bc

Hidden Alpha (GXG)

book_age18+
110
FOLLOW
1K
READ
alpha
fated
powerful
comedy
gxg
lighthearted
campus
city
pack
another world
like
intro-logo
Blurb

Sa pagsapit ng ikadalawangpu't isang kaarawan ni Claudette o mas kilala bilang Claud ay malalaman niya ang tunay niyang katauhan na pilit itinatago ng tatlong makapangyarihang singsing. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nahati sa dalawang piraso ang isang singsing na siyang nagtatago ng tunay niyang lakas bilang isang Alpha ng kanilang pack.

~

Kakapasok pa lang namin sa kwarto ng hinila niya ako paharap sakanya at siniil ng halik sa labi. Malalim at mapusok ang mga halik na binibigay ni Claud sa akin.

Tipong nakakalunod.

Pagkasarado niya ng pinto ay agad niya akong isinandal doon bago ito ilock.

Humiwalay ang labi niya sa labi ko na siyang nagpamulat sa mga mata kong nakapikit. Malabo at tila puno ng ulap ng pagnanasa ang paningin ko ngayon. Maging ang kay Claud ay ganoon din.

Hinaplos niya ang kanang pisngi ko at tumingin ng deretso sa mga mata ko at ngumiti.

Yung ngiti na alam mong punong puno ng pagmamahal.

"Bakit ka umiiyak?" Tanong niya sa akin. Imbis na sagutin siya ipinulupot ko ang mga braso ko sa leeg niya na kanina lang ay nasa beywang niya nakalagay at binigyan ng isang mapusok na halik.

Sobrang init ng pakiramdam ko.

Lalo pang nag-init ng mag-lumikot ang mga kamay niya na nakahawak sa magkabilang gilid ko kanina.

Dahan dahan ang ginagawa niyang paghaplos sa bawat parte ng katawan ko. Tila ba minememorize niya ito.

Nakagawa ako ng ingay ng kasabay ng pag pisil niya sa pang-upo ko ay sinipsip niya ang gilid ng leeg ko pagkatapos ay dinilaan ito.

Mumunting halik ang iginawad niya sa balikat ko ng matanggal na niya ang suot kong blouse.

"Ang bango mo, Elle." Nakakaakit ang boses niya ng sinabi niya ang mga katagang iyon. Pakiramdam ko nga ay lalo akong nabasa sa ibaba ko.

(Yo! Support naman d'yan! HAHAHAHA)

chap-preview
Free preview
SIMULA
    CLAIR'S      “Hutaena! Unang buwan pa lang ng college life natin susuko na yata talaga ako.” Tutok kami sa pag-gawa ng mga ibinato sa amin na worksheet. Ganito ba talaga kapag college na? Bukod sa sariling sikap sa pag-aaral kailangan mo rin habaan ang pasensya mo para sa mga professor na halos wala ng pake sa mga students nila.     “Napaka-weak mo talaga! Talagang kinukwestyon ko na ang sarili ko kung bakit naging kaibigan ko ang isang tulad mo.” Inilipat ko sa next page yung libro na kinukuhanan ko ng magiging sagot ko. Kinokopyahan pala.      “Huntang ka! Bakit mo sinulatan itong papel ko!? Answer sheet ko ito, hudas ka!”     Kulang na lang ihampas ko sa pagmumukha niya itong papel ko para damang-dama niya ang kahayupan na ginawa niya sa papel ko na deadline na mamaya. Isusulat ko nanaman ulit ito. Sayang sa papel at ballpen naghihirap pa naman kami parehas ng babaitang na ito.     “Maka-sabi ka ng weak akala mo naman napaka-tapang mo! Tsaka gagalit-galit ka dyan, eh, mas malala pa nga ginawa mo sakin noong nakaraan!” Pinakita niya yung litrato ng project niya last week na nasira ko ng hindi sinasadya dahil na-landinga ng bola ng basketball na pinaglalaruan ko. Hindi ko tuloy mapigilan matawa ng maalala ko ang reaksyon niya noong mga oras na iyon.     “Tawa pang hinayupak ka. Alam ko naman na sinadya mo iyon kunwari ka pa.” Imbis na makipag-talo pa sakanya ay hinila ko ang notebook na sinusulatan niya at agad ko rin ibinalik sakanya ng makita ko ang mga mahihiwagang numero.     “Nakakatakot parang multo ano?” Sabay kaming natawa sa sinabi niya.      “Oo. Tsaka parang napaso pa nga ako!” Pinakita ko pa yung kamay ko na siya namang hinampas ng kumag na ito. “Aray!” Hindi ko mapigilan na mapadaing sa sakit ng hampas niya.     “Para nakipag-apir lang naman ako sayo.”     “May sa bakal yata iyang kamay mo, Claudette.” Pinakita niya sa akin ang kamay niya kung saan may nakasuot na mga singsing. Silver band ring na walang design.      “Eto lang ang pwedeng matawag na bakal na nakasuot sa daliri ko. Tapos sa right hand ko pa nakalagay ang hirap tuloy.” Ngumuso pa ang walanghiya na akala mo bagay sakanya.     “Yuck! Huwag ka nga ngumuso at hindi mo bagay para kang bibe.” Binato niya sa akin yung eraser niya. “Ano ba kasi sinasabi mo na mahirap, eh, nakalagay lang naman diyan sa tatlong gitnang daliri mo.”     “Exactly!” Hinampas pa niya yung table. Napalingon tuloy sa amin ang ibang estudyante na nag-aaral din dito sa study area na malapit sa field kung saan may mga nag-pra-practice ng baseball at cheerleading. Dito niya trip mag-aral kasi mahangin daw. Mahangin para sa mga cheerleader.     “Huwag ka ngang agaw atensyon.” Kinurot ko yung parte ng kamay niya na naabot ko. At ng marealize ko kung ano yung pinatutungkulan niya na mahirap ay walang pakundangan na tumawa ako ng malakas. Para kaming hindi babae sa pinag-gagawa namin.     “Ikaw ang agaw atensyon sa ating dalawa, Clair.” Ngumisi ito sa akin dahil alam kong alam na rin niya na nagets ko yung kawalanghiyaan na sinasabi niya.     “Ang pervert mo talaga. Edi tanggalin mo na lang kapag may ka-collaboration ka sa paggawa ng milagro!” Binalik ko ang atensyon ko sa pag-sasagot dahil magsisimula ulit ako. Hindi ko pwede ipasa ito na may malaking linya ng ballpen sa gitna pa mismo. Akala mo design ang lintek.     “Edi yung hanger naman ni Nanay ang maka-collab ko kapag tinanggal ko itong mga ito.” Tiningnan niya ang singsing niya at pinaglaruan.     “Bakit ba kasi bawal mo tanggalin iyan?” Nakita ko sa peripheral view ko na nagkibit balikat lang siya. “Sagutan mo na nga lang iyang mathematics homework mo.”     “Ang hirap nga kasi! Puros hanapin si value ng X, eh, wala na ngang value iyon. Hindi ko na rin naman hinahanap. Paepal!”      “Gasgas na iyang hugot mo. Tsaka basic pa lang iyan nagkakaganyan ka na!”     “Wow.” Sarcastic na sabi ni Claudette at inilapit pa ang mukha sa akin. Kaya ngayon ayan siya kulang na lang dumapa na siya sa lamesa. Walang pake ko naman na inilipat ulit sa susunod na pahina ang libro.      “Basic daw tapos kung makabalik sa akin ng notebook ko kanina akala mo yung pagkakapaso niya pumasok siya sa loob ng simbahan.” Natawa naman ako sa sinabi nito. Wala talagang filter ang bibig nito.     Tiningnan ko siya saglit, “Kung bakit kasi engineering ang kinuha mong kurso, eh.”     “Sabi ni Nanay ayun daw kunin ko. Mabait akong bata nasunod sa magulang.”     “Hayop ka, Claudette. Ayusin mo iyang pag-aaral mo ng engineering. Bachelor lang parehas ang kinukuha natin hindi doctorate.”     “Physical Therapist naman ang sa iyo kaya basic lang ang math class mo. Sa akin something engineering.” Lintek na ito, something engineering parang hindi pa alam kung anong major ng engineering ang kinukuha. “Dapat kasi nag-engineering ka na lang din para tulungan tayo.”     “Asa ka! Ano ba dapat plano mong i-enroll kung hindi mo sinunod ang gusto ni Tita?”     “H.R.M.” Nagpangalong-baba pa ito sa harap ko. “Pagkain ang gusto kong iluto pero sa pagkakataon na ito parang itong utak ko ang naluluto dahil sa problem solving lintek na iyan!” Natawa halos lahat ng nakarinig sa sinabi ng abnormal na ito.     Pagkatapos ng walang habas na pagrereklamo nitong si Claudette ay nagpasya na siyang gawin ang assignment niya. Lihim na lang akong natatawa sa nagiging reaction ng mukha nito. Kulang na lang kasi matahi na sa isa’t isa ang mga kilay nito.      “Tigilan mo nga iyang pagbubulong-bulong mo para ka naman may isinusumpa sa lagay na iyan eh!”     “Ay hindi ka nagkakamali. Talagang isinusumpa ko na ang walanghiya!” Gigil itong nagsulat ulit. “Tapos ka naman na yata baka naman pwedeng i-extend mo ang talino mo dito sa ginagawa ko?” Tinaasan ko ito ng kilay. “Baka lang naman, alam mo na makalusot.”     Naglumikot ang mga mata ko sa paligid at natuon ang pansin sa mga nag-pra-practice ng baseball sa field. Panigurado bagong recruit itong mga sinasanay nila sa paghampas ng bola. Ang pangit ng way ng pag-train nila sa mga freshmen masyado kasi nila finofocus ang mga ito na maka-home run kaagad ng hampas.     Basic dapat muna kasi kaso mukhang naghahabol ang coach nila dahil sa pagkakaalam ko last chance na nila ito para maipakita sa admin na may napapala ang school sa pag-suporta sakanila.      “Gusto mo sumali?”     “Tapos ka na?” Tumango naman ito. “Depende. Kaso hindi malakas ang team nila baka mahirapan sila makipag-sabayan sa ating dalawa.”     “Ikaw lang tinanong ko kung gusto sumali sinama mo na kaagad ako sa bilang? Aba naman kaibigan!”      “Syempre naman. Kaya nga plusONE ang tawag sa ating dalawa!”     “Mali yata ako ng narinig kung ganun.”     “Ano ba narinig mo?”     “David and Goliath.” Monotone na sabi nito. Pero kung hindi mo pa talaga ito kilala aakalain mo na wala lang iyon pero dahil alam ko hanggang sa kaibuturan ng kaluluwa nito alam kong winawalanghiya nanaman niya ako. Flat five lang naman ang height ko samantalang ito ay nasa five’ eight. Sinamaan ko ito ng tingin.     Tinawanan lang niya ako, “Tara na nga’t pumasok na sa klase natin.” Nagsimula na kaming magligpit ng gamit.     “Mag wee wee lang ako saglit.” Sabay takbo siya papunta doon sa comfort room na malapit sa field.     Kung kailan naman paalis niya tsaka pa naisipan mag-bawas ng tubig sa katawan niya. Tsaka nagpakahirap pa siya pwede naman doon na lang sa loob ng building mag wee wee para hindi na hassle sa amin parehas.     Nanood na lang ulit ako nag-tra-training. Kanina pa ganito ang pinapanood ko nag-sasawa na ako. Isang drum yata ang wee wee ni Claudette, ang tagal naman kasi niya bumalik.      Napatingin ako sa taong naka-tayo na sa tabi ko ng hindi ko namalayan. Biruin mo yung hitsura ko habang nakatingin dito dahil hindi pa nag-click sa aking brain kung sino ang nilalang na ito. At ng nag-light bulb na sa aking brain ay napaayos ako ng upo dahil si Coach Tyron pala ito.     “Gusto ko sumali kayo ni Claudette sa team ko at dapat bukas nasa training kayo.”     Mahusay!     Hihindi pa lang sana ako at sasabihin na may iba kaming plano ng makita kong nagtatakbo palapit dito si Claudette ng naka-ngiti na akala mo naka-jackpot ay bigla akong napatayo dahil sigurado ako na may kalokohan itong ginawa.     Hindi na talaga ako nakasagot kay coach ng hinila ako ni Claudette ng mapadaan ito sa pwesto namin kanina. Tangay ako ng lokong ito papasok sa loob ng building ko dahil ihahatid niya ako. Gawain niya yan lagi at walang palya.     “Teka lang, Claud. Huwag mo naman akong hatakin maiikli lang ang biyas ko hindi katulad ng sa iyo!”      “Ay! Sorry! Sorry!” Tumigil na kami sa pagtakbo at naglalakad na papunta sa room ko.     “Ano ba kasi tinatakbuhan mo?” Ang layo ng tinakbo namin pero parang hindi kami napagod doon. Hindi rin kami pinagpawisan at hindi rin kami hinihingal. Ang laking tulong talaga ng pag-eexercise namin tuwing umaga sa mga ganitong sitwasyon.     Madalas kasi kaming habulin ng kung sino-sino kasi daw nayayabang sila sa dating naming dalawa ni Claud. Alam niyo na kapag laking public school halos araw-araw exciting ang mangyayari lalo na sa tulad namin na habulin at takaw daw sa gulo.     Pero huwag niyo minamaliit ang public school dahil masaya pa rin ang memories na mabubuo dito!     "Kita na lang tayo mamayang lunch!"     Tumakbo na ulit ito palabas at siya naman kita sa kanya ng guard na sinundan siya sa pagtakbo para kunin ang I.D. niya.     Natapos ang klase ko ng parang wala lang. Pinasa lang ang homework tapos bigay ng bago plus kaunting discussion tapos panibagong homework.     Nakakalumbay naman!     Bawal pa naman kami magpetiks kasi scholar lang kami dito. May talino naman rin kami kahit buhat bangko pa ang gawin namin.      Hindi lang talaga exciting ang pag-aaral para sa utak namin ni Claud. Ewan ba kung bakit. Pero mabilis kaming madistract lalo na ako.      "Heto na order mo. Bayaran mo ako dito ah? Pang-allowance ko bukas iyon."     "Oo na. Akala mo ay hindi siya babayaran eh!"     "Aba'y hindi talaga!" Kumagat ako sa sandwich na binili niya. "Kapag oras ng singilan nagkaka-amnesia ka eh!" Tuloy lang ako sa pagkain na parang walamg narinig miski isa sa sinabi nito.     "Mas masarap pa yung footlong na pinagkakaguluhan natin noong highschool tayo kaysa dito!" Tiningnan niya ito na parang kakaiba sa panglasa niya ang kinakain.     "Nakakamiss nga. Oo nga pala, ano iyong ginawa mo kanina at napakabilis mo tumakbo?"     Nilunok niya muna ang kinakain niya bago uminom sa juice niya. "Ayun ba? Hindi naman ganun ka-exciting iyon."     "Ano nga?"     "Narindi kasi ako doon sa isang babae kanina. Talak ng talak akala mo kanila yung comfort room. Kaya pinatahimik ko siya sa harap ng mga kasamahan niya gamit ang kissable lips ko." Nagtaas baba pa ang kilay niya na. Akala mo normal na gawain lang yung ginaqa niya. Normal nga pala sakanya iyon dahil abnormal siya. "Para mag wee wee lang ako saglit tapos ayaw pumayag."     "Sino ba iyong hinalikan mo?" Naibuga ko sakanya yung iniinom kong juice ng ituro niya ang babaeng kapapasok lang sa cafeteria na sobrang sama ng aura at tila may hinahanap. Hindi ito nag-iisa dahil kasama nito ang boyfriend niya sa ngayon na star player ng basketball.      "Hutangna ka talaga, Claud!" Madiin ngunit pabulong na sabi ko sakanya. Nagtataka naman ang mukha nitong tiningnan ako.     "Bakit ba? Eh ang damot niya nga kasi kanina!"      "Siya yung queen bee dito!"     "Reyna ng mga bubuyog?" Ewan ko na talaga!      "Parang ganun na nga. Pinahamak mo nanaman yung katahimikan natin. Paano na!?"     "Bakit ba kasi!?"     "Notorious bully iyan dito lalo na at sinusunod talaga siya ng mga estudyante sa mga gusto niya."     "Ngayon?" Confuse pa rin ang hitsura niya at natigil na sa pag-inom.      Bago pa ako makasagot ay may lumilipad na bola kaming nasalo. Nabigla ang mga tao sa paligid namin sa nakita nila. Kasalanan ba namin na matalas talaga ang reflexes namin.     "Nice catch!" Siniko ng boyfriend ni Ritchelle ay isang teammate nito na siyang pumuri sa pagkakasalo namin ng bola. Lumapit sila sa amin kaya pumunta ako sa pwesto ni Claud na nakaharap sakanila.     Pinagulong ni Claud yung dalawang bola pabalik sakanila. Agad naman ito dinampot ng mga alipores ng campus couple. Sagwa!     "Ayaw namin ng gulo." Sabi ko sakanila.     "Paano ba yan? Gusto namin ng gulo lalo pa't winalanghiya ng hinayupak na iyan ang girlfriend ko!" Galit at mapanginsulto na turan ng boyfriend ni Ritchelle. Hindi ko na papangalanan at hindi naman importante.     "Boyfriend mo iyan?" Tinuro pa ni Claud ang lalaki habang nakatingin kay Ritchelle. "Hala! Ang panget mg taste mo sa lalaki."     Tumawa ang halos lahat ng tao sa cafeteria pero tiningnan sila ng masama ng lalaki at nanahimik. Mahirap na baka sila mapagbalingan ng galit nito.     "Aba't talagang papalag ka?"     "Bakit hindi? Hindi naman ako natatakot sa panget na katulad mo!" Sinugod nung lalaki si Claud at nagbigay daan naman ako sa gusto nito mangyari.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Pretty Mom (Filipino) R-18

read
45.1K
bc

The Last Battle

read
4.0K
bc

IN BETWEEN (SPG)

read
291.1K
bc

My Boyfriend's Bestfriend

read
49.9K
bc

Our Cup of Kofie (SPG)

read
490.9K
bc

NINONG III

read
416.4K
bc

Their Desire (Super SPG)

read
1.0M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook