational course.” Ngiting-ngiti ko pa na sabi dito. Akala mo napaka-dali lang humagilap ng pera pang-enroll.     “Ikaw, alam mo para kang sira. Ayaw mo pa ako deretsahin sa gusto mong mangyari.” Bumangon ako at naupo sa ibabaw ng kama niya.     “Parang hindi mo naman alam kung bakit ayaw pa kita paalisin sa school, eh. Syempre maiiwan akong mag-isa doon at ibig sabihin noon wala na akong kakampi. Paano na iyan?” Nagpapaawa pa ako sakanya.     “Bakit ba kasi hindi mo na lang ibaba iyang pride mo at humingi ng paumanhin kay Ritchelle? Claud, halos mahigit tatlong taon na simula noong mangyari iyon.” Natatawa niyang paalala sa akin. “Tsaka ikaw naman ang gumawa ng gulong gustong gusto mong takasan noon pa man.”     Tumayo ako mula sa pagkakaupo at tinulungan siyang ilagay iyong mga damit sa bandang itaas ng aparador niya. Inismiran ko pa siya bago tumulong. Alam na nga kasing kinapos siya sa height yung ganito pa kataas ang binili niya sa Japan Surplus.     “Nag-sorry naman na nga kasi ako kahit hindi ko gustong humingi ng sorry dahil kasalanan naman niya talaga kung bakit ko siya hinalikan.” Tinulak ko siya paupo sa kama niya. “Kasalanan niya rin iyon kung hindi naman siya nagtatalak hindi mangyayari iyon.”     Hinampas niya ako ng unan niya na pilit ko naman sinasangga. Tsaka kami iyong tandem sa baseball. Kami lang ang nakakapag-balance sa isa’t isa. Tinry ni coach na iparehas kami sa iba namin team ang naging ending, eh, halos hindi na makalakad sa sakit ng katawan ang iba.     Nakaahon din sa pagkakalugmok sa last rank ang girls’ baseball team ng university namin. Swerte na nga rin dahil sagot nila allowance namin pati dorm at pagkain. Kumbaga ayusin lang namin yung play at sila na bahala sa pang-araw-araw namin.     Win-win situation!     “Ipapaalala ko lang ha? Hindi lang iyon ang ginawa mo na ikinagalit niya ng husto sayo kung kaya’t walang palya pa rin ang pang-bubully niya sa iyo!”      “Clair,” Napabuntong hininga ako at naihilamos pa ang kamay sa mukha. “Hindi nga ako ang dahilan kung bakit nalumpo iyong jowa niya dati.”     “Alam natin parehas na hindi nga ikaw pero ikaw ang sinisisi niya.” May mali sa pangyayari na iyon. Kasi ako ang sinisisi nila kahit ng magulang ng hinayupak na iyon dahil ako daw ang huli nitong naka-away bago mangyari ang trahedyang nagpabago sa mga buhay nila.     “Magkakaharap tayo nila Ritchelle ng marinig natin ang malakas na sigaw niya. Sa takot ng mga kasama natin noong mga oras na iyon ay halos kaladkaren na nga nila tayo palayo sa campus ground ng mag-simula tayo maglakad--”     “--patakbo.”     “Este patakbo papunta sa likod na akala mo gubat na dahil sa mga puno.”     “At ang bukod tanging naalala niya lang ay noong may biglang humila sakanya papasok sa abandonadong classroom.”     “Doon lang siya nagising sa malakas na hataw sa mga binti niya.” Pagtatapos ko sa sinabi niya.     “Kaya ka pinaghihinalaan kasi nga ikaw ang malakas humampas ng baseball bat dahil sa pagiging baseball player mo.” Tiningnan ko ito ng parang nababaliw na siya.     “Ako lang talaga?” Lakas loob naman itong tumango sa akin. Hampasin ko nga ng unan niya. Lintek na ito! “Dalawa tayo ang pinagbibintangan. Mas lang ako dahil sa background ko pero kung tutuusin parehas lang tayo ng pinagmulan!”     “Ay ewan!” Tumayo na ito at lumabas sa kwarto niya. Magkapit-bahay lang naman kami kaya okay lang kahit umistambay ako dito sakanila maghapon magdamag.     Nagpaalam na ako sakanya na uuwi na muna dahil tutulungan ko sila Nanay sa pag-aayos ng ibebenta nila ni Tatay sa palengke. Linggo naman ngayon kaya pwedeng-pwede ako tumulong sakanila.     Isang katerbang sermon ang inabot ko sa mga magulang ko ng malaman nila dati na ako iyong pingbibintangan sa nangyaring iyon. Ilang beses ko naman ipinaliwanag sakanila na hindi ako at hindi rin namin nakita kung sino talaga ang may gawa niyon. Napanatag lang ang loob nila ng malaman nilang hindi ko talaga tinatanggal ang singsing na binigay nila sa akin bago ang seventh birthday ko.     Kung todo pingot namin sa akin si Nanay habang si Tatay ay tawa lang ng tawa ng sunud-sunod ang mga babaeng napunta dito sa bahay at sinasabing girlfriend ko daw sila. Kulang na lang talaga mapunit na ang tainga ko noon. Kaya simula noon natuto na ako. Agad kong sinasabi sa mga babae na nakaka-collaborate ko na one time thing lang at no strings attached.     At iyong tungkol naman kay Ritchelle ay hindi ko alam kung paano ipapaliwanag. Daig pa noon si Lucifer kung gumanti. Akala mo naman natali siya sa kumag na iyon, eh, agad din naman niyang hiniwalayan matapos ko ipahiya ng isang sapak ko lang ay tulog na agad.     “Buti naman at tapos ka na mangapit-bahay.” Hindi ko napansin na nakapasok na pala ako sa loob ng bahay namin. Hindi ganoon kalaki ang bahay namin pero kumportable naman at tatlong beses sa isang araw kami kung kumain. Minsan nga lagpas pa sa tatlong beses kung kumain ako eh.     “Si Nanay naman kung makasita sa akin parang ilang taon akong nawala para makipag-chismisan kay Clair.” Binuhat ko ang lagayan na styro ng mga isada na ibebenta sa palengke ngayon. Ito iyong mga tirang paninda kaninang umaga sa palengke. Mayroon naman kaming pwesto doon kaso ayaw lang iwan ni Nanay ang paninda kapag uuwi sa tanghali dahil baka daw biglang mawala.     "Aba'y hindi na ako magtataka kung umabot ka nga ng taon diyan sa bahay ni Meling. Kulang na lang ay ihatid ko ang mga gamit mo at dyan ka na tumira."     "Nagtatampo lang iyang Nanay mo at parang wala ka ng oras para sa kanya." Naglalambing na niyakap ko si Nanay ng marinig ko iyong sinabi ni Tatay. At sinunod kong niyakap si Tatay pagkatapos.     "Hala naman kayo, syempre, kayo at kayo pa rin ang pipiliin ko at masaya ako na kayo ang magulang ko!"     "Anong kawalanghiyaan nanaman ang ginawa mong bata ka?"     "'Tay hindi porque kamo naglalambing ako, eh, may ginawa na akong kawalanghiyaan." Tiningnan lang naman nila ako na puno ng pagdududa ang mukha. "Pangakong tunay! Wala ho talaga. Praning lang kayo!"     Hinampas sa akin ni Nanay iyong takip na ginagamit niya sa bayong ng mga gulay na kasamang ibebenta. Habang si Tatay ay naiiling na natatawa.     Pagkatapos ko mailagay lahat ng paninda sa owner type jeep na pagmamay-ari ng ama ni Clair ay agad na rin umalis sila Nanay. Nakaabang naman sakanila si Tiyo Carding na nagtitinda naman ng mga prutas doon para tulungan sila ibaba ang mga gulay at isda.     Umakyat na ako sa kwarto ko at sinimulan ang mga walang katapusan na homeworks namin. Wala pa rin pagbabago sa kung paano kami itrato ng ibang professor doon. Lalo na iyong mga feeling superior porque professor sila at degree holder na samantalang kami hamak na estudyante pa lang.     Maka-graduate lang talaga ako sa kuro kong engineering 'who you' silang lahat sa akin.     Nabalik ako sa wisyo ko ng may tumamang eraser sa noo ko. "Aba't bullseye!"     "Magaling ako umasinta!"      "Ang panget ng view pakisarado na nga ng bintana mo!" Binato ko pabalik sakanya iyong eraser niya baka kasi mamaya singilin pa ako ng baliw na ito.     "Mas panget ka ano."     "May lakad ka?" Tanong ko sakanya dahil nagaayos ito ng sarili niya.     "Oo. Wala ka naman gagawin hindi ba?" Tumango ako sakanya kahit hindi siya nakatingin.     "Homeworks?"     "Kakatapos ko lang gawin. Bakit ba?"     "Back up an mo nga ako. Sarap sapakin ng lalaking iyon sinabi na kasing ayaw ko makipag-date sakanya sumige pa rin." Inis na inis siya habang nagpapaliwanag.     Yung masugid na mangliligaw niya na kahit ilang beses niya binasted ay sige pa rin sa pagkuha ng 'oo' niya.     Nasa harap na siya ng bahay namin pagkababa ko galing sa kwarto. Medyo natagalan lang ng kaunti dahil nagpalit pa ako ng damit ko. Kahiya naman ang amoy ko kung sakali.     Pinara namin yung nakasalubong namin na tricycle at nagpahatid sa mall sa kabilang bayan. Syempre sagot ni Clair ang pamasahe namin tutal siya ang may kailangan nitong pagpunta namin dito.     "Bye bye allowance ka nanaman." Pang-aasar ko sakanya.     "Hindi bale nandyan ka naman eh. Alam ko naman na hindi mo ako hahayaan na magutom sa hating gabi." Ang bilis bumalik ng karma sa akin. "Ano na palang ganap sa inyo ni Ritchelle?"     Tinakpan ko ang bibig nito at tumingin sa paligid kahit na naandar pa rin ang tricycle. "Huwag ka ngang mag-mura!"     Tinabig naman nito ang kamay ko at pinunasan ng pagkadiin ang bibig niya. Kung makapunas akala mo may germs akong dala.     "Mura ka dyan! Umamin ka na lang kasi na type mo na si Ritchelle."     Umingos lang ako sakanya dahil saktong tigil ng tricycle sa babaan sa gilid ng mall kaya hindi na ako nakasagot sa pang-aasar niya.     "Ano na? Paimportante iyang mangliligaw mo!" Kinakagat na ako ng lamok dito. Ayaw ba naman kasi pumasok sa loob para makaranas naman ng aircon ngayon gabi.     "Ayan na." Walang ganang sabi nito sabay turo sa kotse na nag-park.      "Feeling gwapo ang hutaena!" Natawa kami sa sinabi ko. Totoo naman kasi may pagayos pa ng buhok pagkababa ng sasakyan niya.     "Akala yata madadala niya ako sa flip hair brabadoo niya!"     "Hindi niya kasi alam na sa sexy'ng bra nalalaglag panty mo!" Okay. Hingang malalim at pigilan ang pag-irit ng malakas dahil sa manipis na kurot.     "Manahimik ka." Madiin na bulong nito sa akin dahil malapit na ang unggoy. Nawala naman ang ngiti nito ng makita na nakatayo ako sa tabi ni Clair.     Parang timang kanina pa naman ako nasa tabi nitong isa. Dineadma ang presence ko! Sapakin ko siya eh!     "Pagsabihan mo iyang unggoy mong alaga at baka mamaya umuwi yan na wala ng mukha!"     Tuwing ganitong mga lakad na kailangan niya ng back up alam ko na kung anong gagawin. Syempre kailangan niya yung galing ko sa pangwawalanghiya.     Tulad ng kapag inaaya siya ng unggoy pumasok sa store na trip nito ay hihilain ko si Clair papinta sa store na kung saan ko lang siya mahila. Patago ang ginagawa namin pagtawa.     Dumampot ako ng isang damit na nakita ko at itinapat kay Clair. Tinitingnan ko kung babagay sakanya. Namula ang mukha niya at hindi ko mapigilan matawa ng napagtanto namin na negligee pala iyong nakuha ko.     Sa isang store lang kami kusang pumasok kasama ng unggoy. At iyon ay ang buffet! Tiba-tiba nanamam kami sa pagkain nito.     Turn na namin pumasok kaya aktong matino kaming dalawa. Busangot ang mukha ni Clair ng unahan akong maupo ng unggoy sa tabi niya.     "Date namin ito at sabit ka lang. Kaya pwede ba distansya naman!"     Talagang paawa pa siya. Kung kailan may staffs at ibang customer na makakarinig sa sinabi niya ay saka lang niya ako sinita? Ayos siya!     "Lakampake!"      "Aba't--"     Tinulak siya ng pabalang ni Clair kaya't nahulog siya sa kinauupuan niya. Tinawanan naman siya ng mga nakakita.     "Napapala ng mayabang!     "Feeling gwapo si koya!"     "Sarap sapakin nung lalaki!"     Iniwan namin siya doon ni Clair na nakaupo pa rin sa sahig dahil hindi niya inakala na magagawa ni Clair sakanya iyon.     "Papaligaw ka na lang kasi sa ganoong tao pa!"     "Pinilit nga lang kasi ako. Ipinang-blackmail niya kasi kay Papa yung utang namin sa pamilya niya." Napahinto ako sa paglalakad kung kaya't napahinto din siya.     "Bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol d'yan?" Hinila niya ako papasok sa all time favorite fast food ko, ang Jollibee. Sa counter kami dumeretso para makabili maagad.     "Sa dami na ng naitulong mo sa akin alangan naman pati problemang ganito ihingi ko ng tulong sa iyo?"     "Bakit hindi? Eh halos magkapatid na nga tayo!"     "Aba'y kumalma, Claud!" Binatukan ko nga.     "Bukas aayusin natin iyang problema mo."     "Eh anong gagawin natin ngayon?" Tinatanong pa ba iyon?     "Syempre oorder na. Turn na natin!"     Nang makapwesto na kami tsaka niya lang ako nagantihan sa pangbabara ko sakanya kanina.     "Gusto mo gumanti?" Pagkaraa'y tanong ko sakanya.      "Paano?"     Tinaas-baba ko lang ang kilay ko sakanya. Dahil konektado kami pagdating sa kalokohan kahit hindi ko na sabihin pa magegets na niya iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD